CHAPTER 4

36 3 0
                                    

Best Friend:

Abigail's POV

"Nakakatawa yung mga post at status ni-" Bigla akong natigilan ng makita si Rhianne na kulay berde.

Magulo din ang buhok niya at may parang pintura na nakadikit. Pati buong uniform din niya nadumihan.

Nagulat kaming lahat sa nakita namin kaya nagsitayuan agad kami at pumunta kay Rhianne.

"Bes! Anong nangyari sayo?" Pag-aalala ko. Hinawakan ko yung buhok niya na sobrang lagkit.

Sumimangot lang siya sa amin bilang sagot. Naka-pout pa yung lips, yung parang bata ba na nagmamakaawang bigyan ng candy.

"Ano bang nangyari? Pumunta ka lang ng CR, ganyan na nangyari sayo?" Sabi naman ni Celine na medyo natatawa pa.

"Eh kasi naman! Yung bwisit na lalaking iyon, ARRRGH!" Umupo siya doon sa seat niya at galit na galit na pinalo ang lamesa.

Nagkatinginan na nga lang kami nila Yani dahil hindi din namin naiintindihan kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

"Sige, mamaya ka na magkuwento. Pero kailangan na nating makakuha ng pang palit mo ng damit." Sabi naman ni Yani na lumapit kay Rhianne.

"Yun nga, wala akong pang palit." Mas lalong sumimangot ang mukha niya.

"Wala kang dalang extra clothes? Kayo girls?" Tanong ulit sa amin ni Yani.

"Wala kami." Sabay naming sabi ni Celine.

Napabuntong-hininga nalang si Yani dahil hindi niya na alam kung anong gagawin niya.

"Hiram nalang tayo sa ibang classmates natin." Sabi ko.

Bigla naman akong may narinig na boses kaya tinignan ko kung sino ang nagsalita na nasa likod ko.

"Hello!" Bati ni Lance na as usual, may ngiti sa maamo niyang mukha.

Katulad ng naging reaksyon namin ay natigilan din siya at nagtaka sa itsura ni Rhianne.

"Hala, anong nangyari?" Nakakunot-noo niyang tanong.

"Ewan ko nga dyan, ayaw magkuwento -_- " Sagot ko naman.

"Magpalit ka na. Nagmumukha kang Shrek." Biro ni Lance kaya tumawa ako ng konti.

Saka ko narealize na nag-aapoy na pala si Rhianne sa inis.

"Ay, GG ka na? (galit na galit) Sorry na! Binibiro ka lang naman." Sabi ni Lance.

"Mabuti pa, kumuha ka nalang Abigail ng pwedeng masuot nitong babaeng ito." Utos ni Celine.

Tumango nalang ako at paalis na sana ng biglang nagsalita ulit si Lance.

"May dala akong P.E uniform natin. Pahiramin nalang kita. Mapayat lang naman ako kaya kasya yun sayo, for sure." Sabi ni Lance.

"Nako, kailangan mo talagang bumawi sa akin Lance! Pagkatapos mo ba naman akong tawaging Shrek?" Sagot ni Rhianne.

"Totoo naman kasi..." Mahinang biro ni Lance.

"Anong sabi mo, Lance?" Tanong ni Rhianne, sarcastically.

"Ah! Sabi ko isasama ko si Abigail, tara na!" Pa-inosenteng sagot niya.

Hinila niya ako papalayo sa kanila at hanggang sa makalayo na kami ay hawak niya pa din ang kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko. May para bang, spark? Hindi ko din alam ang itatawag doon.

Basta, hindi ko pa siya nararamdaman dati.

Nabalik lang ang atensyon ko sa realidad ng naramdaman kong nawala ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Okay ka lang? Parang natulala ka ata?" Tanong niya sa akin.

"Ha? Wala, wala lang yun. Haha..." Idinaan ko nalang sa tawa at ngiti.

"Naku, mag pa-check up ka na! Malala na yang sakit mo." Biro niya pa.

Tumawa nalang ako.

Nasa pinakataas ang room namin at malayo rin ito sa canteen kaya matagal kaming naglakad.

"Bakit nga pala may dala kang P.E uniform? Diba Monday ngayon?" Tanong ko nalang bigla.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Mayroon daw kasing audition nang Mr. University mamaya, talent audition." Sagot niya sa akin.

"Ah. Anong gagawin mo mamaya?" Tanong ko ulit.

"Mag-sasayaw lang ako." Sagot niya.

Hindi ko alam na interesado pala siya sa mga ganoong bagay.

"Mayroon din daw auditions for Ms. University next week, sali ka kaya!" Sabi niya.

"Hahaha. Pag-iisipan ko yan." Ngiti ko sa kanya.

Nakarating na nga kami sa room namin at dumiretso agad kami sa upuan niya.

Nasa gilid lang niya ako habang naghahalungkat siya sa bag niya.

"Teka lang. Ang dami kasing laman ng bag ko. Alam mo naman, pag masipag na estudyante..." Sabay kindat niya sa akin dahilan ng pagtawa ko.

Inilabas niya ang ibang laman ng bag niya. Tatlong libro, isang malaking 'Tempura' Crackers, isang 'Pillows' na chocolate flavor at isang sketchpad.

"Alam ko na yang iniisip mo! Ang dami kong pagkain sa bag pero hindi halata sa akin na kumakain dahil mukha akong stick na liliparin ng hangin." Sabi niya sa akin.

Tumawa ako ng mahina, "Oo, yun nga."

Tinignan ko ang mga gamit niya at mas nakaagaw ng pansin sa akin ang sketchbook niya na mukhang lumang-luma na.

Medyo lukot na ito at mukhang yung bagay na kailangan ng itapon.

Kinuha ko ito sa lamesa niya at bubuksan na sana para makita ko kung ano nga ba ang nasa loob.

Pero bago ko magawa iyon, may kamay na kumuha ng mabilis sa sketchbook.

"Ay, sorry!" Mabilis kong paghingi ng tawad.

Nakita ko sa mga mata niya na mayroon siyang nararamdaman na... hindi ko maipaliwanag.

"Pasensya na talaga. Hindi ko alam na hindi pala pwedeng tignan yun." Sabi ko ulit sa kanya.

Ibinalik niya yung sketchbook sa bag niya at ngumiti sa akin.

"Hindi, okay lang yun. Ito na nga pala yung damit." Sabi niya.

Iniabot niya sa akin ang P.E uniform at nginitian ko nalang siya.

"Salamat pala dito. Sige mauuna na ako." Paalam ko sa kanya.

"Ah sige." Maikli niyang sagot.

Aalis na dapat ako nang bigla ko namang marinig ang boses niya.

"Abigail!" tawag niya sa akin. Lumingon ako sa kanya at nakita ko na hindi pa din naaalis ang ngiti niya sa mukha niya.

"Kung okay lang sayo, sana makanood ka ng talent auditions mamaya." Sabi niya sa akin.

"Oo naman! Sige, susuportahan ka namin." Ibinalik ko ang ngiti sa kanya.

"Sige, kita-kita tayo mamaya." Sabi niya at tumango nalang ako.

***
Vote and Comment your thoughts!
Thank You <3

HIGH SCHOOL: WHERE LIFE BEGINSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon