Sana's POV
"Sana! Gising na bebe girl. 7 na ng umaga oh! Baka ma-late ka na sa pasok mo." ginising ako ni Yaya Noring. "Five minutes nalang ya!" Sabi ko sa kanya. Sobrang antok pa kasi ako. 3AM na kasi ako natulog kagabi. Syempre, ang hirap matulog ng maaga kapag may internet sa bahay. "Gumising kana be. Papagalitan ako ni mommy mo pag nalate ka sa school. First day mo pa naman ngayon" pangungumbinsi sa'kin ni yaya. "Three minutes ya!" Sabi ko habang nakapikit parin ang mga mata ko. "Samantha Andree Nicholaigh Allegro, babangon ka dyan o paaakyatin ko si mommy mo dito?" sindak ni yaya sa 'kin. "Eto na nga po ya. Babangon na po." sabay bangon at hug kay yaya. Sobra kaming close ni Yaya Noring. Simula pagkapanganak sa akin ni mommy, nagtatrabaho na si yaya sa family namin. Tinuturing na nga namin siyang part ng family sa sobrang tagal niya. 18 years na siyang nagtatrabaho kina mommy't daddy. Akalain mo yun, nauna pa siya sa'kin ng isang taon sa pamamahay na 'to.
-----
It's 8 in the moring and I'm on my way to school. Hindi na masyadong mahirap para sa akin na pumunta sa school kahit medyo malayo ang Winchester University kasi may sasakyan naman kami. While I'm on the car, I turned on the radio para naman hindi boring papuntang school. Medyo kinakabahan ako kasi new sets of classmates naman ang makakasama ko for the whole year. Buti nalang talaga at classmates kami ng best friend kong si Ellie. Siya lang kasi ang close ko sa mga magiging classmates ko ngayon. Though may kilala akong ilan, but hindi kami gaano ka close. I'm already in senior high school. HUMSS (Humanities and Social Sciences) yung napili kong strand. Yun kasi yung pina-connected sa magiging course ko sa college. Gusto ko kasi maging Psychologist. *phone ringing* "Hello Sana? Where in the hell are you? I'm here in school na." Yung maarte kong kaibigan, tumawag. "I'm almost there na. Wait mo lang ako Ellie" sagot ko sa kanya. "You better hurry na. Ayokong ma-late sa first day na'tin." "Yes, I will. See you in a bit." Sagot ko nang pinagmamadali ako ni Ellie. Five minutes na ang nakalipas at finally, nandito na ako sa parking lot ng school. Wala namang masyadong nag iba sa school bukod sa medyo dumami ang cars sa parking lot ngayon. Nahirapan tuloy si Mang Berto na ipark yung car namin. After na nakahanap si Mang Berto ng space, binuksan ko yung door ng car at bumaba. "Mang Berto, thank you for driving me to school safely. Paki-sundo nalang po ako later at 5." Tugon ko kay Mang Berto. "Opo ma'am Sana, sunduin kita mamayang 5" sagot niya. "Mang Berto, Sana nalang po. Di ka na naman iba sa'kin eh." Sabi ko sa kanya. Kakaalis lang ni Mang Berto nang may narinig akong sumigaw ng pangalan ko. "Sana!" Lumingon ako at tama nga ang hinala ko. Si Ellie 'yon at papunta na siya sa'kin. "Sana! I miss you so much bessie!" Maarteng sabi ni Ellie. "'Wag ka ngang echosera! Magkasama tayong nanood ng movie last Friday kaya 'wag kang mag asta naparang last year tayo huling nagkita. Hahaha" sagot ko sa kanya. "Basag-trip ka talaga Bessie! Tara na nga! It's almost 8:30 na. Male-late na tayo sa Orientation." At lumakad na kami papuntang auditorium for our orientation.
---
"Finally! Tapos na yung boring na orientation na yun." sabi ko habang papalakad kami ni Ellie papuntang room namin. "So this is it bessie! Ready to meet new friends?" sabi ni Ellise habang nasa harap kami ng door ng room namin. "Yeah. I'm so freaking ready bessie." sagot ko sa kanya. Pumasok kaming dalawa sa room. Medyo magulo ang room. May mga magkakakilala na na nag-uusap, may iba namang tahimik lang. Habang papunta kami ni Ellie sa upuan namin, may binulong sa'kin si Ellise. "Uy bessie tingnan mo dun sa harap. Yung magkabarkadang mga lalake, ampogi nila bessie!" bulong sa'kin ni Ellie. "Eh ano naman ngayon bessie?" sagot ko sa kanya. "Baka dito mo na mahahanap yang si Mr. Right mo bessie." dagdag pa ni Ellie. "Pag-aaral ba pinunta mo dito o paglalandi? Bessie, first day pa nga lang ng school, ganyan na agad iniisip mo." sinermonan ko. Pero in fairness, ang pogi nga nilang tatlo. Yung isa, mas maganda pa yung kilay sa'kin. Maputi, siguro foreigner, matangos ang ilong, medyo may kataasan, tapos ayos na ayos ang buhok. Yung isa rin, parang foreigner. Medyo malapad ang noo, malaki ang mga mata, matangos rin ang ilong. Parang british ang mukha nya. Tapos yung isa naman, Pilipinong-pilipino ang itsura. Tan siya compared sa dalawang mapuputing mga lalake. Pero di rin magpapatalo kagwapuhan ng isang 'to. Matangos rin ang ilong. Siya yung pinakaiba sa tatlo. Nagsitahimik ang lahat ng pumasok na yung prof namin. First subject namin ay English for Academic and Professional Purposes. As usual, dahil first day of school, wala pang proper lesson, 'introduce yourself' lang muna. Isa-isa kaming pinatayo sa harapan ng lahat upang i-introduce ang mga sarili namin. Ilang classmates ko na ang tumayo at nag introduce hanggang sa tatlong boys na magbarkada na ang susunod. "Hi, my name is Kleid Winchester Draemond. I'm half Filipino, half British. But I grew up in Germany because my dad runs a company there. My mom is Samantha Winchester Draemond. Her grandfather is Mr. Krisstoff Winchester, the owner of this school, Winchester University. I finished my Junior High School at De La Salle University" sabi ng poging medyo malapad ang noo. "So ikaw ang great grandson ni Mr. Krisstoff Winchester?" sabi ng isa kong kaklase. "Obviously, yes. But that doesn't mean I rule this school. Grandpa will not like it if there's special treatment to a student happening in his school." sabi ni Kleid in a humbly way. Umupo na siya at sumunod naman na tumayo yung moreno niyang kaibigan. "Good morning everyone. I am Miguolo Reyes, call me Migz for short. I am a pure Filipino but I was born in Los Angeles, California. It's my first time here in the Philippines so I am not that familiar of the language that you speak. And I hope I can learn to speak tagalog with the help of my bros, Kleid and Tris, who I've just met." introduce naman ni Migz sa sarili niya. Akalain mo yun? Kung sino pa ang pinakapinoy ang mukha sa tatlo, siya pa ang hindi marunong magtagalog. At ang huling mag i-introduce ng sarili niya sa kanilang mag-kakaibigan ay tumayo na at pumunta sa harapan. "Hello everyone. My name's Tristan Michael Gallo. My mom's Filipino, my dad's Italian. I finished my Junior High School at De La Salle University. And in fact, one of our classmates here is my classmate back then. *sabay turo kay Kleid*" Kaya pala parang close na yung dalawa. Kaklase na pala sila sa La Salle. Patuloy parin ang pag introduce namin hanggang sa katatapos lang ni Ellie at ako na ang susunod. Tumayo ako at pumunta sa harapan. "Good Morning everyone. I'm Samantha Andree Nicholaigh Allegro. I'm 17 years old. My mom is a fashion designer and my dad is a lawyer." napa-pause ako bigla kasi wala akong masabing iba tungkol sa sarili ko. "And my favorite flower is Santan. Good thing our school has a lot of it. That's all." dugtong ko. Nakakahiya! Ba't ko sinabi 'yun? Awkward naman 'nun. At natapos na kaming lahat na mag introduce. Saktong nag ring na yung bell. Nag lunch kami ni Ellie ng magkasama at nakita namin sa kabilang table sina Kleid, Migz at Tristan na may kasamang isang babae. Magkatabi si Kleid at Migz, si Tristan naman at ang magandang babae ang magkatabi. Di nalang sila namin pinansin at umupo na kaming dalawa ni Ellie sa isang vacant table. After naming kumain ay bumalik kami kaagad sa room. Gano'n parin, puro introduce yourself parin ang scenario sa room. Natapos ang last subject namin at lumabas kami sa room. Ellie and I separated ways kasi papunta akong car park at si Ellie naman, may dadaanan pa raw. Pagkapunta ko sa car park ay saktong naghihintay na si Mang Berto. Sumakay ako sa car at umuwi sa bahay.
[ End of chapter ]