Third Person POV
Binuhat na ng magkakapatid si Fire sa loob ng kwarto habang kinakausap ng pinakamatandang kapatid ang former goddess na si Keiralyn. O kilala sa tawag na Lyn.
"So you need me to teach her about all of the elements and now you request that I shall train her in 7 days? Are you giving me pressure huh?" May katangiang bipolar din si Lyn na lalong nagpatatag sa kanyang imahe.
"Hindi po sa ganun. Kung gaano niyo po kaya siyang turuan edi gora kung hindi niyo po kaya ng isang linggo its fine" Bumuntong hininga si Lyn at napailing.
"Then I should take her back first. Kung isang week dito doon 1 month so kayang kaya ko. Don't worry babalik siya ng 10PM sa inyo" Napanganga siya at lumunok.
"Pero what if.. what if kung malaman niya?" Napangiti si Lyn.
"Then let her know. Walang sikreto ang hindi nabubunyag so better yet tell her" Napatango siya at nagbow.
"Kukuhanin ko siya kapag nagdilim na dito. You explain things to her oh and alam kong rinig na rinig ito ng mga kapatid mo except sa kanya" Nawala si Lyn at naiwan si Kazy na nakapako sa kanyang kinatatayuan. Naglakad siya na lutang na lutang oh well sino nga bang hindi malulutang doon?
Nakapasok na si Kazy sa bahay at dumiretso sa kwarto ni Sapphire kung saan malalaman nito ang dapat malaman niya.
Sapphire's POV
Binuksan ko ang mata ko at nakitang naguusap sila Ate sa isang sulok. Nang mapansin nila ako ngumiti sila at nagkatinginan.
"Fire, pupunta ka sa Haven, kung saan tayo nararapat. Doon kayo magtratraining" Nagtaka ako kung bakit hindi sila ang magtratrain sa akin.
"Sinong kasama ko?" Bumuntong hininga si Ate Kazy at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil ito.
"Si Keiralyn. Ang dating goddess ng buong magic world. Siya ang pinakacreator ng magic world" Napatingin ako sa kanila.
"So totoo yung nangyari kanina?" Tumango sila bilang sagot.
"Kukuhanin ka niya mamayang gabi. Kaya halikana kakain muna tayo ng early dinner" Bumaba kami at umupo sa dining table.
Kumain kami ng matiwasay at tahimik. Wala ni isa sa amin ang nagsalita.
"Sapphire magshower ka na at magbihis. Malapit na ang dilim" Tumango lang ako at umakyat. Pumasok ako sa banyo at nagshower.
After about 3-5 minutes nakalabas na ako at nakarobe ako habang ang tuwalya ay nasa buhok ko.
Nagbihis ako ng bistidang puti na may red roses na design. Kinuha ko ang kulay pulang sandals na may 2 inch heels at sinuot ito. Pinuyod ko ang buhok ko at ginawa itong ganto:
BINABASA MO ANG
The Second Creator (On-Going)
FantasyA typical teenage girl living a peaceful life with her sisters. Pero mula sa payapang buhay, naging magulong buhay. Isang pangyayaring nagpagulo sa kanyang tahimik na buhay. Pangyayaring nagbago sa buong katauhan niya. Ano nga ba ito? Alamin at tuk...