I smiled while staring at her angelic face. Itong babae na 'to, itong baliw na 'to, itong walang common sense minsan, itong mahilig manghampas at manigaw, ito ‘yong babaeng gugustuhin kong makasama habang-buhay.
Alam mo ba ‘yong feeling na para kang NOBODY? It means hindi ka sikat, hindi ka mayaman, hindi ka super sexy at super-ganda, hindi ka maganda manamit, hindi rebonded ang buhok mo at sa ukay-ukay lang nabibili ang mga gamit at damit mo. Hindi naman mahirap maging nobody. Ang mahalaga, may isa ka pa rin namang mapanghahawakan na mayroon ka, iyon ang katalinuhan at kabaitan. Nobody’s perfect, sabi nga nila. Pero may mga taong kung makaasta ay perpekto sila.
Kunsabagay ay buhay nila iyon. Just mind your own life. Kung isa ka mang nobody, ano’ng mararamdaman mo kung ang isang perfect guy ay ma-hook sa 'yo? Well, let’s see. Let the magic begin.