Its been 2 days since that 'accident' happened. Well the oldie called it an accident even if it wasn't.
Well, sabi nila isasabay na lang daw nila ito sa Sports Fest which will be held next month.
Nakaupo ako ngayon sa upuan ko habang bored na iniintay si Professor. Professor namin sa combats at sparring ang tinutukoy ko.
Ang attire namin ay ganito. Heart shaped tube na sa cleavage ay mga tali at kita ang aming puson. Nakamaong shorts kami at brown boots na above the knee. Yan ung suot namin.
Its pretty uncomfortable pero masasanay ako within time. Nasa Goddess Section ako ngayon kasama ang royalties. Nalaman ko na magkasama ang room ng goddess section at royalties.
Actually ako at si Eis lang ang tahimik habang sila nadaldal.
"HOI JAY IBALIK MO YAN!" Binelatan lamang ni Jay si Trix at tumakbo. Naghabulan at nagsisigawan sila na parang sila lang ang tao sa mundo.
"Will you guys please shut up?!" Sigaw ko na umalingawngaw sa buong building. Tumahimik naman kaya bumalik ako sa pagkakaupo ko.
"Goodmorning students!!" Umupo agad sila ng pumasok si Prof.
"Ngayon.. LETS HAVE A SPARRING!" Masigla at energetic na wika ni Professor uhm. Who?
'Professor Fiona'
Napatingin ako kay Eis na walang emosyong nakatingin sa unahan. Siya yun diba? Diba?! Hay nako yae na nga.
Naglakad kami palabas at pumasok sa isang malaking building.
"Sapphire? Doon ka sa pinakamalaking space, Para makapagready ka na" Nod lang ang binigay ko at pumasok sa metal na pinto and what suprise me is that everything is white. May sofa sa pinakadulong kanan. Good space I guess.
"Okay gather around" Naggather kami sa labas pero kasing laki siya ng basketball court na connected dito sa building.
Air conditioned din dito.
"First pairs.. Axia vs Axus"
"Second pair.. Trixna vs. Rei"
"Third pair.. Avery vs. Caleb"
"Fourth pair.. Averia vs. Jay"
"Fifth pair.. Creox vs. Iraline"
"Sixth pair.. Isis vs. Axus again"
"And the last pair.. Sapphire vs. Eis" Pumwesto na si Axia at Axus habang kami nakaupo sa bleachers.
Third Person's POV
Nagtitigan ang magkapatid sa isa't isa. Unang umatake si Axia na may hawak na katana. Agad itong sinagga ni Axus at nagespadahan sila.
'Wala namang masamang gumamit ng kamay at paa diba?' Tanong ni Axia sa isipan niya. Sinuntok niya si Axus sa tyan kaya napaluhod ito.
Nagteleport siya sa kabila at may sinabing kakaibang lenggwahe. Mula sa isang katana, naging dalawa ito at nagiilaw. Namangha naman ang magkakaibigan maliban na lang kay Eis at Fire.
Pati rin si Axus na kaninang seryoso ay saglit na namangha sa nangyari ngunit agad naman itong bumalik sa pagiging seryoso. Umatake ulit si Axia at nakipagespadahan. Nagalusan si Axus sa gilid kaya saglit na napatigil si Axia ngunit naalala niya ang sinabi ng kanyang ama.
'Wag maaawa sa kalaban. Kapag naawa ka ikaw ang papatayin'
Agad tinutok ni Axia ang isang espada sa puso at ung isa ay sa likod ng kanyang kapatid.
BINABASA MO ANG
The Second Creator (On-Going)
FantasyA typical teenage girl living a peaceful life with her sisters. Pero mula sa payapang buhay, naging magulong buhay. Isang pangyayaring nagpagulo sa kanyang tahimik na buhay. Pangyayaring nagbago sa buong katauhan niya. Ano nga ba ito? Alamin at tuk...