Prologue:
Alam niyo minsan naguguluhan na ako sa sarili ko eh.
Sino ba naman ang lalakeng maiinlove ng dalawang babae?
Edi ako.
Tapos iisipin mo na dapat hindi ka mainlove sa isa sa kanila pero inlove ka na talaga sa kanya.
Eh ako na talaga ang ganyang klaseng lalake.
Yung una babae ay yung Ex Girlfriend ko na matagal ko ng hinahanap at gusto ko ng balikan. Ang gulo ‘no? Ex na nga babalikan pa.
At yung pangalawa naman na babae ay yung tumulong sakin sa paghahanap sa Ex ko. Engot ko lang nainlove din ako sa babaeng ito.
At ayun, pareho na akong inlove sa kanila.
Sino ba dapat ang piliin ko sa kanila?
Bawal naman pareho ko silang piliin diba? Pagkakamalang two-timer ako nyan.
Basahin niyo na lang yung kwento ko para malaman niyo kung sino yung pipiliin ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Two Girls Inside My Heart [Short Story]
RomansaIsang lalake na nainlove sa dalawang babae. Ano kayang mangyayari sa kanya?