Chapter II

35 4 2
                                    

Ness POV

"Hello I'm Ariech Torres, 19 yrs old. Galing ako sa  Roosevelt University. " Pagpapakilala nya. Huh? Roosevelt?

"Ano galing sya dun?" -classmate 1

"Diba pang mayaman yun?" -classmate 2

"Oo. Bat sya lumipat dito? Eh mas maganda dun kesa dito" -classmate 3

Ayan ang bulong bulungan ng mga  kaklase ko. Bakit nga ba sya lumipat? Samantalang napaka ganda ng school na yun. Kung kaya ko nga lang mag aral dun ginawa ko na.

"SILENCE!!" Sigaw ni Mr. Diaz. "Take your set Ms. Torres. Maupo ka kung san mo gusto." Dagdag nya. Nilibot naman ni Ariech ang mata nya at huminto ito sa lugar namin. Ngumiti sya at naglakad patungo samin.

"Hello" ngiting bati nya samin. "Can i set here?"  Tanong nya at tinuro ang isa sa mga bakanteng upuan sa helera namin.

"Ahhhm-" hindi pa man ako nakaka pagsalita ay umupo na agad sya sa upuan.

"Hello ulit. Sorry if magiging feeling close ako sainyo ha.  Ayoko lang maOP. Can you be my friends?"  Medyo nahihiyang sabi nya. Napangiti naman ako sakanya. Bakit ang ganda nya at mukang mabait. Hindi ko tuloy sya matanggihan.

"Oo naman." Ngiting sabi ko. "Ako ng pala si Ness Grey Agustin at sya naman si Aron Santos" pagpapakilala ko samin ni Aron.

"Thank you! Akala ko talaga wala akong magiging kaibigan dito" -ariech

"Bakit naman? Muka ka namang mabait." Sabi ni Aron sakanya. "At isa pa, kung marunong kang makisama hindi ka mahihirapan dun"

"Oo nga riech. Tama si aron. At wag ka nang matakot kasi kaibigan mo na kami simula ngayon."

"Thanks you talaga. Wait are you guys are couples?? Awww... Ang cute nyong dalawa. Bagay na bagay kayo! Hihihi." Kinikilig na sabi nya. Magkakasundo kami nito.

"Ah. Hindi magkaibigan lang kami ni ness." Aray aron ha. Hindi manalang sumang ayon kahit sandali.

"Ahhh. I thought..."

"Okay students." Hindi na natuloy ni ariech ang sasabihin nya dahil nagsalita bigala si mr.diaz.
"Get your--" "GOOD MOrning classmatessss..... And mr.diaz" pasigaw na pahinang bati ni zan ng makita nya si mr.diaz. Pahiya hahaha. Mukang naka kita ng multo. Haha

"You're late ms.dizon" masunget na sabi ni mr.diaz.

"Sorry mr" yukong sabi nya at naglakad patungo sa upuan nya. Napatingin naman sya kay ariech at takang tumigin sakin. Kaya binigyan ko sya ng "mamaya ko nasasabihin" look.

"At dahil hindi wala ang isa pang magiging classmate nyo, answer activity 5 on your textbook." Sabi ni mr.diaz. kaya kinuha na namin ang text at sinagutan. Naging tahimik lang kami hanggang sa matapos ang klase namin kay mr.diaz.
~~~

Naglalakad na kami papuntang canteen. Mag kakilala na si zan at ariech. Magkakasama parin kaming apat. Oo kasama parin namin si aron. Wala naman kasi syang practice ng basketball kaya kasama namin sya. Mas gusto daw nya kaming kasama kesa sa mga kateam nya.
Habang naglalakad kami naka rinig kami ng tilian at nagkukumpulang mga babae sa hallway.

"Kyaaaah! Ang gwapo nya!" -girl1

"Oh my gosh! Babe ko yan!" -girl2

"Ano yr na kaya sya? Sana classmate natin sya" -girl3

"Mas gwapo sya kay aron! Kyaaaah" -girl4

"Future boyfriend ko yan!" -girl5

Mga mahaharot tong mga to. Napapairip nalang ako sakanila. At anong mas gwapo kay aron my babe? Walang nang mas gwagwapo pa sa babe ko noh.

"Uy ness. Napano ka? Bat ganyan ang muka mo?" Takang tanong ni aron. Napansin nya pala ako na naka busangot. Panahito kami sa pag lalakad.

"Ah. Kasi naman yang mga babae na yan ang lalantod! Malayo palang tayo rinig na rinig na agad ang landian nila. Tss. Mga hindi marunong mahiya!" Magrereklamo ko sakanya.

"Hahaha iba ka talaga sakanila. Wala atang gwapo sa paningin mo eh." Ngiting tanong ni aron.

"Ay mali ka jan aron. Merong gwapo sa paningin nyan. Nako! Gwapong gwapo sya dun." Singit ni zan. Aba nilaglag pa ko nito.

"Talaga? Sino naman yan?" Tanong ni aron.

"Tanungin mo sya."  Sagot ni zan. Talaga naman tong babae na to.

"Parang kilala ko kung sino. Hahaha" sabi ni ariech. Hala pano naman nyang namang malalaman nihindi ko pa nga sya nakakausap.

"Bat kayo lang ang may alam? Ako hindi." Pagmamaktol ni aron. "Sino ba yun ness? Ako ba yan? Hahaha" sabay banat ni aron na ganun. Nalintikan na.

"Oo ikaw yun." Sabi ko.

"Hahaha nagjojoke lang ako ness, patola ka naman." Sabi nya habang kumakamot ng ulo

"Ikaw naman yung nagjojoke eh. Hindi ako. Kaya seryoso ko dun." Diretsong sabi ko. Naka tingin lang si zan at ariech samin. At parang nag iitintay ng sasabihin ni aron.

"Wow! Ang gwapo ko talaga! Pati ang isa Ness Grey Agustin na gwapohan sakin!" Pag mamayabang nya. Tatangayin ata ako lanya.

"Wala na. Nag bago na paningin ko. Ang panget mo pala." Pagbibiro ko at naglakad na ko.

"Wala nang bawian ness! Haha gwapo na ko sabi mo." Sumunod na sabi nya.

"Ayan kasi nag mahangin pa. Hahaha" natatawang sabi ni ariech.

Hindi kami maka daan sa mga nakukumpulang babae. Kaya nakipag sisikan na kami at naki pag tulakan. May natapakan pa nga akong paa. Malapit na ako sa may gitna ng may tumulak sakin kaya nasubsub ako sa may sahid. Anak ng tinapa!!

"Aray!!" Sigaw ko sabay tayo at hinarap yung taong tumulak sakin. Pero hindi ko alam kung sino ang tumulak. "Sino ang tumulak sakin!?" Sigaw ko. Lahat sila naka tingin lang sakin at walang nagsasalita.

"Miss okay ka lang ba?" Tanong ng taong nasa likod ko. Hinarap ko to para sigawan sana pero pagtingin ko, pitongput puting tupa! Ang gwapo ni kuya! Hoy ness! Mahiya ka nga!

"Muka bang okay ako?! Ikaw kaya itulak ko tapos itanong ko sayo kung okay ka lang!" Sigaw ko. Hindi ko pinahalatang na gwapuhan ako sakanya.

"Ness! Anong nangyari sayo?!" Narinig ko ang boses ni aron kaya hinarap ko to. Nakita ko na kakalabas lang din ni zan at ariech sa mga nagkukumpulan.

"Black?" -ariech
"Ariech?" -lalake
Sabay nilang sabi at gulat na gulat. Magkakilala sila??

Continue
~*
AN:
Ayan! Nagtype lang ako ng kung ano ang nasa isip ko. Kaya sorry na kung panget. Hahaha
Sino kaya si black? Bakit kaya sila magkakilala ni ariech? Bakit kaya puro color yung naiisip kong name? Meron kayang pink or violet na magiging pangalan? Hahaha joke lang. Di ko din alam kung bakit puro color yung naiisip ko. So ayun. Magcomment nalang kayo if panget o maganda. Vote na rin. Thanks!!! 

hello siksnayn fam! di ko kayo matiis kaya update na agad haha. love lots guys.

Thank you for reading!!

-Thirteen

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon