Chapter 8 - Mysterious Guy

36 3 0
                                    

Nexi's POV

Kabadtrip naman yung tatlong yun. Kala mo kung sinong mga gwapo.

Nahagilap ng mata ko ang isang gwapo este kwago na may kalandian na naman.

I thought si Jaira ang flavor of the week niya? So, iba na agad? Wala pa ngang 3 days ang landian nila.

"Oy Nexi!" Aba, napansin pala kami ng kwagong unggoy.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Saan kayo pupunta?" Tanong niya

"Sa lugar kung saan malayo sa polusyon." I simply answered.

"Polusyon?" Tanong ulit niya na may halong pagtataka.

"Oo, polusyon ng malalandi." Sagot ko ulit saka sila sinamaan ng tingin.

"Pinapatamaan mo ba kami?" The girl asked.

"Bakit tinatamaan kayo?" Balik tanong ko sa kanya. "Mamaya iiwan ka din niyan, tulad ng ginagawa niya sa ibang babae. Laruan ka lang." Dugtong ko.

"She's right Miss." Pag sang-ayon nina Rhea at Faye. Saka kami lumakad palayo.

"Galing mo talaga Elle, you deserve talaga sa lead role." Sabi ni Faye

"I know."

"Paano kapag nainlove ka kay Ivan?" Seryosong tanong ni Rhea.

He Meets the AMAZONA.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon