IOH 2: Let it go?

75 4 0
                                    

                                                                        Chapter Two:

                                                                         Let it go?

***

Corrine's POV (Point of view)

Kahapon pa akong tulala. Hindi ko matanggal sa isip ko kung ano bang dapat kong gawin. Dapat bang suportahan ko sila? O babawiin ko yung sinabi ko? O tatahimik nalang ako na parang wala akong nakita at narinig? Ang gulo naman nito..

"Corrine, may naghahanap sa'yo.." sabi ni Conan. Agad naman akong lumabas at nakita ko si August.

"Mag-usap tayo Corrine." sabi nito. Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na nya ako papunta sa Hardin. (Nakakadugo naman yung mga pinagsasasabi nito.)

"Corrine, alam kong hindi mo gusto ang gagawin ni Hannah. At alam kong labag sa kalooban mo ang ginawa mong pagsang-ayon kahapon." sabi nito.

"At?" pagtatanong ko.

"Kaya binibigyan kita ng limang araw para magdesisyon. Alam kong delikado at mahirap ang gagawin mong desisyon Corrine.. Naiintindihan ko 'yun. Ganun rin ako sa plano ni Hannah.." sabi nito. Hindi! Hindi nya kasi naiintindihan! Wala syang maiintindihan!

"Hindi mo kasi naiintindihan ang sitwasyon ko at ni Hannah. Oo, marahil alam mong magkapatid kami sa Ama pero hanggang dun lang 'yung alam mo. Limitado ang impormasyong alam mo tungkol sa ugnayan naming dalawa. Pero sige. Bigyan mo ako ng limang araw para mag-isip. Pero sana lang alam 'to ni Hannah, August." pagpapaliwanag ko.

Kumunot naman ang noo niya. Hindi niya pa kasi alam ang espasyo sa pagitan namin ni Hannah. Wala syang ideya..

"Bakit ka ganyan? Sa tinagal-tagal nating naging matalik na magkaibigan pero ngayon lang ako naguluhan sa kinikilos at sinasabi mo. Ano bang meron sa inyo ni Hannah bukod sa pagiging magkapatid nyo?" tanong nya sakin. Ayaw kong sabihin dahil baka kapag nalaman nya ay isipin nyang sinisiraan ko si Hannah sa kanya. Gayong alam ko na na mahal nya si Hannah..

"Galit ako kay Hannah. Galit na galit. Oo't kapatid ko sya. Pero sa AMA lang August! Sa Ama lang! Bago pa man tayo maging magkaibigan, nakilala ko na sya. Naging kaibigan ko rin si Hannah. Mabait sya at maayos makitungo. Pero nagbago 'yun mula nung malaman naming anak AKO sa labas. At ang mama nya ang legal na asawa! At nag-iba ang ugali nya.. Hindi nya ako tanggap bilang kapatid nya! Sya mismo ang nagsabi kay Papa na paalisin kami dahil makasarili syang babae! Tinanggalan ako ng karapatan. Kami ng mama ko! At lahat yun ay gawa nya! Sinunog nya ang mga gamit namin! Nawala sakin ang kwintas na tanging regalo ni Papa na pinakaiingatan ko! Masyado syang makasarili August!! Naiintindihan mo ba?! Ha?! Makasarili sya! At pati ikaw gusto nyang makuha! Ilalayo ka rin nya sa akin!" sabi ko.

Gusto kong tumakbo dahil ayokong makita si August. Nakikita ko ang naturingang matalik kong kaibigan na naglihim sakin. Umiiyak na ako at gusto ko ng himatayin. Lalong bumibigat ang nararamdaman ko.. Masyado na akong nagagalit..

"Alam kong kinamumuhian mo si Hannah, Corrine.. Naiintindihan ko na.. Pero sana ay maintindihan mo rin ang sitwasyon nya.. Maaring nagsisisi na sya sa ginawa nya sa'yo noon. Pero masuwerte ka't malaya ka. Malaya kang nakakapunta kahit saan mo gustuhin. Pero si Hannah, maraming bawal. Maraming batas na sinusunod. Mahirap ang sitwasyon nya.." pagtatanggol pa nito kay Hannah.

Sa isip-isip ko, Bakit ganun? Ako na matalik nyang kaibigan ay hindi nya maintindihan samantalang si Hannah..

Oo nga pala't MAHAL nya si Hannah.. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao? Kaya nyang gawin ang lahat para sa minamahal nya? Kahit sarili nyang buhay ay kaya nyang isakripisyo mapasaya lang ang minamahal nya? Pero bakit? Bakit hindi nya ako maunawaan?

Hindi na ako nakipagtalo pa at umalis na ako. Sinabi ko nalang na sa susunod na kami mag-usap. Kapag nakapag-desisyon na ako..

***

Hannah's POV

Gusto ko ng umiyak. Halo-halong emosyon na ang mayroon ako ngayon. Nalulungkot, nag-sisisi, nasasaktan, naiinis at kung anu-ano pa.

Bakit ba ganito? Wala na ba akong karapatang maging malaya? Bakit ba ayaw nila akong pagbigyan? Kaarawan ko naman ngayon..

"Hannah, pinapatawag ka ng Papa mo." sabi ni Mama. Mabuti pa sya.. Hindi katulad ni Papa.

---

"Papa! Ayoko!" sabi ko. Tinampal naman agad nito ang pisngi ko.

"Sasagot-sagot ka na sakin?! Makinig ka Hannah, wala kang kapatid na lalaki kaya ako ang masusunod sa lahat ng gusto ko para sa'yo. Dahil walang magdadala ng pangalan ko, ako ang masusunod sa lahat ng gusto kong gawin para sa kinabukasan mo. Alam kong naiintindihan mo ang mga sinabi ko. Bumalik ka na sa kuwarto mo. Matulog ka na." utos nya.

Hindi na ako nakaangal pa. Wala man lang akong magawa kundi sumunod at umiyak.

Ipapakasal nya ako sa hindi ko kakilala at sa taong hindi ko naman mahal. Tanging si August lang ang mahal ko. Sya lang at wala ng iba.

Ito na ba ang parusa ko sa lahat ng kasalanang nagawa ko kay Corrine? Matagal ko ng pinagsisisihan 'yun. Gusto kong manghingi ng tawad sa kanya.. Pero hindi pa oras lalo na't nalaman kong matalik nyang kaibigan si August. Masyado pang komplikado ang lahat sa aming tatlo..

Oo. Naging masama ako kay Corrine. Kung hindi ko sinabi at pinilit si papa na paalisin sya, sana malaya ako ngayon. Sana magkasama pa kaming dalawa.. At maaring maging magkakaibigan kaming tatlo..

Pero dahil sa ginawa ko, kailangan kong harapin at tanggapin ang parusa ng tadhana.

Hindi ako malaya pero maginhawa ang buhay ko. Pero si Corrine, malaya syang gawin ang kahit ano kahit wala sya sa kinatatayuan ko.

Totoo nga ang sabi nila.. Makasarili akong tao.

-- END OF CHAPTER TWO --

PS. Hindi pa po ito tapos. Sa three na po tayo magkita-kita! 'Let go?' parin ang chapter three. Ciao!

"There are things that we cannot change but we need to accept."

Ink of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon