“Once upon a time great things happened to me and it was the day I met him, Dwane Christian Sy, the playboy who’s holding my heart…” Paano kung isang araw ay makilala mo ang limang casanova/playboy ng school n'yo, not to mention they’re onto you? What will you do? Ito ba ang simula ng magulo mong buhay o isang nakakakilig na pag-ikot ng mundo mo? Ang simpleng babae ay pag-aagawan ng limang nagguguwapuhang lalaki.
Is it a dream come true or just another “paasang” fairy tale? Sa limang casanova, alin sa kanila ang pipiliin mo? Mai-in love ka ba sa isa sa kanila? O You’ll give them a dose of their own medicines? Mahal ka nga ba nila? O pinaglalaruan lang din? Ano'ng gagawin mo kapag naging ganito kagulo ang buhay mo? Magre-relax, mag-iisip o GO WITH THE FLOW? Sa haba ng buhok mo, hiyang-hiya naman si Rapunzel sa iyo. Pero paalala, ha? Sa Math nga mismo may LIMIT at ang INFINITY ay itinuturing na DNE o “does not exist.” DNE nga rin kaya ang HAPPY EVER AFTER mo? Too many questions but only a story can answer.