IOH 1: Inks of the Past

105 6 0
                                    

                                                                        Chapter One

                                                                     Inks of the Past

***

"Isa nalang.." Muling bulong ni Corrine sa sarili. Seryosong seryoso sya sa ginagawa nya at makikita sa mukha ang determinasyon.

Malapit na nyang malampasan at medyo nangangalay na ang kamay nya. Isang ikot nalang nito ay malalampasan na nya ang alambre. Marahil ay alam mo na ang nilalaro nya..

Makukuha na sana nya ang premyo ngunit natalo ito nang dumikit ang pabilog na korte ng alambre sa isa pang alambre. Sa kasamaang palad, nasagi siya ng isang babae.

"Sinong walang pakundangan ang gumawa nun? Aba't sino?!" panggagalaiti niya. Hindi umimik ang lahat ng tao sa paligid. Subalit may isang tinig na pamilyar ang sumagot na ikinagulat niya.

"Ako. May problema ba?" malumanay na sagot at tanong ng isang babae. Ang babaeng may gawa ng pagkatalo niya.

"Hindi ba't.. " Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil agad humakbang ang babae sa kinaroroonan at binayaran ang ipinusta niya. Agad siyang umalis ngunit bago pa man ito makalayo, "Alam ko. Pasensya ka na.." sabi nito at tuluyan nang nakalayo.

Napasinghap naman si Corrine sa nakita niya. Kilala niya ito sa mukha pa lamang. Iba man ang suot ay hindi siya nagkakamaling ito ay kilalang-kilala niya. Tumingin siya sa paligid at patay malisya lamang ang lahat. Isinaisip niyang baka hindi nila napansin ang pagmamaktol niya sa pagkakatalo. Napatingin naman siya sa perang hawak niya.

Ngumiti siya at umuwing dala ang bayad ng babae sa pusta niya. Madalas niya itong gawin lalo na kapag kaarawan niya.

**

"Hindi mo sinabing ngayon ka pupunta.. Oo nga pala, Happy birthday Hanna.."  Agad namang iniabot ni August ang regalo kay Hanna.

Walang nakakakita sa kanila dahil sa tagong lugar sila nagkita. Masaya na si Hannah sa natanggap na regalo mula kay August at kahit yun lang ay nais na niyang matapos ang araw ng may ngiti sa labi. Ngunit pansin naman nyang hindi ganoon ang reaksyon ni August.

"Anong iniisip mo August?" tanong nya. Hindi 'to umimik at napabuntong hininga na lamang ito. Mukhang may nais siyang sabihin ngunit natatabunan ng lungkot ang mga mukha nya.

"Alam kong may gusto kang sabihin.. Dali na.. Habang hindi pa lumulubog ang araw." pagpipilit ni Hannah sa malungkot na si August. Dahil kababata niya ito at matalik na kaibigan, alam na niya kung may problema ba itong tinatago o wala. Kabisa na niya ang mga kinikilos nito at sikreto.

Ayaw mang sabihin ngunit napilitan si August na magsalita.

"Paano kung sa susunod na Birthday mo, hindi ko na mai-abot ang regalo ko?" sabi nito. Mahina man ang pagkakasabi niya ay dinig parin ni Hannah na siya namang kinalungkot nito. Alam na niya ang pinababatid nito. Malapit na. Malapit na silang magkahiwalay..

"Maaaring hindi na nga.. Kaya may plano ako." sabi nito kay August. Napasapo naman sa noo si August . Alam na niya ang pinaplano nito. Ang matagal na nitong gusto na ayaw niyang gawin.

"Hindi. Hindi maaari ang plano mo. Maling-mali yun Hannah. Malalagay sa panganib ang buhay mo. At mas lalo tayong magkakahiwalay. Lalo akong malalayo sayo.." sabi nito. Bakas ang takot sa mukha ni August. Malapit ng tumulo ang mga luha ni Hannah ngunit pinipigilan niya ito.

"Alam ko.. At handa akong gawin lahat wag lang tayo magkalayo.. Makasama ka lang August. Napakahirap ng ganito.. Lagi nalang tayong magkikita sa tagong lugar. Tatakas ako, magpapanggap. Gusto kong mabuhay ng malaya at kasama ka August. Hindi ba pwede yun?"  tanong niya sa binata.

Gustuhin man ni August ay wala na syang magagagawa. Labag sa patakaran ang ginagawa nilang pagkikita at pag-uusap. Hindi sila maaaring mag-sama lalo na't hindi pinapayagan si Hannah.

"Handa akong maparusahan kung kinakailangan. Wag lang tayo magkalayo.. Ayokong mangyari ang kinatatakutan ko. Isang taon nalang August. Hindi na tayo maari pang magkita at mag-usap. Pumayag ka na August..Nakikiusap ako.." sabi niya. Tumingin sya sa mata nito at makikita ang sinseridad.

Gusto mang tumanggi ni August ay hindi niya magawa. Naisip niya rin ang kahihinatnan nito. Dalawa lamang ang maaring mangyari. Ngunit pumayag na siya. Dahil mahal niya si Hannah.

**

"Nakikipagkita pala sya kay August? Sabi ko na't sya nga yung nakita ko!" sabi ni Corrine sa sarili.

Ngayon naman ay nagliwaliw sya't nakita si August na kasama at kausap ang kababata nitong si Hannah.

"Pero.. Anong meron sa kanila ni Hannah? Lagot! Pag nagkataon, pwedeng ipapatay si August at ikulong habambuhay si Hannah sa kwarto nya! Mali ito.. Maling-mali!" sambit nya. Lumapit sya ngunit nagtago sya sa isang puno nang di ito mahuling nakikinig.

Narinig nya ang lahat ng usapan nila. Nagulumihanan sya ngunit tila naintindihan na nya ang usapan ng dalawa. Kilala nya si August at si Hannah. Si August na matalik nyang kaibigan at si Hannah na Kapatid nya sa Ama.

Paalis na sana siya nang biglang kinagat ng langgam ang paanan niya na ikinagulat nya. Napahiyaw ito ng kaunti na syang ikinagulat nina August at Hannah.

"Corrine? Kanina ka pa jan?" tanong ni August. Si August na matalik nyang kaibigan. Walang magawang palusot si Corrine kaya ngumiti nalang ito ng pilit. Naguluhan naman si Hannah sa dalawa.

"Magkakilala kayong dalawa?" tanong niya. Tumango naman si August at ganun din si Corrine. Nagulat naman ito. Tinanong naman ni August si Hannah.

"Kilala mo sya?"  tanong niya. Tumango si Hannah at si Corrine. Mas lalong naguluhan si August sa dalawa.

Kung kaya't nag-usap sila tungkol sa ugnayan sa isa't-isa. Naintindihan naman ng tatlo ang paliwanag ng bawat isa. Si Corrine na matalik na kaibigan si August at kapatid si Hannah sa Ama. Si August na kababata si Hannah. At si Hannah na Kapatid si Corrine at kababata si August na matalik rin nitong kaibigan. Natawa na lamang ang tatlo sa ginawa ng tadhana sa kanila. Ngunit biglang bumalik sa naunang tinalakay sina August at Hannah..

"Corrine.. Pakiusap. Sana hindi ito makarating kay Papa. Wala sanang makaalam nito.. Nagmamakaawa ako sayo Corrine.." sabi ni Hannah sa Kapatid. Bigla namang nagbalik ang lahat ng alaala ni Corrine noon. Naalala nya noong nakilala niya si Hannah. Noong nalaman niyang anak sya sa labas at hindi legal na asawa ang mama nya. Na si Hannah pala ay kapatid nya sa Ama. Noong pinaalis sila sa Siyudad at hindi sya pinagtanggol ng kapatid na si Hannah. Walang bakas ng awa ang ipinakita ni Hannah sa kanya noong mga panahong tinatakwil na sila ng Ama. At ang mas malala pa, kinuha ni Hannah ang kwintas na regalo ng Ama at pinag-puputol ito.

"Hindi bagay sa'yo ang kwintas na 'to! Kaya lumayas ka nalang at wag ka ng bumalik pa. Hindi ka nababagay dito dahil anak ka lang sa labas!" naalala nya pa ang mga salitang binitawan ni Hannah sa kanya noon. Naalala nya rin ang pag-sunog ni Hannah sa mga gamit nito na naiwan sa kwarto. Hindi sya tanggap ni Hannah bilang kapatid noon.. Namuong muli ang galit sa dibdib nya. Nagbalik muli ang nakaraan..

"Ayoko mang pumayag. Pero dahil kapatid kita.. Papayag ako. Pero hindi ko maipapangako Hannah.." sabi nito. Nabuhayan naman ng loob ang kapatid nito..

"Naiintindihan ko Corrine. Salamat." sabi nito. Nakapagbitaw ng salita si Corrine na labag naman sa kalooban nya. Wala na itong nagawa kundi umalis at umuwi. Ganoon narin ang ginawa ng dalawa.

Ngunit hindi parin niya mabatid kung magagalit ba sya sa kapatid o maaawa. Alam nya ang sitwasyon nito at naaawa sya rito. Sa kabilang banda, hindi niya parin ito napapatawad sa ginawa nito sa kanya noon.

"I don't know if it is time to forgive her. But she's my sister after all. I must forget it. But still.. I can't decide. Should I erase the inks of the past?"

------- END OF CHAPTER ONE: INKS OF THE PAST -------

Ink of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon