Aleis' POV
Waaahhh!!! Anong isusuot ko sa Masquerade ball? Eh ayaw ko naman kasi sa gowns eh. I prefer jeans and pedals, and minsan shorts. Dress, okay lang."Sweety, sumama ka sakin." aya sakin ni Mom, kakauwi ko palang galing school, at naisipan ko na dito muna ako sa original kong bahay.
"Saan po?" tanong ko, pero nag smile lang si Mom.
"Magbihis kana." Utos niya kaya sinara ko na ang pinto ng old room ko.
black jeans, white v-neck shirt, black converse shoes, at white cap na may baymax, ang cute ni Baymax!
Pumunta na'ko sa labas ng bahay at sumakay na sa kotse."Dali, Sweety, tayo nalang doon hinihintay." wow, di halata na excited si Mom ano?
After 20 minutes, andito na kami sa famous mall ng Argonster family. Taray nila ano?
Pumasok kami ni Mommy sa loob ng isang dress shop. Teka...
"Hi bessy!" Oh my gosh...
"Hi mga bes!" no way...
"Magbe-bestfriends kayo?!" gulat kong tanong at tumawa silang pito.
"Yes, sweety." sagot ni Mom. Ba't ngayon ko lang nalaman?
Eh syempre Aleis! Galing ng ibang bansa ang mama ng mga bestfriends mo!
Hay -_- Para nanaman akong baliw na nakikipagtalo sa sarili ko!
Teka, 'yong mommy ni Yelo andito... Tiningnan ko si Yelo, andoon kasama si Benjo... buti naman nililibang siya ni Benjo baka kung anong mangyare dito eh!
"So, kaming pito ang gagawa ng gowns and mga tux niyo." sabi ni Tita Tori.
"Hi pangit." bati sakin ni Beast.
"Ano nanaman?!" inis kong tanong.
"Wala, ang pangit mo parin." sabi niya tas naka-smile la siya, di ko nalang siya pinansin. Bahala siya dyan.
"I'm Tita Liza." Mom siya ni Lia.
"I'm Tita Mae." Mom siya ni Madi.
"I'm Tita Mara." Mom ko.
"I'm Tita Carrie." Mom ni Yelo.
"I'm Tita Gem." Mom ni Gray.
"I'm Tita Rain." Mom ni Benjo.
"I'm Tita Tori." Mom ni Beast.
Ahh, edi wow. Si Tita Tori at Tita Mae kilala ko na kasi bestfriend ni Mommy si Tita Mae at nakilala ko si Tita Tori dahil kay Beast.
"So, anong kind ng damit ang gusto niyo?" excited nilang tanong.
"Kahit ano po." sagot ni Madi.
"Aishhh! Tayo nalang nga ang bahala." tumawa nalang kami kasi ang cute ni Tita Tori.
"Maglibot-libot nalang kayo." sabi samin ni Tita Gem and umalis na kamj.
"Kain tayo, girls." aya ni Madi kaya pumunta muna kaming girla sa isang cafe.
"Aleis, next month pa diba 'yong ball?" tanong sakin ni Lia and I nodded.
"Ba't ang excited nilang pito?" tanong ni Yelo.
"Siguro... ewan." sagot ko kaya sumimangot 'yong dalawa, HAHA! XD
Isang strawberry milkshake at chocolate cake lang inorder ko, busog pa'ko, nilibre kasi ako kanina ni V. HAHA!
"Himala! kaunti ng inorder mo." sabi sakin ni Madi. HAHA! XD
"Nilibre ako ni Beast." sabi ko at lumamon na.
YOU ARE READING
Stupidly inlove with the Beast
Teen FictionAleister Cole Lopez, a Mafia Queen disguised herself as the campus nerd, but being one of the Silent Empire's twin, She's not being bullied always. Silent Empires, they're the gang group Aleis hates, lalo na ang leader nilang si Timotheo Victory Arg...