Facebook

1 0 0
                                    

Aa Facebook marami kang makikilalang tao may magiging kaibigan ka minsan may makakaaway ka pero madalas magkakalovelife ka.

Naalala mo nung ini add friend ka nya? Nag iisip ka ka pa nga kung i coconfirm mo ba.

Inistalk mo muna sya infairness ang gwapo nya.Nakita mo na may Mutuals kayo so napag isip isip mo wala naman sigurong masama kung i confirm diba?

Sa iyongbpag pindot ng confirm button doon na nagsimula ang lahat.

Kinabukasan may natanggap kang mensahe.

"Hello Y/N" bati niya sa iyo

"Hi" pagbati mo rin

"Maaari ba akong makipagkaibigan?"pagtatanong niya

" friends na tayo sa fb diba?" pamimilosopo mo

"Hahaha nakakatawa ka naman ang ibig kong sabihin ay kaibigan hindi yung sa fb"

"Hahahah biro lang yun at tyaka wala naman mawawala kung makikipag kaibigan ako sa'yo hindi ba?"

Dumaan ang mga araw palagi kayo nagkakausap palagi kayo magkachat halos buong araw ayun at ayun na lang ang ginagawa mo.

Isang araw sabi nya gusto nya na magkita kayo nag alinlangan ka natatakot ka. Pero ano ba iyong ikinatatakot?

Natatakot ka na baka magbago ang lahat? Paano mo malalaman kung hindi mo sinusubukan man lang?

Kalaunan ay pumayag ka nagkita nga kayo at sa puntong iyon napagtanto mo na tama lang ang ginawa mo.

Pagkatapos ng mahabang araw kasama sya ay inihatid ka niya sa inyong bahay.

Ang saya mo sa sobrang saya mo di mo na napansin ang iyong kapatid na kanina pa na nakatingin sa iyo.

Sinamaan ka nya ng tingin at agad mong nakuha ang gusto niyang iparating.

"Ah Kuya si ano lang yun *his name* kaibigan ko"

"Kilala ko sya mag ingat ka sa kanya"

Matapos noon ay iniwan ka niyang may tanong sa iyong isip.

Tanong na bakit ka niya binabalaan.

Umakyat ka sa iyong kwarto at agad ng Facebook may narecieve ka na message mula sa kanya.

"Hi Y/N nag enjoy ako kasama ka sana maulit uli ito"

"Ako rin nag enjoy hehe sige na pahinga ka na"

Dumaan ulit ang mga araw may inamin sya sa iyo inamin nya na gusto ka nya sinabi nya kung maaari ba syang manligaw at ikaw naman ay nagtanong kung handa ba siyang maghintay.

Naghintay sya hanggang sa araw na handa ka na oo naging kayo naging kayo sa facebook.

Nagpalitan kayo ng password katulad ng ibang magkakasintahan.

Noong una maayos kayo at bigla mo napansin na iba na sya makitungo sa'yo isang araw nagiba na ang kanyang password at ang masakit blinock ka nya ng walang malinaw na dahilan ni hindi mo man lang alam kung kayo pa ba o hindi na.

Liwanag:Huwag magpapadala sa mabubulaklak na salita at huwag basta basta magtitiwalang nakilala lang sa Social Media

LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon