Tadhana

0 0 0
                                    

Si tadhana na siguro pinaka malupet sa mundo di mo alam kung ano ang ibibigay nya sayo pighati ba o kasiyahan.

Ikaw bilang babae gusto mo na mahalin ka ng isang tao yung totoong mahal yung di ka sasaktan. Gusto mo rin ng kaibigan na masasandalan yung di ka iiwan at basta basta pababayaan.

Nakakilala ka ng isang lalaki nakatrabaho mo sya bawat araw nagiging mas close kayo walang dumaan na araw na di kayo nagkakaasaran.

One day umalis sya bago sya umalis he makes promises.

1 Ikaw lang
2 Babalik ako
3 Hindi kita sasaktan

Umalis nga siya pinasalamatan ka nya para sa lahat sinuportahan mo sya para sa pangarap nya.

Lumipas ang isang linggo ng kanyang pag alis nabalitaan mo na may nakilala siyang babae naging ka trabaho nya.

Lumipas ang mga araw tila di ka na nya kilala para bang wala kayong pinagsamahan.

Bumalik siya pero may kasama na syang iba umasa ka na gaya parin kayo ng dati.

Isang beses may nag tanong sa iyo "Nagseselos ka ba?"

Agad mo itong sinagot ng tapat "Oo"

Pero sa dalawang letra na yun marami ang di naunawaan ang ibig mong sabihin.

"Oo nagseselos ako kasi dapat ako yung kaibigan nya kasi dapat ako yung kaasaran nya ako yung kasama nya"

Gusto man sabihin yan di mo magawa dahil sa sarili mo tanggap mo na ang mundo ay puno ng taong mapanghusga.

Lumipas ulit ang mga araw mas pinili mo na umiwas na lang pinili mo nanaman kung ano ang makabubuti para sa kanya pero ni minsan hindi nya inisip kung ano mas nakakabuti sayo.

Hindi nya naisip na sa bawat ngiti nya luha ang kapalit.

Isang araw may nanira sayo sabi nila Bitter ka daw kahit nasasaktan ka pinilit mong ngumiti at ituloy ang buhay.

Maging mabait ka sa tao may masasabi't masasabi siyang di maganda tungkol sa iyo and That's life.

May taong ipapadala sayo si tadhana para turuan ka turuan kang Ngumiti sumaya at masaktan at sa bawat masasayang araw na nawala asahan mo na may darating na mas better days ika nga nila THERE IS ALWAYS RAINBOW AFTER THE RAIN.

Liwanag: Sa mundong ito maraming kang makikilala at marami sa kanila ang ibababa ka pero wag mong hayaan na ibaba ka nila and to survive you need to accept na si tadhana ay mapaglaro.

LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon