1.

29 1 0
                                    

Chapter 1

Kakatapos ko lang mag-almusal nang maisipan kong pumunta sa terrace upang magpahangin at mag-relax.

Hay, ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito.

Ako nga pala si Jasper Henry Concepcion. Henry for short.Matangkad, pogi, mahilig sumayaw at kumanta, mahilig sa sports at kung ano-ano pa.  16 years old na ako.4th year high school sa pasukan. Hindi man ako mahilig mag-aral pero mahilig ako sa sports kaya madalas marami akong mga quiz na nami-miss. At heto, naalala ko na naman yung kaengotan ko na ginawa ko nung bago ako mag3rd year, nabasa niyo naman yata sa Prologue yun diba? Haha! Okay, nakipag-break lang naman kasi ako sa Girlfriend ko dati na Ex ko na ngayon. Eh kasi naman eh, tinetest ko lang yung reaction niya kapag ginawa ko yun. At ayun nagalit siya sakin at umalis. Ang tanga ko ‘no? Makikipagbreak ako dahil lang para ma-test ko siya.Eh kasalanan din naman niya eh, sineryoso din naman niya yung pagbe-break ko sa kanya. Ni hindi niya tinanong kung nagbibiro lang ako. Basta ang ginawa lang niya, umiyak, nagalit at umalis. Yun lang. Pero mas malaki pa din yung kasalanan ko. Kaya heto ako ngayon, hinahanap siya at nag-aabang sa kanya.

Maya-maya lamang ay bumaba na rin ako.

“Saan ka galing?” tanong sakin ni Ate Michelle. Ate ko. Yan yung babae na tipong lagi na lang naka-harap sa salamin at nagpapaganda para lang sa wala. Ewan ko ba sa kanya. Trip niya daw yun eh.

“Malamang sa taas, di mo ba nakita na bumaba ako?” pangbabara ko sa kanya.

At inirapan lang ako. Hay nako, mga babae talaga. Ang hilig mang-irap lalo na kung saksakan ng arte.

“Oo nga pala, may pasok ka na bukas. Ni hindi ka man lang nag-aayos ng gamit mo” sabi niya sakin.

“Alam ko. At tsaka si Yaya na yung mag-aayos ng gamit ko ‘no.” sagot ko.

“ Katamaran mo talaga.” Ate Michelle.

“Ay naku!!! Nagsalita ang hindi tamad.” Pagpaparinig ko sa kanya. “Che!!!” ayun, inirapan na naman niya ako at umalis na.

Hobby niya talaga ang mang-irap ng mang-irap.

Porket naka-tapos lang siya sa pag-aaral gaganyanin na niya ako. Taray naman nun. Chef kasi siya ngayon eh.

Pumunta muna ako sa gym saglit. Malay ko ba sa sarili ko kung bakit wala akong magawa.

Nag-exercise muna ako.

(After 2 hours)

Dalawang oras ako dun sa gym habang nag-eexercise. Kabagot eh.

Maya-maya lang...

“Heyyyyyyyyy”

Tss. Sinusundan ba talaga ako neto?

“Musta ka na?” tanong sakin ni Shar.

Siya nga pala si Shar. Yung babaeng kaklase ko simula High School. Nung nalaman niya na Break na kami ni Gale (yung Ex ko) nagsimula na siyang magpapansin sakin.

Oo, ayaw niya ako tantanan sa pagpapapansin. Minsan pa nga eh pinasok niya ako sa CR ng boys. Buti na lang nananalamin lang ako nun.

“Hindi mo ba ako papansinin?” sabi ni Shar

“At baket naman kita papansinin?” tanong ko sa kanya.

“Duhhhhh. Ang slow mo talaga” sabi pa niya.

“Ano bang pinagsasabi mo diyan ha?!” tanong ko na medyo galit.

“Hmmmm, bahala ka nga dyan. See you tomorrow sa school” sabi niya na. Tapos umalis na siya.

Two Girls Inside My Heart [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon