SEGUNDA MANO

56 2 4
                                    

"Ang ganda!," malakas na sambit ni Leela nang makita ang malaking manika sa isang tindahang nagbebenta ng mga antigo. Dali dali nyang hinila ang kanyang kapatid, tinungo ang pintuan, at mabilis na pumasok.

"Magandang araw ho, Ma'am. Ano pong maitutulong ko sa inyo?," ani ng babaeng nasa mid30's.

"Ah, nakita ko po kasi yung manika e. Ang ganda! Kayo ho ba ang may-ari ng tindahang ito?," ani Leela

"Sa Lola ko ang tindahang ito at hindi niya ipinagbebenta ang manika," mabilis na sagot ng babae at akmang aalis na

"Bakit naman ho, e ang ganda ganda nga! Malaki ho kikitain nyo dyan! Magkano ho ba yan? Kahit magkano ho magbabayad ako!" Mayaman sina Leela at kahit anong gustuhin nya ay kaya nyang bilhin. Hindi sya mahilig sa mga segunda mano ngunit nang makita nya ang manika ay parang hinila syang papunta sa tindahan. Gustung-gusto nya ang manika kaya naman handa syang magbayad nang kahit na magkano.

"Sige na po, Ate! Bibilhin ko ho ng limang libo! Ano, payag na kayo?," matibay na pahayag ni Leela. Wari nya'y mapapapayag na nya ang babae.

HORROR STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon