23 Beautiful Roses...

126 0 0
                                    

Okay, syempre girls naman...

Akala nila boys lang ang makukulit nuh, syempre hindi rin papakabog ang mga girls.

Saan ka makakakita na napapalabas na babae?

Mahilig matulog sa classroom?

Mga babaeng kilos lalake? Ako ba yun? Hehe!

Lahat nyan meron sa Cebu.

Umpisahan na natin, ang dami ko pa kasing iniisip eh nuh? Alam ko excited na kayo. Bitinin ko kaya? Joke lang! Eto na!

Bb. Cebu no. 1...

Ang isa sa pinakamalupit sumayaw sa Cebu girls. Cute siya, o maganda na nga lang sige na nga. Hehe! Kakulitan ba ang hanap nyo? Naku, baka kayo pa ang sumuko sa kakulitan ng babaitang 'to. Super bait din niya, super sarap kasama, hindi ka mabobored. Love life ba? Naku, madami yan, paiba iba nga eh. Haha! Joke lang Neggerz! Love you! Physical characteristics, tinatamad atang tumalon pag new year kaya medyo kinapos, pero hindi naman nakakabawas sa ganda points niya. Naks! Todo puri na ah. Dapat may pasalubong ako pag nagpunta ulit kayong ibang bansa. Ano pa ba sasabihin ko about sa kanya? Alam naman natin halos lahat ng tungkol sa kanya eh. Isa sa JABSS, JABSSLET, BAMSS, PG GANG. Da best dancer! Kilala nyo na ah, si Bridget Anne Agustin. Love you Neg! Oops! Meron pa pala, minsan dakilang buraot din yan lalo na pag sa inumin. Haha!

Bb. Cebu no.2...

Naku, isa naman ito sa mga babaeng mahahaba ang hair. Siya lang naman kasi ang hinandugan ng isang video presentation nung Valentines day. Kung hindi nyo napapansin, nakakatawa yan pag tumatawa, panu wala atang tunog pag tumawa, mararamdaman mo na lang umaalog na ang balikat niya sa kakatawa. Uy, matalino yan, mana sa 'kin eh. Minsan nasasabon din ni tatay dahil sa calendar of activities. Siya kasi ang secretary or let's say former SCB secretary. Iiyak na yan! Haha! Masaya din kasama, tawa nang tawa. President nga din pala siya ng YSC club. Siya nga pala si Dhenice Alcantara.

Bb. Cebu no.3...

"listeeee--n! listen!" wala lang makinig lang kayo. Haha! Syempre sino pa nga ba ang tinutukoy ko kundi ang pinakamalupet na singer ng Cebu, yan ang talent! Naks! Si bech nga rin pala siya, ang bestfriend ni Allanne Mae. Mula kinder magkaklase na ata sila ni bech. Ang isa sa mga baliwag sa Cebu. Makulit sobra, lakas trip din minsan, or madalas. Love life? (zipper my lips), joke! Ask her na lang okay? Physical, maputi, (awts ah) malaman, as in malaman. Hehe! joke pao! and beautiful. Minsan nga pag kumakanta yan, simple akong tumitingin sa mga tao, ang nakikita ko lang naman ay ito 'o' meaning nganga lahat. Aminado naman ako na isa ko minsan sa napapanganga pag kumakanta siya. Magaling ding magplay ng guitar, o diba talented? Siya si Jean Pauline Aytona.

AVER!

Bb. Cebu no. 4...

Ang one and only mommy Rubs ng Cebu, ang madalas gumanap bilang mother ng mga bargirls. Siya si Diana Joyce "dada" Bugarin. Magaling sumayaw, magaling kumanta, at wit-wew. Joke lang! Nakakainggit lang kasi minsan na ganun yung sa kanya. Joke! syempre okay na ko sa 'kin nuh, baka hindi ko kasi makayang dalhin. Joke!!! Love you tokz!!! Love life? Hindi ko alam kung meron eh, hindi na siya nakakapagshare. Tampo ako much. Wag nyo na lang itanong kung bakit "Tokz" ang naisip naming call sign, secret na lang namin yun. Hahaha! Anu pa ba? Physical? Medyo malusog, morena, at yun. Hehe! Makulit din kasama, lahat naman ata makulit sa Cebu eh. Masarap din yan kasama, friends niya rin sila Mocha and Kates ng 3rd yr. ^_^

Bb. Cebu no.5...

Ang chinita, cute, maganda, o sige, maputi! haha! bitter? Magaling din siyang sumayaw, ewan ko nga para kasing wala siyang effort sumayaw pero ang lupet! Bagay sa kanya ang pagsasayaw, well, ako kasi sagwa eh. Haha! masabi lang, bakit ba? Love life? Still waiting, pero sabi nga malapit na malapit na ang pag-iintay. Sana magkatotoo, ang tagal ko ng sinusubaybayan ang love story nila ah. Numero uno akong fans ng love team nila nuh, alam nyo na kung sino. Tahimik lang minsan pero ang totoo, makulit din kasama, pag ngumiti o tumawa, nawawala ang mata. Naks! ganda! Actually, magaling din yan kumanta, gaya niya ang boses ni Justin Bieber, at iba pang bagong singer. Lupet nuh? May cute siyang pamangkin, his name is Kian, oops! wag pagpantasyahan, baby pa yun. Haha! Siya nga pala si Kyra Buscaino.

Senior Year (fourth year- Archdiocese of Cebu)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon