Chapter 28

523 9 9
                                    

Jia's POV

Its been 3 weeks. Naging maayos ang lagay ni Bea. Nag rerespond sya sa mga treatments and theraphies na ginagawa. Since then hindi ako umalis sa tabi nya. Sa bawat treatment nandun ako.

"Ji? You sure okay lang na wala ka sa class mo today?"

"Oo naman babe, alam na nila yun. Besides I can catch up naman."

"Thank you ha?"

I kissed Bea's lips and smiled.

"No, thank you. I love you, Bae."

"I love you too."

"Nako naglalandian nanaman ang parents ko!"

Pabirong sabi ni Deanna.

"Deanna? Kanina kapa?"

Ngiting ngiti na sabi ni Bea.

"Medyo kanina pa, enough lang para marinig yung landian at kissing scene nyo, ano na baka bukas malaman ko mag kakaron na ako ng kapatid. Baby boy ang gusto ko ha!"

Napatawa kami sa sinabing iyon ni Deanna, this girl I can say na sobrang love nya kami ni Bea, hindi man totoong anak namin.

"Sus, oo naman Deanna, sure!"

Pagsakay naman ni Bea sa trip ng anak anakan nya.

"Ay wow pumayag na ba ako?"

"Syempre mommy papayag ka diba, Deanna?"

"Oo nga mommy Jia? Hehe"

"Nako kayo talagang dalawa! Lika nga kayo dito hug nyo nga ako!"

Lumapit si Deanna samin tapos niyakap nila akong dalawa.

"We love you mommy!"

Sabay nilang sabi at yumakap sakin.

Inaantay nalang namin yung doctor para sa results ng therapy ni Bea, last na rin kasi ito for this week malalaman na namin kung kelan na ba pwedeng bumalik sa training si Bea.

"So Bea, you're doing really good sa mga theraphy na ginagawa mo. Yung 2 months mong theraphy eh pwede ng gawing 1 and half months. Siguro a week from now pwede ka nang bumalik sa training, pero huwag mo munang bibiglain yung katawan mo. Pakiramdaman mo pa rin." Naka-ngiting sabi samin ng doctor ni Bea.

"Thank you doc!" Masiglang sagot naman ni Bea.

Napagdesisyunan naming tatlo na bumalik nalang sa dorm para makapag pahinga na rin si Bea, 3 weeks na ang nakaraan ngayon lang ulit sa babalik sa dorm. Naghanda ang team ng konting salo-salo parang thanks giving na rin at nakabalik na nga tong ugok kong girlfriend.

"Excited na kong bumalik sa dorm!" Ngiting ngiting sabi ni Bea habang naka-tingin sa bintana.

"Mag park lang tayo babe. I'm glad you're finally back" naka-ngiti kong sabi sa kanya

"Ehem may bata sa likod. Paalala lang po."

Napailing ako sa kakulitan ni Deanna. Hanep talaga tong batang ko para talagang anak ni Bea.

Pagkapark ng kotse ay dumeretso na kami sa loob ng dorm.

"WELCOME BACK BEA!!" Sigaw ng mga team mates namin na may hawak pang banner na may nakalagay na "welcome back Beast!"

"Aww thank you guys! I missed you!!" Sagot naman ni Bea at isa isang niyakap ang mga ka-team namin.

Abala ang lahat sa pagbati/pagsalubong kay Bea, habang ako naka-tingin lang sa kanila, naka-ngiti.

Nagpapasalamat ako sa Diyos at binigay nya sakin si Bea pati na rin ang mga ka-team ko. Sobrang blessed ko.

"Lalim ng iniisip ha?" Tanong ni Bea sakin sabay halik sa noo ko "care to share?"

Ngumiti ako sa kanya. Niyakap ko ang bewang nya at sinabing "nagpapasalamat lang ako kay Lord. Napaka swerte ko kasi binigay ka nya sakin. Binigay nya kayo sakin."

Bea smiled at me. Niyakap nya ko nang mahigpit.

"Ako dapat ang magpasalamat sa kanya. Kasi binigay nya sakin si Julia Morado. Yung babaeng di ako sinukuan, kahit ang tagal tagal kong natulog dun sa hospital bed, kahit alam kong sobra kang nasaktan kasi ang tagal kong nawala."

"Why would I give up Bea? You're worth it. You're worth every pain. I love you so much, Bea"

-

Check nyo rin yung Heart Over Mind sa profile ko. 🤙
And follow me on twitter BlackjackJia

Ciel

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Started With A HEARTBREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon