Chapter 1 - Move on..
"SHUT UP!" Zee told me.
"Zee, let me explain."
"I don't fvcking need your explanation."
"Sorry Zee" Tuluyan nang bumagsak yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"Zach, ayoko na, ang sakit na eh! Nakakasakal na." Nanghihina niyang sinabi.
"4 years! 4 damn years, itatapon mo na lang ba yun, dahil lang kay Dash?, Umamin ka nga sakin Zee, mas mahal mo ba si Dash?" Tanong ko sakanya.
"Hindi pa ba sapat na ikaw yung pinili ko, para patunayan na ikaw yung mas mahal ko?"
"Yun nga Zee. Ako nga yung pinili mo, ako nga yung nasa tabi mo, but your heart is with him, Zee. And it fvcking hurts na ako pa yung naging dahilan, kung bakit nasira yung love story ng dalawang kaibigan ko" huminga ako ng malalim, para ituloy yung sasabihin ko."Zee, alam kong utak mo lang yung nagsasabing mahalin mo ako, pero ano bang laban ng utak, kung mismong puso mo na ang nagsasabing mahal mo parin siya? ayoko nang makita kang nahihirapan, at nasasaktan. Thank you for the 4 years of being by my side. Now I'm letting you go.." Niyakap ko siya at umalis
"Sorry Zach. It was not my intention to hurt you. Please come back." Naramdaman kong niyakap nya ko patalikod. Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin at nag-"OK SIGN" na lang. Tuluyan na kong naglakad palayo sakanya habang naririnig ko pa din ang kanyang paghikbi.
Habang naglalakad ako papunta sa parking lot.. nakaramdam ako ng guilt. Guilt because I left her, guilt because I broke their "HAPPY ENDING", guilt because alam kong ako yung naging dahilan kung ba't nasira yung friendship namin tatlo 4 years ago.. Pero nangingibabaw pa rin yung pride ko na "KAME LANG DAPAT NI CHELZEE ANG MAGKAROON NG HAPPY ENDING" But I think it's better to let her go, rather than seeing her smiling but deep inside she's hurting because of me.
Nang nakasakay na ko sa kotse, may dumating na BMW Hybrid and it looks familiar. Hinintay ko bumaba yung driver. Hindi nga ako nagkakamali... It was Dash. Lumabas ako para harapin siya, at ipaubaya na sa kanya ang babaeng pinakamamahal ko... si Chelzee.
Agad niya akong sinuntok, na naging dahilan upang bumagsak ako.
"Ang BOBO mo Zach, wala kang karapatan saktan si Chelzee. Mahal ka nya Zach. MAHAL NA MAHAL." Sabi sakin ni Dash.
"Ako? Ako, Mahal ni Zee? Kailan pa? Kahapon? Nung isang araw? Ngayon? 'Wag naman tayong mag-gaguhan dit--" Sarcastic kong sabi sa kanya. Pero pinutol niya ako.
"DATI PA!!!! nung kami pa.." Sigaw sakin ni Dash. "Oo Zach, nung kami pa. Kaya nga ako nagpakalayo diba? Coz I don't want to ruin my best friend's stupid LOVE STORY. Alam ko, alam ko na mahal niyo ang isa't-isa, kaya ako pumunta ng Amerika para mag move-on, para makahanap ng iba, para kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya... Para pagbalik ko dito hindi na ako maging barricade sa inyong dal--"
"Hindi maging barricade? Anong nangyari ha? Hindi ka nakahanap dun? Dahilan kung bakit hanggang ngayon isa ka paring malaking hadlang saming dalawa?" Pasigaw kong tanong sa kanya.
YOU ARE READING
Coincidental Love
Fiksi RemajaCould it be fate trying to bring us together or is just coincidence (considering the area isn't as big as most places) or that we're probably running on a similar way? #Coincidentalove