Walang Forever

1 0 0
                                    

Isa ka sa mga taong nakakain ng ampalaya na di naniniwala sa Forever.

Para sa iyo walang panghangganan kasi lahat ng tao di loyal.

Ikaw yung taong never nagkalovelife.

Madaming bakit na naipon madaming bakit ang nabulok kaya ka siguro bitter.

Isang araw nagpunta ka sa isang park dyan lang sa loob nh Village na tinitirhan nyo.

Bawat sulok ng park may nakikita kang magkasintahan.

May nakita kang halos ayaw na maghiwalay sa sobrang magkadikit at magkayakap tas bigla mo na lang nasabi "MAGBEBREAK DIN KAYO" habang tinitingnan mo sila nag ring ang phone nung lalaki at ang babae ang sumagot at nakita mo silang biglang nag away at ang huli mong narinig sa babae ay "Break na tayo" napangisi ka at nasabing "oh diba tama ako wala kasing forever"

Lumingon ka sa swing nakita mo yung lalaki tinutulak yung magandang babae ang sweet din nila narinig mo pang sinabi ng lalaki na "Baby I love you no matter what happen I will always love you" at nagkumento ka nanaman "sus ko po ate niloloko ka lang nyan" sa kakatulak ng lalaki sa swing napalakas ang kanyang tulak tumilapon si Ateng maganda nadisgrasya ang mukha tinulungan mo sila na dalhin sa Ospital ang babae narinig mo na sabi ng Doctor na di na maibabalik pa sa dati ang mukha ng nadisgrasyang babae.

Nagulat ka ng kinausap ka ng lalaki.

"Pwede ba pakiabot nitong sulat sa magulang nya?at pakisabi na ibigay ito sa kanya kapag nagising na sya"

Ini abot nya ang sulat sayo ng hindi hinantay ang pagsang ayon mo tiningnan mo ang sulat di mo napigilan ang pagkatsismosa mo at binasa ito.

"Sorry baby sa nangyari sa'yo gusto munang magpakalayo pasensya na break na tayo"

"Tsk tsk" yaan na lang ang nasabi mo.

Matapos mo ibigay ang sulat sa magulang ng babae ay lumabas ka na rin agad at naglakad na lang pauwi.

Habang naglalakad may nararamdaman kang sumusunod sa iyo agad kang gumawa ng paraan para malaman kung sino iyon.

Nung nahuli mo sya nagulat ka ng makita mo na ito pala ay ang Heartrob ng school nyo.

"Bakit mo ako sinusundan?"

"Pasensya na kung lagi kita sinusundan" nagtaka ka dahil di mo alam na matagal ka na nyang sinusundan

"Lagi?"

"Oo"

"Bakit?"

"Kasi ang corny man isipin pero matagal na kitang gusto tingin ko matagal na kitang mahal"

"Mahal? Di mo alam sinasabi mo"

"Alam ko at patutunayan ko sayo yun"

"Tsk. Kung sakali man sa hiwalayan din ang patutunguhan nito"

"Ang mga bagay di dapat pangunahan at di dapat sukuan ng di mo man lang sinubukan"

"Ba't ko susubukan kung alam ko na masasaktan lang ako?"

"Yun yung pagsubok ng katatagan di mo matatagpuan ang totoong kaligayahan hangga't di ka nasasaktan" sa puntong iyon natauhan ka narealoze mo na tama siya kaya ikaw agad mo siyang binigyan ng pag asa.

Lumipas ang isang taon nanatili sya sa panunuyo sa'yo at sa paglipas ng panahon unti unti mong namalayan na nahuhulog ka na pero nanatili ang iyong paniniwala na walang forever pero may Lifetime.

LIWANAG: Ang totoo may Forever and si God yun wag mo sya kalimutan.

LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon