Paradise Beach Resort
Mabuti na lang at alerto ang tour guide namin. Talagang gusto niyang maabutan namin ang sunset sa resort. At iyon nga, naabutan namin. ANG GANDA (Jose Manalo tone).
Perfect ang lugar para sa iniwan, nasaktan at nbsb!
Sabi ko nga kanina, mas maganda 'yung Hannah's Beach kaysa rito. Dahil ang daming lumot sa dagat dito. Hindi gaya roon sa kabila, masarap talaga maligo. Pero kung gusto mo lang naman mapag-isa at ma-relax, mas okay dito sa Paradise Beach Resort. Kasi private, kayo-kayo lang ng mga kasama mo. Darating siguro ang araw na makikilala rin ang resort na ito at darami ang kanilang guest.
White sand? YES!
Dito sa lugar na'to hindi ko naisip ang stress ng trabaho ko. Ni hindi ko nga naisip ang pamilya ko ng mga sandaling iyon. Realtalk lang. As in blanko ang isip ko. Relax na relax talaga.
"Kahit gaano ka ka-problemadong tao, kapag nakarating ka sa lugar na hindi magpapaalala ng lahat, hindi ipapaala na ikaw ay nasaktan. Mare-revive ka. Para kang pinanganak muli."
Kaya enjoy lang mga Bes! Huwag puro trabaho! Relax-relax din kapag may time.
Hindi ko pala nabanggit ang pagkain nila. Masarap naman siya, pero hindi nila naibigay sa akin 'yung simpleng pagkain lang na gusto ko. Nagtitipid kasi ako, kaya napapayag ako sa dinner nila na One hundres eight five pesos. Mabigat para sa akin 'yun. Hahahahaha!
Facebook page: https://www.facebook.com/paradiseview.beachresort
Rate: 4/5