Chapter 3

7 1 0
                                    

Chapter 3

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Saverno sa garden ay hindi ko na muli pa siyang nakita. Pakiramdaman ko ay mas naging maayos ang buhay ko nang wala si Saverno. Walang maingay at walang makulit. Kagaya ng dati kong buhay.

Kasalukuyan akong nasa silid-aralan kasama ang mga kaklase ko. Nakakapagtaka dahil wala si Saverno at yung lalaking nasa AR. Hindi naman sa hinahanap ko sila, ngayon lang kasi sila lumiban sa klase kaya nakakapagtaka iyon. At isa pa, hindi ka pwedeng basta basta na lang lumiban sa klase. Kailangan may sapat ka na rason o kaya ay pinag-uutos ng nasa itaas.

Habang nasa klase kami ni Miss Glory na siyang guro namin na power controller ay tinuturuan niya kami kung paano mo makokontrol ang isang bagay, hayop o tao. Madaling nagawa iyon ng mga kaklase ko. Samantalang ako ay hirapan at hindi makuha ang tinuturo ni Miss.

"Focus, Alvar." Wika nito nang mapansin na lumilipad ang utak ko.

"Simpleng pagkontrol ng baso ay hindi niya magawa. Siya ba talaga si Harly?"

"I'm wondering, too. She's powerless."

"Hindi niya kayang magkontrol. Baka iba ang kakayahan niya."

"I agree. We all know that controlling things is the easiest magic to do."

Iilan sa mga naririnig ko. Easiest magic? Nagbibiro ba siya? E, hindi ko nga maigalaw itong bwisit na basong ito e. Bumuntong hininga ako at sinubukan muling kontrolin ang baso. Ilang minuto ko iyong tinitigan ngunit hindi ko talaga iyon magalaw.

"Hindi 'yan gagalaw kapag tinitigan mo 'yan ng masama, Alvar. Focus and control it." Wika ulit ni Miss. Makapag-utos 'to ha?

Susubukan ko na sana ulit iyon ng biglang may kumatok sa pinto ng silid namin. Binuksan iyon ni Miss at tumambad sa amin ang isang payat na babae.

"Good morning, Miss Glory. Pinapatawag po ng Headmaster si Harly Alvar." Sabi nito at otomatikong lumingon sa akin ang mga kaklase ko, pati si Miss.

"Alvar, pinapatawag ka daw ng Headmaster. Excused ka na sa klaseng ito ngayon." May kung anong saya akong naramdaman sa loob ko. Mabuti na lang at pinatawag ako. Makakatakas na ako sa klaseng ito at hindi ko na kailangan pang kontrolin ang basong iyon.

Mabilis kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng silid. Nang akala ko ay maayos na ang lahat ay biglang nagsalita si Miss. "Kailangan pagbalik mo dito bukas ay dapat kaya mo ng kontrolin ang basong iyon, Alvar."

Wala akong nagawa kundi ang tumango. Ang buong akala ko ay excuse na rin ako sa gawaing iyon.

Sumunod lamang ako sa payat na babae hanggang sa marating namin ang silid ng Headmaster. Pinapasok niya ako sa loob at nadatnan ko doon sila Saverno. Kasama ang lalaki sa AR at dalawa pang hindi ko kilalang lalaki. Nginitian ako ni Saverno ngunit hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakatayo hanggang sa magsalita ang Headmaster.

"Take a seat, Alvar." Iminuwestra nito ang bakanteng upuan sa tabi ng hindi ko kilalang lalaki. Umupo naman ako agad doon.

Timikhim ang Headmaster bago siya magsalita. "Pinatawag ko kayo dito dahil mayroon na lang kayong dalawang linggo para mag-ensayo. Nalalapit na ang pre-games ng Sorcerer's Meet sa taong ito. Alam niyong inaasahan kayo ng paaralan natin." Sabi ng Headmaster.

Nagtataka kong pinagmasdan ang Headmaster. Wala akong ideya sa kung ano ang sinasabi niya. Pinagmasdan ko din ang mga kasama ko sa silid, mukha namang alam na alam nila kung ano ang pinagsasabi ng Headmaster. Ako lang ang walang alam dito?

Harly AlvarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon