CHAPTER 8

49 2 0
                                    

MHU Dance Troupe:

Yani's POV

Nabigla kaming lahat sa nangyari kanina. Tumakbo nga si Rhianne palabas nang classroom ngunit hindi namin nagawang sundan ito dahil pinigilan kami ni Sir Jetro.

"Walang lalabas! Stay inside the room, hayaan niyo si Miss De Vera na ayusin ang sarili niya." Yan ang sabi ng teacher namin kaya naman napaupo ulit kami kahit na labag ito sa kalooban namin.

Umupo ulit ako sa gitna nila Richard at Matthew at tahimik na nakikinig ngunit biglang tumawag ng atensyon ko ang babaeng nasa harapan kong tumatawa pa rin.

"Grabe talaga yung kanina! Kababae niyang tao tapos ganoon ang mangyayari. Ang masama, sa harapan pa natin! Ew!" Maarteng sabi niya at sumang-ayon naman kaagad ang dalawang nasa tabi niya.

Kumunot agad ang noo ko nang marinig iyon.

"Gusto mo kausapin ko?" Biglang sambit ni Richard na nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Hindi ako nagsalita o kumibo sa tanong niya at dahilan iyon ng pagtawag niya ng pangalan ng babae.

"Barbie." Pagtawag ni Richard sa babaeng iyon at doon ko lamang nalaman na ito pala yung babaeng nang-agaw ng table sa cafeteria. Siya at yung dalawa pa niyang katabi.

"Yes, Richard?" Barbie said, seducing Richard with her voice and eyes.

"Barbie, Wendy and Kacey, stop talking about Rhianne. Kayo ngang mga babae yung mga taong dapat siyang intindihin dahil pare-pareho niyo lang nararanasan yan." Sambit ni Richard ng may diin.

Umirap naman yung isang babaeng maikli lamang ang buhok na ang pangalan ata ay Wendy. Habang si Kacey naman ay tahimik lang na nakikinig sa sinasabi ni Richard.

"Tss. Whatever, Richard." Sagot ni Barbie at umayos na muli sa pagkakaupo. Humarap na nga siya sa whiteboard dahilan ng pagtalikod niya sa akin dahil nga nakaupo siya sa may harapan ko.

Gustong gusto ko na talaga siyang sapakin at sabunutan. Mas lalo akong nawala sa mood dahil sa kanya! Bwiset.

"Hayaan mo na sila. Kakarmahin din yan." Richard said with a big smile on his face.

Hindi ko nalang ulit siya sinagot at umiwas nalang ako ng tingin.

Sobrang bait ni Richard, pero hindi ko talaga maiwasan na mailang sa kanya. Lalo na't bigla nalang siyang naging maalalahanin sa akin at para bang binibigyan niya talaga ako ng pansin.

Palagi niyang tinatanong kung okay lang ba ako o kung ano bang nararamdaman ko.

Hindi naman siya ganoon dati kaya medyo nalilito lang ako at hindi pa din ako komportable sa kanya.

"Okay ka lang?" Ayan na naman siya. Pang-ilang tanong niya na yan sa akin.

Tumango nalang ako at ngumiti. Nagpaalam na din si Sir Jetro at bago siya lumabas ay sinabi niyang mayroon kaming free time na isang oras para makapagregister sa mga clubs.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay tumayo agad kami nila Celine at tumakbo papuntang Comfort Room upang hanapin si Rhianne.

Ngunit hindi pa kami nakakapasok sa CR ng makita naming nakaupo siyang mag-isa sa may bench sa corridor. Agad namin siyang nilapitan at nadatnan nga namin doon si Rhianne na bakas sa mukha ang hiya.

"Rhianne, sorry sa kanina. Hindi namin nagawang tulungan ka." Malungkot na sambit ni Celine at umupo sa tabi ni Rhianne.

Tumingin naman sa amin si Rhianne at ngumiti. "Hahaha, oo naman. Okay lang yun. At saka, pintura lang naman yun!"

Magtatanong pa sana kami ngunit pinigilan niya na kami. "Kalimutan nalang natin iyon! Mag register na tayo sa clubs."

Pagkasabi niya noon ay hinila niya na kami papuntang Gymnasium kung saan mayroong mga stalls.

Ang dami na ng taong nandoon. Halos lahat ay may sariling mga mundo. Kaliwa't kanan din ang mga nagpapatugtog ng malakas.

"Maghiwa-hiwalay na muna tayo, para makapili tayo ng clubs." Sambit ni Rhianne na hindi pa din naaalis ang ngiti sa mukha.

Sumang-ayon naman kaming lahat at pagkatapos ay pumunta na nga sa iba't ibang daan.

Nag-umpisa na nga akong maglakad at marami akong nakitang mga clubs. Mayroong 'English Club', 'Sports Club', 'Glee Club' at maraming marami pang iba.

Halos lahat ng stalls ay mayroong makukulay na balloons at decorations para maakit ang mga estudyante.

Ngunit ang nakakuha talaga sa atensyon ko ay ang isang grupo ng mga estudyanteng nagsasayaw ng hip hop sa harapan ng isang stall na mayroong pangalang 'MHU DANCE TROUPE'.

Grabe, ang cool nilang tignan. Para tuloy gusto kong sumali sa club na ito dahil mahilig rin naman akong sumayaw.

"Hi! My name is Jeriecka and I am the President of this club. Mahilig ka bang magsayaw?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa harapan ko ang isang babaeng maganda na mayroong salamin at kulot ang buhok.

Ngumiti ako sa kanya at dahan-dahang tumango. Nang makita niya na tumango ako ay ngumiti rin siya sa akin na parang bata.

"Halika, dito ka." Hinila niya ako papaloob sa stall nila kung saan mayroong isang babaeng naghahawak ng papel.

"Ito nga pala si Maazel. Pangapat na year niya na as MHU Dancer. Fourth Year na kaming pareho at kami yung nagpaparegister sa mga estudyante." Sabi ni Ate Jeriecka.

"Interesado ka bang maging MHU Dancer?" Tanong naman ni ate Maazel.

Inisip ko muna ng saglit ang magiging desisyon ko dahil hindi madali ang pagiging dancer na nagrerepresent sa school niyo.

Pero mas maganda na kung susubukan ko ito dahil bagong experience din ito.

"Sige po." Tugon ko kaya't ngumiti silang dalawa at inabot sa akin ang papel upang lagyan ko ng pangalan at iba pang impormasyon.

Umupo muna ako sa isa sa mga upuan upang sagutan ang papel. Habang nagsasagot ako ay may narinig akong boses, dahilan ng pagtigil ko sa pagsusulat.

"Hello." Narinig ko ang boses ng isang lalaki. Tumingin ako sa aking kaliwa at nandoon din si Matthew na may hawak na papel.

"Hi." Maikling tugon ko.

"So, magaling kang magsayaw?" Tanong niya sa akin na may ngiti sa labi niya.

"Ah. H-hindi naman." Sagot ko.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa tuwing makakausap ko siya ay nauutal ako at para bang kinakabahan ako.

Namamawis ang mga kamay ko at parang kumakabog ang dibdib ko. Lalo na't nang narinig ko ang pagtawa niya.

"Ganoon ba? Hayaan mo, tuturuan kita. Sigurado akong gagaling ka kapag ako ang nagturo sayo." Ngiti niya.

"Sa-salamat." Pagyuko kong sabi.

Laking gulat ko naman ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at tinitigan niya ako sa mata.

"Okay ka lang ba? May sakit ka ba?" Tanong niya sa akin at hinawakan ang noo ko upang maramdaman ang init ng katawan ko.

"At saka bakit parang pinapawisan ka? Sobrang init ba?" Dugtong niyang muli.

Inabutan niya naman ako ng towel niya na mula pa sa bulsa ng pants niya. "Ito, gamitin mo muna. Punasan mo yang pawis mo, baka magkasakit ka pa."

Kinuha ko yung towel niya. Nahihiya talaga ako at mas lalo kong naramdaman ang pagkabog ng dibdib ko.

Nginitian niya muli ako at saka nagsagot sa papel. Maya maya rin ay natapos na siya sa pagsagot habang ako ay hindi pa dahil medyo natulala pa ako sa mga nangyari kanina.

"Yani. Mauuna na ako ah? Next time tuturuan kita ng dance steps para maging ready ka sa mga contests. Chat nalang tayo." Sambit niya sa akin at umalis na nga ng tuluyan.

Naiwan ako doon na tulala sa kawalan habang inuulit-ulit sa isipan ang mga nangyari.

***

Vote and Comment your thoughts!
Thank you <3

HIGH SCHOOL: WHERE LIFE BEGINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon