CHAPTER 9

49 2 0
                                    

At the Mall:

Celine's POV

Ring...

Ring...

Ring...

"Ano ba yan!" Sigaw ko sabay kuha ng cellphone ko sa ilalim ng kama.

Nakita ko ang pangalan ni Abigail sa screen. Ang aga naman niyang tumawag, inaantok pa ako.

"Abi?" Tanong ko.

"Celine! Kanina pa kita tinatawagan, bakit ngayon ka lang sumagot?" Narinig kong sabi niya sa kabilang linya ng telepono.

"Uh...natutulog pa kasi ako." Sagot ko sa kanya habang kinakamot ang ulo ko.

"Ay? Alas dose na natutulog ka pa rin?" Tanong niya muli na nakapagpamulat ng aking mata.

"Ha?!" Tumingin ako sa gilid ko at nakita ang orasan.

12:00 PM na nga.

Madaling araw na din kasi ako natulog. Sobrang dami ko pang ginawang projects and paperworks.

"Naku. Sige sige, maghanda ka na. Diba magkikita-kita pa tayo nila Lance? Yung about sa pageant?" Sambit niya.

"Ah, oo nga pala. Sige, maghahanda na ako. Magkita nalang tayo sa SM." I said.

Pagkatapos ay ibinaba niya na rin ang telepono.

Mabilis lang nagdaan ang mga araw. Weekend na agad. Pero kahit na weekend ay imbis na magpahinga ay marami pa din akong dapat asikasuhin.

Tinutulungan ko si Abi para sa upcoming talent auditions ng Miss University. Pagkatapos rin ng auditions ay mayroon pang iba't ibang segments kaya paniguradong magiging busy ako next week.

Ngayon, magkikita kami nila Lance sa mall para mapagusapan namin ang about sa pageant. Kung ano ang pwede niyang maitulong at kung ano ano ba ang dapat ihanda para sa pageant.

Ako lang din ang pwedeng sumama sa kanya ngayon dahil busy rin sila Rhianne at Yani.

Tumayo na nga ako sa kama ko at nagsimulang mag-ayos. Naligo ako at nagbihis.

Pagkatapos ay bumaba na nga ako. Nadatnan ko sa Dining area si Papa, Kuya, Ate at si MJ.

"Nasaan si Mama?" Tanong ko sa kanila na siyang ikinatahimik nila. Hindi nila sinagot ang tanong ko ngunit patuloy lang silang kumakain.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko naiintindihan kung bakit parang ang lungkot ng bahay namin ngayon.

Hindi ko na itinanong muli, umupo nalang ako sa tabi ni Ate at nagsimulang kumain.

Maya-maya rin ay dumating si Mama na mayroong dalang isang bouquet of roses at chocolates. Nang makita siya ni Papa ay agad siyang tumayo.

"Ang lakas naman ng loob mong pumunta pa dito." Sambit niya ng may diin.

"Umalis ka na, kung ayaw mong ikaladkad pa kita palabas." Dugtong pa ni Papa.

Teka...ano bang nangyari nung natutulog ako? Bakit parang ang dami kong hindi alam?

Sila Kuya at Ate na nasa tabi ko lang ay nagpatuloy lang sa pag kain ngunit halata ko sa kanila ang lungkot.

Nang marinig ni Mama ang sinabi ni Papa ay tumalikod na siya at nagsimulang umalis. Hindi ko alam pero, nakaramdam ako ng Slow Motion na kahit kailan ay hindi ko pa nararamdaman.

Parang bumagal ang takbo ng oras. Ang tagal niyang naglakad palayo sa amin at naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko.

Ngunit, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ano ba ang nangyari?

HIGH SCHOOL: WHERE LIFE BEGINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon