IOH 3: Decisions

51 4 0
                                    

(A/n:  Nakakadugo ang malalalim na tagalog. Pagtiisan nalang. HAHAHA!)

                                                               Chapter Three:

                                                                   Decisions

***

Corrine Castillo

                                       Limang araw..

Limang araw ang hiningi kong palugit para magdesisyon. At ngayon ang ikalawang araw. Kailangan kong mag-isip ng maayos. Dapat patunayan ni Hannah sakin. Sandali, ano namang patutunayan nya?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras para isipin ang mga bagay-bagay na gumugulo sakin ngayon. Lumabas na ako at sinimulan na ang pagsisipag.

**

"Mabuti pa kayong mga bulaklak. Basta madiligan, ayos na. Kantahan lang.. Maarawan.. Gaganda na.." bulong ko sa sarili. Narito ako ngayon sa hardin ng amo ko. Oo, isa akong hardinera. Magandang hardinera. HAHAHA!

"Minsan, akala mo kapag nadiligan na sila ay gaganda pa lalo. May mga bubuyog paring aaligid sa kanila.." sabi ng.. Kilala ko ang boses na yun.

"August, alam kong ikaw yan kaya pwede ba? Tanggalin mo na ang kamay mo sa mata ko. Nagdidilig ako kaya wag kang istorbo." sabi ko. Tinanggal naman niya ang kamay nya sa mga mata ko.

"Corrine, galit ka ba saken?" tanong nito. Kahit nagsinungaling at naglihim pa sya sa akin, papatawarin ko parin sya.. Dahil matalik ko syang kaibigan..

"Hindi na.." sabi ko. Ngumiti naman sya at ginulo ang buhok ko. Niyakap nya ako kagaya ng ginagawa nya sa tuwing may tampuhan kaming dalawa. Napakaswerte ko nga talaga.. Dahil may isang August sa buhay ko..

 "Buti naman.. Ang hirap kasing matulog kapag katampuhan kita.. Sige mauna na ko.." sabi nya at agad namang naglakad papalayo.

Gusto ko syang pigilan. Gusto ko dito lang sya sa tabi ko. Gusto ko kasama ko sya ngayon. Pero may pumipigil saking gawin yun. Ang isip ko..

Hannah's POV

"Mama. Sino po ba yung ipapakasal sakin?" tanong ko kay mama.

"October ang pangalan nya. Ang unique diba?" sabi ni mama.

"Mama, paano kung tumakas ako sa kasal?" tanong ko. Ayoko na dito..

 "Anak.. Alam mo namang--

"Nagbibiro lang ako mama. Sige pupunta na ko sa kwarto ko." sabi ko at pumanhik na sa kwarto ko.

Dali-dali kong pinagdugtong ang mga kumot at dahan-dahang bumaba. Kailangan kong makita si August. Kailangan ko sya..

**

Kakatok sana ako sa pintuan ng bahay ni August nang marinig ko ang pinag-uusapan nila..

"August, nakapagdesisyon na ako." sabi ni Corrine.

"Nakapagdesisyon ka na agad? Hindi pa tapos ang isang linggo Corrine.." sabi ni August. Hindi ko maintindihan.. Ano bang sinasabi nya?

"Oo. Hindi ako papayag sa plano. Sige mauna na ko.." sabi ni Corrine.

Binuksan nya ang pintuan at nakita nila akong nasa labas.

"Hannah? Bakit ka nandito?" tanong ni August.

"Anong hindi papayag?" tanong ko. Bakit hindi ko alam ito?

"Hindi pumayag si Corrine sa plano Hannah.. patawad." sabi nya.

"Pe-pero bakit?! At bakit hindi mo sinabi sakin na bibigyan mo sya ng isang linggo para magdesisyon?! Bakit hindi ka pumayag?!" tanong ko. Hindi man lang ako inabisuhan ni August..

"Hannah, huminahon ka--

"Huminahon?! Tumakas ako sa bahay para makita ka! Tapos malalaman ko ito?! Naglolokohan ba tayo August?! Mahal mo ba talaga ako?!" tanong ko sa kanya.

Hindi ko inasahan ang mga nasabi ko.. Nagulat sila sa sinabi ko. Kumunot ang noo ni Corrine..

"Nag-aalinlangan ka ba sa pagmamahal ko sayo? Hannah?" sabi ni August.

"Hannah! Itigil mo na ang kahibangan mo! Mahal ka ni August! Pero bakit ka nag-aalangan?! Mahal mo ba sya? Kung talagang mahal mo sya, handa kang magparaya! Hindi kayo pwedeng magsama! Alam mo yan! Pero sana alam mo ring mahal ka ni August!" sabi ni Corrine.

"Ano bang karapatan mo para pagsabihan ako ng ganyan?! Kapatid kita, oo. Pero hindi mo alam ang nararamdaman ko!" sigaw ko pabalik.

Sa pagkakataong ito, sinampal nya ako. Isang mabigat na sampal.

"Oo nga naman. Kapatid lang kita, sa ama. Sampid lang ako dito. Hindi ko alam ang nararamdaman mo? Bakit? Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon, Hannah? Aalis na ko. Sana matauhan ka sa sampal ko." sabi nito at umalis na.

Gusto kong lapitan si August. Gusto ko ring habulin si Corrine para humingi ng tawad. Pero isa lang ang nagawa ko.. Ang tumakbo paalis. Palayo sa kanila.

Bakit ba?! Hindi ba ako pwedeng maging malaya? Nagmamahal lang ako!

"Life isn't a competition. Love is." 

----- END OF CHAPTER 3 -----

A/n: SORRY KUNG SABAW ANG UPDATE. YUNG UTAK KO NAWAWALA. HINAHANAP KO PA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ink of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon