Chapter 6 - Miserable Life

52 3 0
                                    

Aleis' POV
    Pagpasok ko palang sa school, parang mapapa-bad word agad ako.

Kasi naman! kalat sa school ang pictures namin ni V kahapon, huhu! T_T

"Ang landi niya!"           "Oo nga! Mangaagaw!"

"Ang pangit niya naman!"    Naka-couple shirts pa sila!"

Hindi naman ako natakot dahil nga hindi naman nila alam na ako 'yon. Grabe talaga! Ang sasama ng pinagsasabi nila! Pero dapat okay lang ako! Ayaw kong magpahalata!

Buti talaga wala ako ng  'panget nerd' na makeup yesterday, kung meron, lagot na'ko!

Pumunta muna ako sa locker ko para kunin ang math notebook ko, may nakabangga naman ako.

Lagot, si Queeny pala! Isa sa mga clown sluts! At ang mas malala, natapon ang juice na iniinom niya sa damit niya.

"How dare you!" sigaw niya sakin, di ko nalang siya pinansin at kinuha ko ang notebook ko.

Nabigla ako ng sabunutan niya 'ko, aray ah! pero syempre, joke only! I'm a mafia queen, diba?

Acting mode on...

"Tama na..." bulong ko, pero medyo masakit dahil bumabaon ang kuko niya sa ulo ko.

"Sa oras na humarang ka ulit sa dinaraanan ko, hindi lang 'to ang aabutin mo." banta niya, tss...

"Oo..." bulong ko, talaga! Dahil isasali na kita sa Death Notebook ko, kala mo? Haha...

Naglakad ulit ako, pero bigla niya akong tinapilok.

"Let's go, girls!" sabi niya sabay alis kasama mga iba pang dwarf sluts, ang liit kasi eh! kahit naka-hills na!

Pag tingin ko sa may siko ko, may sugat.

Sorry siko ah! Kelangan kong ingatan si tuhod...

Sigurado akong ang pangit pangit ko na.

Hinugasan ko nalang ang sugat ko at inayos ang buhok ko at pumunta na sa classroom ko.

Pagpasok ko, teka? Ba't walang mga babae?

"Hi friend!" bati sakin ni Benjo, nagsmileang ako sakanya.

"Hi Uling." bati ni Ulap.

Nagwink naman sakin si Gray at ngumiti naman sakin si V ng nakakaloko.

Pano kaya sila napunta napunta diti sa section one? At ba't parang lahat ng anditonf lalake eh galing sa lower sections. Anong nangyayare?

"Pst, Ulap. Anong meron?" tanong ko kay Ulap.

"Hindi ka ba informed?" tanong niya at tiningnan ko lang siya ng masama. Mukha bang alam ko?! Tsk!

"Lahat kami nilipat sa section one dahil lahat ng andito gustong lumipat sa lower sections." sagot niya. Alam niyo ba 'yong nganga? Ako kasi 'yon eh! Ang dami talagang alam ng school na'to! Ang daming alam ng Argonster High!

"HAHAHA!!!" Lahat kami napatingin dito sa abnormal na'to.

Ba't siya tumatawa? At ba't parang gulat na gulat silang lahat? Anong meron?

"Milagro ata 'to guys. Tumawa si V. Tumawa siya." bulong samin ni Gray.

"Nababaliw na ba siya?" tanong ni twin.

"Mukhang." sagot ni Benjo.

Bestfriends sila ah! Tss..

"Oy! Beast na abnormal na baliw na bakla! Ba't ka ba tumatawa diyan ha?" inis kong tanong.

"Ang pangit mo kasi eh!" ayun oh! Tsk, aray ah! Dapat pala di ko nalang siya tinanong. -_-

Lahat tuloy sila tumawa, as in lahat. Hay na'ko! Sana isa narin ako doon sa mga nagpalipat! Puro pangbubully lang naman makukuha ko dito eh!

Stupidly inlove with the BeastWhere stories live. Discover now