Parang sa Bantay Bridge, malakas din ang hangin. Siguro dahil malapit sa dagat kaya ganoon. Katulad din sa Kapurpurawan at Patapat Viaduct.
Bale ang ma-e-enjoy po sa Bantay Abot Cave ay 'yong nature at hindi mismong cave. Sabi nila, 'yong cave sa Bantay Abot ay gawa ng alon. Siguro nga.
'Yun na nga. Hawak ko na ang cave! Hahahahaha! Hindi ka makakapag-selfie dyan ng ikaw lang mag-isa. Kasi no'ng pumunta kami, may nagpi-pre-nup. Hindi ko alam kung kami 'yung dapat mag-adjust. Dapat bang laging ganoon? Adjust na lang palagi? Hahahaha!
Rooocccckkkk! I-enjoy ang mga bato kahit hindi ang cave!
Lasapin ang malamig na hangin kahit hindi ang cave! Hahahahaha!