Rica

18 1 0
                                    


Malungkot na malungkot si Rica sa tuwing uuwi sya sa kanilang tahanan sapagkat palagi nyang nadadatnang lango sa alak ang kanyang pinakamamahal na ina.

Hindi nya malaman kung ano bang nangyari rito dahil hindi naman ito ganoon dati. Matagal nang namatay ang kanyang ama at sila na lamang dalawa ang magkasama sa buhay. Imposible namang naghihinagpis pa rin ito sapagkat dalawampung taon nang patay ang kanyang ama. Masayang masaya na sila sa piling ng isa't isa hanggang sa bigla nalang magkaganoon ang ina.

"Ma! Ano na naman ho bang problema??!! Ano ho bang ginagawa nyo sa sarili nyo ha?"

Akmang tutulungan nya na ito ngunit hindi sya nito pinansin, tumayo,  at bagkus ay nagkulong na lamang sa kwarto nito.

Araw-araw ay parehong eksena ang nadadatnan nya sa kanilang tahanan. Nakasanayan na rin nyang hindi man lang sya dapuan ng tingin ng kanyang ina.

Isang araw ay nadatnan nyang kausap nito ang kanyang tiya. Sa isip nya ay buti nalang at naisipang dumalaw nito sa kanila upang may makausap ang kanyang ina.

Bumati sya sa kanyang tiyahin ngunit tiningnan lamang sya nito na animo'y takot. Ipinagsawalang-bahala na lamang nya ito at pumasok na lamang ng kwarto at nagpalit ng damit.

Mula sa kanyang kwarto ay nauulinigan nya ang usapan ng magkapatid.

"Ano ba, Rizza! Ano bang pinaggagagawa mo sa sarili mo! Itigil mo nga yan!" - ani Tiya

"Ayoko nang mabuhay..."

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Nandito pa ako!!!"- Tiya

Labis na ikinagulat ni Rica ang susunod nyang narinig:

"Mula nang mamatay si Ricardo, binuhay kong mag-isa si Rica. Kung kailan natanggap na namin na hindi na babalik pang muli ang kanyang ama, panibagong dagok na naman! Bakit kasi namatay pa si Rica?!!!!!!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon