Chapter three - Unforgettable Month...

76 2 3
                                    

O, ayan ah, sinipag na si Badj magsulat sa wattpad, hindi ko na talaga ginagawa yung iba kong story, matapos ko lang 'to. Ang dami kasing nagagalit eh, bitin daw kasi, lalo na si Alyssa and "bech" Allanne Mae.

Haha! peace guys!

Ang daldal ko talaga, sige na, magbasa na kayo.

Enjoy reading!

Sa mga gustong mag-comment, sa wall na lang ng Cebu, babasahin ko na lang dun.

*******************************************

August 2011...

Maaari bang malimutan ang buwan na ito? Eh birthday month ko 'to? Hehe! Joke lang syempre! Pero commercial na lang din, wag nyong kalimutan na August 19 birthday ko ah.

"Bawat buhay, masaya't malungkot

magulo't? Makulay!

Ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan

Mula sa pagkakasilang

Hanggang sa kamatayan"

Ay naku! medyo nakalimutan ko na! sorry naman.

Basta linya yan sa ating sabayang pagbigkas.

I missed the days of our practices, yung sa taas ng Loreto, tapos magvovocalization.

"nongnong dongdong nginoway" at ang "ha-ha" habang tumatakbong pabilog tayo, tapos nakatingin kay tatay kasi kumukumpas yung kamay niya kung lalakasan ba o hihinaan. Naks! tanda ko pa talaga!

Okay, break muna sa sabayan, dahil may events pa namang nangyari sa buwan na ito.

August 19, 2011... (mybirthday)

Last day of periodic test, after ng test, nag-gather sa gym then naglakad na papuntang Plaza Miranda, kung saan sumama tayo sa isang prayer rally, hanggang Manila city hall, ang saya, lakad lang talaga. Ang prayer rally, ay layunin na ipagbawal na ang pagbebenta ng cytotec at ang pagbili nito.

Then after nun, sakay na syempre pauwi.

Sabak naman agad sa practice for the sabayang pagbigkas. What a day!

August 20, team building naman, hindi ko na ieelaborate kasi hindi tayo kumpleto dito.

August 21, 2011 - sunday...

Happy Birthday to tatay! Halos lahat aligaga tungkol sa mga handa, surprise kasi.

Then punta sa bahay nila sir. Nakiupo sa loob ng bahay, imagine yung itsura nating lahat doon? Para tayong mga ewan na nagtatago tapos madilim pa.

3pm...

Wala pa rin si tatay, pektyur - pektyur, usap-usap.

And ang kinalabasan ng surprise party kay sir, tayo naman ang na-surprise! Hehe!

Bigla kasing nakapasok, wala man lang tayong natanggap na signal. Hehe!

Saya! kain kain din.

******************************

After that, busy na ulit sa sabayan, kung hindi ako naman ako nagkakamali, August 25 ata ang elimination, kung saan nabadtrip ang halos lahat sa atin, nung nalaman nating sa hs dept na gagawin. Napapatingin nga ako kay tatay, parang badtrip din. In the end, nanalo naman tayo, 1st pa nga eh. Lahat ang ingay, nagtatalon sa tuwa. Hehe!

But sa lahat nga ng contest, may nananalo at may natatatalo.

August 31 - Final round! :)

Lahat sobrang kaba, then maya-maya, pinatawag na sa gs dept.

Grabe talaga ang entrance, lahat ng girly bam-bam talagang totohanan ng kinaladkad.

"2nd place... contestant no. chuba"

o_o (nga-nga as in)

Ang pagkakatanda ko pa nga, natahimik ang buong St. John the Baptist gym.

Ako mismo ilang seconds na parang nawala sa sarili eh. Wala pa nga atang pumalakpak eh.

"tayo yun" sabi ng ilan nating kaklase

"tayo?"

"uy, Cebu! okay lang yan!" sigaw ni tatay

Shit! tayo nga!

Uwian... Balik sa room...

"company call" tawag ni tatay

Magdadasal na, pero bago yun, napahinto si tatay then yumuko, naiyak saglit.

In the end, natanggap naman nating lahat. Medyo bitter nung una, pero wala na yun.

Pero grabe ang experiences natin dahil dyan sa sabayan, naalala ko nasa gs dept tayo, practice, gusto daw panuorin ni Mrs. Canlas, eh ayaw pa muna natin kasi nga nandun din yung iba nating kalaban.

Tapos sa tuwing may lumalabas na 3rd year, kunwari nagkakantahan lanv tayo.

May time na sumigaw pa si tatay kasi parang nananady, pabalik balik sa fountain eh. Haha!

O, ayan ang memorable experiences natin for the month of August. I love August!

Senior Year (fourth year- Archdiocese of Cebu)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon