ITO NA NGA MGA BES! ITO ANG PINAKA-PINAKA-PINAKA GUSTO KONG MAPUNTAHAN!
Ayun na nga! Pagkatapos namin sa Kapurpurawan Rock Formation, dumiretso na kami sa Windmill! Kung saan makikita mo iyong nakalinya na mga Windmill! Ito iyong nasa libro mga Bes! Ito iyong lugar kung saan pinapangarap ko lang noon. Hindi pa kumakain ng mga oras na ito. Makikita ninyo naman sa picture ang oras. Pero balewala iyon dahil sa saya na aking nararamdaman no'ng nasa tabi ako ng pila-pilang mga Windmill.
Iyan ang mga selfie na nagpapasalamat sa monopod. Kung hindi dahil sa pinsan ko na nagpahiram, hindi ako makakapag-picture ng maayos-ayos. Hahahahahaha!
Kahit sobra akong nangitim at pinagpawisan, wala iyon sa sinasabi nilang fullfilment. Muli, nagpapasalamat ako sa monopod ng pinsan ko! Hahahahaha!