Chapter 7 Giving Up

1K 38 3
                                    

BEA'S POV

Pauwi na kami, nakatulog na si Jia kakaiyak, ngayon ko lang narealize kanina ako yung kinocomfort nya, ngayon ako naman nag cocomfort sa kanya. Napaka mapaglaro ng tadhana, minahal ko si Dennise, sobra pa nga eh, pero nainlove sa 'ate' ko tinuring kong tunay na ate si Ate Alyssa, hindi ko pinuna ang closeness nila ni Den kasi akala ko hindi nila ako magagawang lokohin ni Den, napaka laki ng tiwala ko sa kanya, sa kanila pero isang pagkakamali ang magtiwala sa taong mahal mo, lahat magloloko hanggat kaya nilang itago itatago nila,

ngayon ko lang din narealize kaya ko pabang magtiwala sa iba? Kaya ko pa bang magmahal ulet? Kaya ko bang ibigay ang puso ko sa iba? Makakaya ko pa bang magsimula ulit? Paano?

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa dorm,

"Ji wake up" tinapik ko ang pisngi nya ng mahina

"Rex I love you"

"sabi ko nga bubuhatin na kita eh" mahinang bulong ko

Binuhat ko si Jia paakyat sa dorm,

nakakapagtaka bukas pa yung ilaw, 11 pm na ah?

Pumasok ako sa loob, naabutan ko si Dennise, nakaupo,

"Bea" tinignan nya ako, nabaling din ang tingin nya sa babaeng buhat ko,

"Bea usap tayo"

hindi ko ininda ang ang bigat ni Jia, tumingin ako sa mata nya, at sinabi ko ang mga katagang kahit kaylan hindi ko naisip na sasabihin ko sa babaeng mahal na mahal ko

"wala na tayong paguusapan pa Dennise, I already gave you up, sana maging masaya kayo"

"Bea s-sorry"

~

It Started With A HEARTBREAK Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon