Sapphire's POV
~Rinngggg!!
Binuksan ko ang aking mga mata para lang makitang nakapamewang sa harapan ko si HM.
"4:00 is your battle am I right?" Tumango lang ako sa kanya.
"GET UP!" Agad akong napabalikwas at naligo. After kong maligo nagsuot na ako ng uniform namin at nagteleport sa field.
Nakita ko ang mga kaibigan kong nakaupo na at si Eis ay walang emosyon na nakatayo sa right side ng field.
"Lat-" Tinignan ko siya ng malamig kaya tumikom na ang bibig niya.
"Lets start shall we?" Tanong ko na walang bahid ng emosyon.
Third Person's POV
May bumalot na barrier sa paligid nila Sapphire upang pigilan na makagawa ng sira sa labas nito.
Makikita sa mukha nina Fire ang walang bahid ng emosyon. Sa kabilang banda naman ay balais ang kanyang mga kaibigan. Alam nilang malakas si Eis pero alam din nilang si Fire ang pinakamalakas.
Lahat sila ay nararamdaman ang tensyon na pumapalibot sa buong field. Unang naglabas ng weapon si Fire at sumunod naman si Eis na naglabas ng sandata niya.
Inilabas niya ang Changing Weapon of Creaias. Ang weapon ni Eis ay kayang magpalit. Mula sa katana ay pwede itong maging bow and arrow or di kaya naman ay dobleng katana.
Inisip ni Fire na maging bow and arrow ito kagaya noong nakaraan. Nagulat si Eis pero bago pa man siya makareact muli ay pinakawalan ni Fire ang 3 rainbow arrows. Nadaplisan siya sa balikat kaya galit siyang tumingin kay Fire.
Ngunit ang emosyon ni Fire ay wala pa ring bahid ng emosyon. Sumunod na umatake si Eis na mabilis na sumugod kay Fire. Mas mabilis pa sa alas dose na winasiwas niya ito kay Fire ngunit umilag lamang ito.
Patuloy sa pagiwas si Fire at dahil sa nabagot na siya sa kakaiwas, nagteleport siya kung saan saan.
Para sa mata ng kanyang mga kaibigan, para lamang itong naglalaro at nagsasayaw sa kakaiwas sa mga atake ni Eis.
Napatigil ng konti si Eis at halata rito na galit na ito dahil ni isang atake niya ay hindi tumama man kay Fire.
Kinuha itong pagkakataon ni Fire saka nagteleport sa likod ni Eis at pipisilin sana nito ang sentido nito ng hinila ni Eis ang kamay nya pauna kaya ngayon nakahiga na si Fire sa sahig.
Bakas sa mukha nito ang gulat pero agad na pinaltan ng walang kahit na anong emosyon.
Sasaksakin sana ni Eis sa balikat si Fire ngunit agad na hinawakan ni Fire ang katana nito saka sumipa siya pataas gamit ang kanang paa niya at dahil dito napaatras siya na nakapagbigay ng oportunidad kay Fire na bumangon.
Hinawakan ulit niya ang kanyang sandata at inisip na gawin itong magkahalong scythe at katana. Habang si Eis naman ay hinihimas ang kanyang panga na malakas na tinamaan ng paa ni Fire.
Umatake agad si Fire papunta kay Eis. Iniwasan naman niya ito at winasiwas ang kanyang katana sa kanya pero gumulong pakanan si Fire kaya ang natamaan ay ang lupa. Kinuha niya itong oportunidad saka winasiwas ang sandata niya papunta sa balikat ni Eis ngunit nahawakan niya ito saka sinipa si Fire na agad naman nitong iniwasan.
Bumangon siya at biglang nawala sa paningin nila. Nakita na lang nilang nakaluhod si Eis habang hawak ang kanyang sikmura. Mula sa peripheral vision nila nakatayo si Fire habang hawak hawak ang kanyang weapon at prenteng nakaupo sa sanga ng puno.
BINABASA MO ANG
The Second Creator (On-Going)
FantasyA typical teenage girl living a peaceful life with her sisters. Pero mula sa payapang buhay, naging magulong buhay. Isang pangyayaring nagpagulo sa kanyang tahimik na buhay. Pangyayaring nagbago sa buong katauhan niya. Ano nga ba ito? Alamin at tuk...