Chapter 2Sa mga nagdaang araw ay naging maayos at normal naman ang nangyari sa akin dito. Gigising ako ng maaga upang pumasok at pagkatapos ay dideretso sa Activity Room para mag-ensayo. Ewan ko ba kung bakit kailangan ko pang mag-ensayo, e hindi naman ako lalaban sa isang gyera o ano man. Pero dahil sabi sa akin ng Headmaster na kailangan ko iyon ay sinunod ko na lang. Medyo nakasanayan ko na rin ang buhay ko dito sa Wizarding School dahil wala naman akong choice. Gustuhin ko man o hindi, dito na ako hanggang sa tumanda ako.
Sa ngayon ay nag-iikot lang ako sa loob ng paaralan dahil wala kaming pasok. May kalawakan din kasi dito at imposible talagang matandaan mo ang lahat ng sulok ng paaralang ito sa loob ng maiksing panahon. Sabado ngayon at pahinga ng mga estudyante at mga guro. Ngunit, ang iba ay nag-eensayo. Hindi ba sila napapagod? Ngayon ay pinili kong mag-ikot para maging pamilyar naman ako dito. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa alam ang ibang lugar dito at hindi ko pa napupuntahan.
"Sup?... Alone?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Saverno. Pinaglihi ba siya sa kabute?
Inirapan ko lang siya. May nakikita ba siyang hindi ko nakikita? Halata namang mag-isa ako, tinatanong pa niya. Why do people keep on asking what's the obvious?
"Yeah. I'm alone." Aniya at ginaya pa niya ang boses ko. Ugh. Nang-aasar ba siya?
"Mind if I walk with you?" Naisip niya pang itanong yan?
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Hindi na din naman siya nagsalita pero kinukilit pa rin ako. Sinusundot niya ang tagiliran ko o kaya naman ay sinasadya niyang banggain ang kamay ko gamit ang kamay niya. O, kaya naman ay kukuhitin niya ako tapos kapag titingnan ko siya ay iiwas siya ng tingin at may pasipol pa. Really? His childishness is pissing me off.
"What, Saverno?" Iritadong tanong ko sa kanya nang muli na naman niya akong kuhitin. Tiningnan niya ako na para bang wala siyang ginagawa. Bahagya pang nakataas ang dalawa niyang kilay. Tss.
"What?" Pa-inosenteng tanong niya. Ugh. Just don't mind him, Lori.
Inirapan ko na lang siya at nagsimula nang maglakad kaso ang problema ay hindi ko alam kung saan na ako papunta ngayon. Huminto ako sa paglalakad ngunit si Saverno ay hindi man lang tumigil. What? Am I expecting him to stop? Ugh.
"Saverno!" I called him for the first time. Mabilis naman siyang lumingon habang nakangiti ng malawak ngunit hindi labas ang ngipin. Why do I find him cute? Huh? No, scratch it. He's not cute.
"Can you... can you tour me around?" I asked.
Tila mas lalo namang lumapad ang ngiti niya at sinabing, "Yeah, no problem." Naglakad ulit ako at hindi ko inaasahang aakbayan ako ni Saverno. Hindi ko na lang siya pinansin. Baka ganito lang talaga ang ugali niya.
Una naming pinuntahan ang garden. Napakalawak nito puno ng mahahalimuyak na mga bulaklak. Nakakita na naman ako ng bulaklak noon pero hindi kasing dami at ganda ng nandito. Para silang umiilaw dahil sa tingkad ng kulay nila. May mga paru-paro pang nagliliparan sa buong garden. Para akong nasa isang imahinasyon. Totoo ba talaga ito? Sa kabilang gilid naman ay may mga naglalakihang mga puno. At sa ilalim nito ay mga upuan. Pati ang mga upuan ay gawa sa malalaking ugat ng puno. Ang ganda. No, beautiful is an understatement.
"Naglalaway ka, Lori." Tumatawang sabi ni Saverno. Napalingon ako sa kanya at agad hinawakan ang bibig ko. Agad ko itong tinikom nang mapansin na nakanganga na pala ako.
"Wala naman, ah!" Sigaw ko kay Saverno. Ngunit tinawanan lang ako ng loko. May nakakatawa ba? Mana ata 'to sa Ate niyang kulang kulang. Tsk.
Naupo kami sa malalaking ugat ng puno at tanaw namin dito ang buong garden. Nakapagtataka nga dahil walang ibang tao dito bukod sa amin. Hindi ba sila nagagandahan dito?
BINABASA MO ANG
Harly Alvar
خيال (فانتازيا)I was born with no name. In an ordinary world. My existence doesn't matter. My opinions are simply opinions. My words are just nonsensical words. My life is simple. I'm ordinary like other people is. That was what I thought.