Chapter 1 : Tutor

11 4 0
                                    

*
Clarissa's P.O.V.

"Break na tayo"  ang sabi ko kay.... ewan ko anong pangalan..... ang boyfriend ko kahapon.

"Huh?!, bakit?!" Sabi naman niya.

"Ang boring mo kasing kasama eh" sabi ko naman at naghair flip at nag walk out.

Nangdito na ako ngayon sa hallway ng midford high at nakatingin silang lahat saakin, anong magagawa ko, ang ganda ko kasi. (Assuming much) 

Pagdating ko sa classroom, dumeretso ako sa upuan ko sa likod. Wala akong katabi pero atleast ang bestfriend kong si 'the great Marjory Sanchez' ay nakaupo sa harapan ko.

Nang dumating na si Sir. Randy, ang class adviser namin, ibinigay na niya ang test results namin sa lahat ng subjects. As usual, perfect ang score  ko sa lahat ng tests at ganoon rin ako kaperfect, beautiful and smart. Nagpatuloy lang si sir. sa pagdistribute.

"Mr. Salvacion, ang baba ng kuha mo sa lahat ng exams mo." Sabi ni sir.

"Tch" lang ang narinig ko kay Clifford.

"You should follow Ms. Lu's example."

Sabi nanaman ni sir. Oh diba!!! Thats right! Follow my example you commoner!! Wait hindi tama yun, siya ang anak ng nagmamay-ari ng school na ito... Hmm,...

"Then, I'll have Ms. Lu tutor you." Patuloy ni sir.

Teka, ako?! Ang The beautiful, smart and perfect Clarissa Marie Lu!!? Magtututor sa isang walang respetong lalaking iyan?!

"If that's alright with you, Ms. Lu?" Tanong ni sir. saakin.

Hindi!! Hindi yun ok para saakin!! Pero "Its alright sir." Parin ang sagot ko... Gwapo naman siya, from basketball club, may abs pa..... Bwahahaha!!

Isang "Tch" nanaman ang narinig ko mula sa kanya. Iyan lang ba talaga ang kanyang maiisalita?

~Lunch time~

Lalabas na sana si Brylle - yan nalang itatawag ko sa kanya ang haba kasi ng Clifford-  ng hinila ko ang likod ng damit niya.

"Where do you think your going? Kailangan pa kitang itutor." I seductively said.

"Pupunta muna ako sa cafeteria, gusto mo ba mamatay ako sa gutom?!" Sabi.. Hindi, sigaw niya.

Hmmmm......hindi siya nag blush ng kinausap ko .. Lahat ng boys na kinakausap ko ay laging nagbublush... Hmmm iba siya ha..

"Grabeh mo naman, Hindi mo naman kailangang sumigaw. Sasamahan nalang kita para hindi ka tatakas. Pagkatapos mong kumain, deretso tayo library." Sabi ko

"Oo na, Oo na" sabi niya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Halika na , library" sabi ko matapos kumain namin.

"Mamaya na! Pahinga muna ako!" Sabi niya naman.

Dahil ayaw niyang sumama, hinila ko nalang ang collar ng uniform niya.

"Halika na na, kung hindi, sasabihin ko kay sir. na ikaw ang maglilinis sa pig pen sa school farm mamaya"

"Tch, oo na nga"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nandito kami ngayon sa library, wala pa natapos ang 15 minutes tulog na siya. Hmmm, tumayo nalang ako at pumunta sa likod niya at nilapit ang bibig ko sa may tenga niya at nagsalita,

"Gumising ka na darling~"

At bwaala, gumising na siya! "Sinong darli-"

napatigil siya sa kanyang sinasabi ng lumingon siya at .............

*Chu

...we kissed!!!!!! Oo nga marami na akong naging boyfriends pero hindi  ko sila hinalikan, ang kapal nito, first kiss ko to!!!!

Tinulak niya ako at nagsabing.. Hindi simugaw ng,

"Oii, ano ba, di purke't tutor kita pwede mo na akong halikan!!!"

"For your information, ikaw ang lumingon!!!"

"Shhh" Sabi(?) ng mga tao sa library.

Nakalimutan namin na nasa library pala kami. Umupo kami ng maayos.. Ugghh, so embarrassing.

"Ikaw kasi eh" pabulong na sabi in Brylle.

"Ikaw kaya ang nagsimula nito, magstudy na tayo kung hindi, ipapalinis kita sa pigpen!"

"Shhh"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Extra:

Ken (ang lalaki sa simula, a.k.a. ex boyfriend in Clarissa), why do you like Clarissa?

Ken's answer:

Because she looks like my dog(^_^)/.
 
--Clarissa, its best that you don't know about this (-_-;)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Yaayy!!! I have my first chapter!!!
Congratulations to me!

Their Weird Love StoryWhere stories live. Discover now