Cathy's P.O.V.
"Goodmorning class!" Sabi nung music teacher namin.
"Goodmorning Mrs. Santos!" Sabi naming lahat. Syempre ako, nakayuko parin. Tapos umupo na kami.
Nagtataka kayo kung bakit ako palaban kanina, tapos ngayon naman nagkakaganto ako? Easy lang. NAKAKAHIYA.
Ikaw kaya, mag walk-out tapos.. matatapilok ka din naman. Edi EPIC FAIL.
"Ngayon, may nakikita naman kayong dalawang box. Sa isang box, bubunot ang mga lalaki kung saan nakalagay lahat ng pangalan ng mga babae. At kung sino ang mabubunot ng lalaki, siya ang magiging kapartner niya sa kakantahing kanta. Sa pangalawang box, diyan naman bubunot ang mga babae kung ano ang kanilang nakatakdang kantahin." Paliwanag ni Mrs. Santos saamin.
Eh pano kaya yung mga pangit kumanta? Actually lahat naman magaganda ang boses. Maliban lang ata saakin.
Tsaka paano kung, ayaw saakin ng partner ko? Edi solo ako? Ano ba yan. Hays.
"Maam! Paano po kung ayaw nung lalaki ang kanyang nakatakdang partner?" Tanong ni Edward. Isa sa mga sikat na lalaki sa campus.
"OO NGA PO!!" Angal ng iba pang lalaki. Kasama yung lalaking natapunan ko kaninang ke yabang yabang naman.
Zane daw pangalan eh.
Actually, nagtataka kayo na hindi ko siya kilala nung una. Sa tagal ko na nagaaral dito. Paano naman.. diba magkakaiba ang schedule namin?
Alam ko kung bakit nila yun tinatanong. Dahil KO. Nag-aalala sila na baka isa sa kanila ay mabunot ako. Ang mga babae naman walang problema dahil, lahat naman ng lalaki ay may itsura.
Tska bakit ba kailangan lagi importante ang looks? Di' ba dapat ang mas gugustuhing kapartner magaling kumanta?
" i forgot! WALANG KJ! Ang magi---" hindi na natuloy ang sasabihin ni Maam dahil biglang nagsalita si Zane.
"Paano kaya kung ipa FIRE kita? Ha?" pananakot niya.
Yan ang ayoko talaga sa ZANE na yan eh! Purket siya ang anak ng may-ari ng university na to' ganyan niya tratuhin ang mga teachers para lang masunod ang gusto niya. Paano kaya kung ipataob ko to'?
Anak lang naman siya ng nagmamay-ari ng university na to' kung makapangtrato sa ibang tao, parang siya may ari.
"Sorry Mister Lee. Nakakalimutan mo ata na pwede kong i report ang mga ginagawa mo sa amin, sa daddy mo." Yan ang gusto ko sa mga teachers ngayon, palaban na. Hindi katulad dati.
Dahil sa sinabi ni maam, napatahimik nalang si Zane at napaupo. Hahaha. Buti nga! Bleeeeehhh :P
"Okay. Mag start tayo kay Zane." inabot naman ni maam yung box sakanya.
Zane's P.O.V.
KAKAINIS! Nakalimutan ko na pala na Hindi na ako pwedeng mag-fire ng mga teachers dito sa university! Hindi katulad dati. AISH!Kung pede lang ibalik ang nakaraan, madami na akong napatalsik na teachers dito.
Ako pa ang unang tinawag! Sana naman LORD, maganda ang boses at chix ang mabubunot ko hehe.
BINABASA MO ANG
FALLING INLOVE WITH THE EX NERD [ON GOING]
FanficPaano kung ang isang campus king ay mainlove sa isang nerd, na ngayon ay isa nang dyosa at hinahangaan na ng lahat? Magbabago kaya ang tingin nito sa kanya? O sasabihin niya ang kanyang totoong nararamdaman? . . . . Tara, sabayan niyo akong tuklas...