Tristan's POV
"What would you like to order babe?" tanong ko kay Vivi. "I'm not in the mood to eat Tris. Tsaka busog pa ako." sagot niya sa'kin. I know she's lying kasi palakain 'tong monggi kong girlfriend eh. Napasagot ko nga siya noon dahil sa foods. Pero bukod dyan, nakikita ko sa mga mata niya na parang may pinagdadaanan siya. "Babe, are you okay?" tanong ko. "I'm fine Tris. Mag-order kana at kumain. Hahanap ako ng table na'tin." sagot niya na para bang hindi ako importante sa kanya. "Okay babe. I'm sorry." inintindi ko nalang siya. Ganyan talaga kapag mahal mo, titiisin mo lahat ng katopakan niya. Kinuha ko na yung order ko at hinanap ko yung table na nandoon siya. Umupo ako at kumain ng tahimik. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanong ko siya. "Vivi Dorchner, is everything alright? You're making me worry babe. Please tell me what you feel. Nang matulungan kita kung may problema kaman. Ayoko kasi..." hindi pa ako tapos sa pagsasalita nang, "Ayoko na Tris!" nagulat ako sa sinabi niya. "Anong ayaw mo na?" tanong ko. "I think our relationship isn't working anymore. Pagod na'ko." sabi niya habang nakakunot ang noo na para bang iiyak. Pinipilit kong pigilan ang pag-iyak ko pero hindi ko kinaya. Bigla nalang tumulo luha ko ng hindi ko namalayan. "Pagod? What do you mean baby? Siguro masyado kalang stressed kaya mo nasasabi to. Please baby, don't do this to me." kumbinsi ko habang patuloy na tumutulo ang luha ko. "Tris. I love you pero hindi ko na kaya. I don't know how to say this but..." bigla nalang siya nag-pausr sa pagsasalita. "But what?" "I'm sorry Tris. Dwayne and I have been spending time together. Narealize ko na siya parin pala." explain niya sa'kin. "Eh ako? Ano ako sa'yo Vivi? Hindi ako vulcaseal na gagawin mo lang panakip-butas! Minahal kita ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko! Lahat ginawa ko para lang maging masaya ka pero ano? Rebound lang pala ako?!" Sabi ko ng medyo malakas habang umiiyak. "Siguro, tama nga ang desisyon mo. Let's end this relationshit. Thanks for all the memories. Bye." hindi ko na naubos yung pagkain ko, tumayo ako at umalis agad. Ang sakit sakit. Walang kwenta yung isang taon na magsasama namin. None of her feelings is real. Napakatanga ko na nagpaloko ako sa katulad niya. Hindi na ako pumasok sa panghapon kong class dahil umuwi ako.Sana's POV
Kakatapos lang naming kumain sa cafeteria at pabalik na kami sa room. Habang papalakad kami ni Ellie, nakita namin yung kasamang babae nina Kleid kahapon na umiiyak habang tumatakbo palabas ng Senior High Building. Napatingin ako sa kanya. "Bessie! Tingnan mo yung babaeng umiiyak. Diba siya yung kasama nina Kleid kahapon?" sabi ko kay Ellie. "Ay oo bessie, siya nga. Umiiyak ba sya?" tanong ni Ellie. "I think so. Hayaan na natin bessie. Diba may class pa tayo? Tara na!" sagot ko sa kanya. Lumakad na kaming dalawa papunta sa room namin. Nang nasa room na kami, umupo agad kami sa mga upuan namin. Sakto na pagkaupo namin ay dumating yung prof namin sa General Math. Sa kalagitnaan ng lesson ng prof namin, halos kalahati na ang hindi nakikinig dahil hindi interesado sa Math na subject. Tiningnan ko isa-isa yung mga kaklase ko. Nanotice ko na parang matamlay sina Kleid and Miguolo. Napuna ko rin na wala si Tristan. Nakita ko naman siya kaninang umaga ah. Sa'n kaya siya pumunta? "Bessie tingnan mo sina Migz. Dalawa lang sila ni Kleid. Absent ata si Tristan." bulong ko kay Ellie. "'Di mo ba alam kung anong nangyari kay Tris?" sagot niya at biglang nagsalita si Prof, "Miss Allegro and Miss Lovegood, care to share to the whole class what you two are talking?" Bigla akong kinabahan. "Nothing sir. Sorry for interrupting." Sagot ko naman. "Then you both keep your mouths close." Ay jusko bes. Di ko kinaya yung moment na 'yun. Sobra akong nahihiya sa ginawa ni sir. Pero kasalanan din naman namin ni Ellie. Pero nagtataka lang talaga ako, baka siya siguro umabsent dahil nakita ko siyang umiiyak. Pati rin yung babae na kasa-kasama nila. Who's that girl? Ano ang koneksyon niya kay Tris? Sa kakaisip ko nakalimutan kong naglalakad ako papuntang canteen para bumili ng Nova. Sa sobra kong kakaisip sa nangyare, bigla nalang akong nakabangga ng tao
