Salamin

13 1 0
                                    

Ang kwentong ito ay nagmula sa aking guro noong hayskul. Itago na lamang natin sya sa pangalang "Ma'am Jen."

Ma'am Jen's POV:

Tatlo kaming magkakabarkada noong kolehiyo. Puro babae kami. Nakagawian na naming lumabas ng eskwelahan sa tuwing recess upang sa labas bumili ng pagkain.

Sanay na kami kay Janice, ang kaibigan naming dadaan muna sa palikuran ng mga babae bago kami lumabas. Mga kinse minutos sya magpulbos, magsuklay at maglagay ng kung anu ano sa mukha nya. Pero ayos lang sa amin iyon ni Jenny dahil kaibigan naman namin sya.

Lumipas ang mga araw:

Habang pababa kami ng ilang baitang na hagdan palabas ng eskwelahan, ay biglang may sumampal na babae kay Janice habang nagsisigaw at dali-daling lumayo sa amin.

"Demonyo! Demonyo!!! Demonyo yang kasama nyo!!!"

Labis kaming nahintatakutan sa aming mga narinig. Lahat ng mga dumaraang estudyante pati na rin ang mga guro ang nagpakalma sa babae.

Nang mahimasmasan ang babae ay ikinwento nito ang mga nangyari.

"Pagkatapos kong mag-cr, pumunta ako sa harapan ng salamin para mag-ayos ng sarili ko. Habang nakatitig ako sa sarili ko, biglang nag-iba ang hitsura ko sa salamin at ang mukha ng babaeng kasama nyo ang lumabas. Dahan dahang umaangat ang mga buhok nito unti-unting naging demonyo ang mukha. Nakangisi pa siya sa akin habang tumatawa!"

HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon