Ness POV
"Hoy grey! Hintayin mo ko!" Sigaw sakin ni zan. Sya ang pinsan ko na best friend ko. Hindi ko sya pinansin at patuloy lang sa paglalakad.
Magpapakilala muna ko sainyo. Ako ng pala si Ness Grey Agustin, 19 yrs old. Matalino, masungit (daw), maganda at sexy.
"Hoy!" Ay hutek! Nakakagulat tong babae na to.
"Ano ba?! Bat ka nanggugulat?!" Sigaw ko sakanya.
"Ay! Wow! Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ko pinapansin. Ano n ka na ba??" -zan.
"Eh kasi naman ang bagal bagal mong kumilos! Mala-late na tayo sa klase. Ayoko pa namang napapagalitan ni Mr. Diaz" pagrereklamo ko.
"Talaga lang ha? Ang sabihin mo kaya ka nag mamadali para makita mo si Aron! Tss. Ako pa niloko mo" sabi nya sabay irap. Hindi na ko sumagot at mas binilisan pa ang lakad ko. Malapit na kami sa school nang makita ko si Aron.
"Aron!" Tawag ko sakanya at tinaas ang kanang kamay ko para makita nya ko.
"Uy Ness! Good morning!" Sabi nya at ngumiti ng kay tamis tamis. Ang gwapo nya.
"Good morning din Aron. Papasok ka na? Sabay na tayo" ganyan nga ness. Mga galawan mo.
"Hello zan." bati nya kay zan at kinawayan ito. "Oo, papasok na ko. Sige sabay na tayo. Tara?" Sabi nya.
"Hello Aron. Mauna na kayo at kailangan ko pang dumaan sa library para mangheram ng libro." Sabi ni zan at naglakad na palayo samin.
"Sige bilisan mo ha! Baka malate ka!" Sigaw ko sakanya, nag thumb ups lang sya bilang sagot. "Tara na Aron" yaya ko sakanya.
Naglalakad kami ni Aron papuntang classroom namin at pinagtitinginan nanaman kami ng mga babae. Tsss lagi naman sanay na ko sakanila. Lahat nalang ata ng babae sa school na to yan may gusto kay Aron. Sino bang hindi magkakagusto sakanya?? Gwapo na, matalino pa, plus mo pa yung magaling sya mag basketball. Kyaaahh!!! At LOYAL pa! San ka pa!
"Sila ba??" -g1
"Bat lagi silang magkasama?. Tss" -g2
"Hindi sila bagay. Mas bagay kami ni Aron my babe!" -g3
Tinignan ko ng masam yung mga babaeng nabubulungan kuno at tinaasan ng kilay. Mamatay kayo sa inggit jan. Tse! Mas maganda ako sainyo noh!
Nakarating na kami sa classroom namin kaya na upo na kami sa upuan namin sa likod. Sakto namang pumasok si Mr. Diaz at may kasama syang babae. Bagong classmate ata namin to, shete ang ganda nya."Okay class. Take your sets!" Sabi nya. Nag sisunuran naman yung mga classmate ko. Ayan late na si zan, patay kang bata ka. Hahaha
"You have a new classmate. Please walcome Ms. Torres"
Continue
~~~*
AN:
Ayan!! Hahaha sorry na kung panget. First story ko to.
Pabitin muna ako ha!Thank you for reading!!
Thirteen