“I like you a lot. At wala akong balak na umalis ng bansang ito na hindi iyon pumapasok diyan sa kukote mo.”
Walang ibang kinikilala sa buhay si Shayne kundi pera, salapi at lahat ng bagay na may monetary sign. Masaya siya kapag nakakakulimbat ng kayamanan. Pero lahat ng iyon ay kinukuha naman niya sa mabuting paraan. Takot kasi siyang makarma. Sa kalagitnaan ng pangangalap niya ng panibagong mapagkakakitaan ay nakilala niya si Reita, ang half-Japanese na napadpad sa Pilipinas dahil nagmahal ng mga Pinay ang dalawa nitong kabanda. Dahil humarang si Reita sa daraanan niya ay hindi rin ito nakaligtas sa mga kuko niya. Nagkaroon ng instant utang sa kanya ang binata na ayaw nitong bayaran dahil isa nga lang naman iyong malaking kalokohan. Tama naman ito. Gusto lang niyang laging nakikita ang lalaki kaya gumawa siya ng hocus-pocus sa naging utang nito sa kanya. Hanggang sa makita niya ang girlfriend nito. Sa isang iglap, parang gustong magselos ni Shayne. Parang gusto niyang kanya na lang si Reita kahit hindi na puwede. Umalma tuloy ang puso niya. Ah, screw the rules! She has money!