Strangers

2 0 0
                                    

Strangers dyan kayo nag simula halos lahat naman dyan talaga nagsisimula maswerte na lang ang hindi at bata pa lang itinadhana na kumbaga nasa tyan pa lang kayo ng magulang nyo eh magkakilala na kayo ang gulo diba? Ganyan kasi ako magkwento walang basagan ng trip.

Minsan lumuwas ka ng Manila nasa probinsya ka pa lang madami ka ng estrangherong nakakasalamuha pag sakay mo ng Bus o kaya Van may makakatabi ka minsan Gwapo minsan Never mind minsan Mabango at madalas amoy mandirigma.

Habang nasa byahe naisip mo na baka yung katabi mo ang itinadhana sa iyo o kaya yung nasa likod mo o si Manong Driver nag iisip ka nanaman about sa lovelife mo kahit wala ka naman nun teka nakakain ba yun? Sige mabalik sa usapan Pababa ka na ng sasakyan naglakad ka sandali ang dami mong nakasalamuhang iba't ibang tao may nakita kang magjowa naka HHWW ang sweet diba? Bigla mo naisip kelan ka kaya makakaranas ng ganito? Ipinagpatuloy mo ang paglalakad may nakita ka uling mag jowa parang nagkakatampuhan nilapitan mo sila at tinanong "May Ritemed ba nito?" joke di pala yan ang tanong mo.

"Hi Miss Hi Kuyang Pogi pansin ko nag kakaLQ han kayo ah ano ba problema?"

"Eto kasing babaeng toh lagi na lang ako sinisigawan kahit wala akong ginawa"

"Kuyang Pogi alam mo normal sa aming babae ang magalit pero bibigyan kita ng tips" binulungan mo siya at naglakad papaalis

Habang papalayo ka nilingon mo sila nakita mo na nagyayakapan na sila at sinenyasan ka ni Kuya ng Thumbs up.

Pinagpatuloy mo ang paglalakad di mo na namalayan ang oras ni di mo namalayan na di ka pa kumakain.

Pumunta ka sa isang resto at umorder ng pasta at Iced tea habang naghahanap ka ng upuan sa di inaasahang pangyayari natapunan ka ng inumin ng isang lalaki.

"Sorry miss" paghingi nito ng tawad

"It's fine" nginitian mo sya bilang senyales na okay ka oang talaga

"I'm really sorry miss uhm don't you mind if I join you?"

"Uhm okay have a seat tutal wala naman akong kasama and you look nice di ka naman siguro gagawa ng masama"

"Thank you for trusting" makaraan ang ilang sandali nagkapalagayan kayo ng loob ngunit dumating ang oras na dapat na kayo maghiwalay ng landas ayaw mo man ngunit kailangan.

Tuluyan na nga kayo nagkahiwalay sya pumunta kung saan man at ikaw patungo sa tunay mong patutunguhan.

Napangiti ka na lang habang nasa byahe ikaw mo nga "Parang teleserye" ngunit ang di mo sigurado ay kung magkukrus ulit ang landas nyo. Noong makarating ka sa bahay ng iyong kaibigan doon mo lang narealize na hindi mo natanong ang kanyang ngalan.

Kinabukasan ipinasyal ka ng iyong kaibigan sa kanilang lugar ng may nakitang isang taong pamilyar at tama ka siya yung lalaki kagabi sa kinainan mo lalapitan mo sana siya ng makita mong may kasama siyang babae.

Teka! Bakit ka affected? Saglit pa lang kayo nagkasama nahulog ka na sa kanya. Bakit parang nagseselos ka? Sa isip isip mo'y may karapatan ka ba? Nagulat ka ng ito'y tawagin ng iyong kaibigan

"Halika ipakikilala kita sa aking mga kaibigan" aya sayo ng iyong kaibigan

Ipinakilala ka na nga niya sa lalaki't babaeng nasa iyong harapan at duon sinabi ng lalaki na kayo nga ay nagkita na kagabi at nagkausap ngunit nakalimutan ninyong magpakilala sa isa't isa. Habang pinapakilala ka ng iyong kaibigan sa babae ay nakangiti lang ang babae na tingin mo'y napakabait at sweet.

Nagdaan ang ilang araw mas lalo kayong napalapit sa isa't isa hanggang dumating yung araw na umamin sya sa iyo sinabi nya na mahal ka nya at ika'y nangamba

Ikaw:Paano sya?

Siya:hahahahaha

Tinawanan ka nya bakit?

Ikaw:anong nakakatawa sa aking sinabi?

Siya: akala mo ba may relasyon kami?

Ikaw:hindi nga ba?

Siya:Pinsan ko sya close lang sadya kami at madalas mapagkamalang magkasintahan

Napahiya ka sa harap nya di mo alam ang gagawin.

Kaya agad kang humingi ng pasensya.

At doon nagsimula ang inyong pahmamahalan.

LIWANAG: Huwag pangunahan ang isang bagay ika nga ng RiteMed "Huwag mahiyang magtanong".

LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon