Unforgettable Moments...

72 0 0
                                    

Sabi ng isang dj na favorite ko: "it's not about the destination, it's all about the journey". O naintindihan nyo ba? Ako din hindi eh, hayaan nyo na. Hahaha! Hindi joke lang syempre, para sa akin, dapat pahalagahan din natin yng mga taong nakasalamuha natin sa buhay natin, hindi naman pwedeng naka-focus na lang palagi tayo sa goal natin, dapat tingnan pa rin ang mga tao sa paligid natin..

Eh ewan, nababaluw na naman si jao! Bahala na kayo intindihin yan. Haha!

Anyways, ang mga sumusunod na palabas ay rated "C" kinakailangang ikaw ay Cebu para maintindihan mo ang mga sinulat ko dito, kasi nakalagay dito ay mga pangyayari at kaganapan sa loob ng silid-aralan ng pangkat ng Cebu. (wow ah! tagalog na tagalog!)

Let's start... Ang dami nyo pang binabasa dyan!

Hindi na 'to nakaayos kung kelan nangyari ah.

1. Makakalimutan ba naman ang pag-iingay nyo, wow nyo lang talaga ah? hehe! syempre kasama ko. As I was saying, yung pag-iingay nga natin pag walang teacher, maging kamukha na ni badjao ang magsabing hindi dumadaldal kapag walang teacher! haha! Meron dyan, kakanta ng malakas, tamaan nman ang dapat. hahaah! Meron pa, manggugulo kahit saan, ako ba yun? hahah! May mga lalake naman na tatapat sa aircon, ayun, one time naabutan ni tatay, ayun, tuloy pa rin ang pagtambay sa tapat ng aircon. Pero actually, may mga girls din na gumagawa nyan, isa na ko dun. Ayun, nasigawan ni sir Mondejar, eh kasi galing kaya tayo nun sa labas, nung pinanood natin yung paglilinis sa mga ilog, alam ko bday pa yun ni Bagui.

Kahit mga dakilang honor natin, nag-iingay din nuh, lalo na si Kathleene Marie Ferrer! hahaa! Tanong nyo na lang kung anu-anu topic nila ng friends niya, lalo na kapag si Crisdel Mea ksama niya, naku! alam na!

Kahit nga ang Scb president maingay nuh! Kea napapagalitan ni Ms. President eh. Hahaha! Peace tayo!

Ayun, basta, lahat tayo umamin na maingay kpag wlang teacher!!! hahaa! Minsan, nabibitin pa sa pakikipagdaldalan kapag dumadating na ang next teacher.

2. Syempre di makakalimutan ang paglalaro ng ilan during breaktime! isa ko dun sa mga players! proud to be! Bakit ba? Wala namang masamang maglaro diba? Walang napepeste, yung iba ngang year sumasali pa eh. haha! Karamihan sa players babae, pero may guy din. Laro ng garter o kaya ay kasal-kasalan, bamsak. Basta, lakas trip! taas kamay ng naglalaro dyan! Whoo! Mabuhay tayong lahat!

3. Ang sakit ng ilan sa atin. Especially me, ang PAMBUBURAOT! haha! tamaan sapul! ako awts! hoy Xavier Nimer! tamaan ka din! hehe! Sino pa ba ang mga dakilang buraot sa tin? ayokong magbanggit ng ibang tao eh, baka mapikon, basta siya na yun, palagi akong inaasar na negra, yun ang clue! wala akong binanggit na name ah, baka mapagalitan ako. hahah! Ayun, kanya-kanyang buraot, merong candy lang, juice, french fries, jnk foods, pero ang matindi, buraot ng Lunch!! isa ko dun!! bwahahaha! ganun talaga, sayang naman diba? hehe! Binabati ko ang mga kapwa kong buraot jan! kaway naman kayo jan.

4. Ang mga reyna ng "labasan" makakalimutan ba? hahah! Joke! Peace! Honestly, akala ko dati mangyayari sa kin yun, kaya nananahimik na lang ako minsan, takot ako eh. Hehe! Well, alam naman nating lahat ang alamat ni Labas! hehe! Basta to cut the long story short, may dalawang babaitang Cebu ang napalabas ni sir. And moral lesson, wag na wag mangyayari na ikaw ang mang-aasar sa isang tao, kahit na palabiro siya, baka kasi angapagtripan ng bonggang bongga. Watch your words din. Charot!

5. Eto nangyayari madalas kapag recess for all, yun bang pangtitrip ng ilan sa atin sa mga lower years, hindi nman as in bullying, showdown pa nga eh, halimbawa yung kay dougie sa second year, I forgot the name, basta yung babaeng medyo nasobrahan sa kalusugan, mejo kakulay ko, kulot. Hindi ko na maalala yung iba, bahala na kayo mag-isip, dami ko ng naisip nuh, kayo naman.

6. eto secret ah, baka pare-pareho tayong mapagalitan. Tanong ko lang, anong ginagawa nyo kapag CL time? Sige nga mag-reflect tayong lahat. Hehe! Kasi pag ganitong oras na, parang napaka-busy nung iba sa atin, malamang naglelecture nuh? o kea minememorize mga sinasabi ni sir, or pinag-uusapan yung topic. Basta, kakaiba talaga pag CL time, syempre special yan sa lahat. We must prioritize God and learn about Christian Morality, we should act as a good Christian. Have a pure heart. Follow the Commandments of God, be a blessing to others. Uy, serious talaga ha. walang tatawa sa part na yun. Pray always guys! pray for our Cebu family.

7. Alam nyo yung feeling na... HAIST. I cant explain, napakahirap. Haist. Ang artey!! hahah! Yung ano, pag may homeroom, ang nirerequest agad, paiyakin tayo. hehe! Ayan na, natupad na gusto nyo, umiyak nga tayo, wala na eh, graduates na tayo. Tayo nga ba o kayo lang? hehee! uy, perfect in attendance si badjao ah, wala lang, ma-share lang. Ayun nga pag may homeroom na may dala si sir ng casette player, ihanda na ang mga panyong peke! hehe! magpapa-speech yan, may tugtog pang ill be o kea awit ng barkada, nakaka-hmmm lng diba? hahaha! yung iba dyan ayaw umiyak, kasi baka daw pag umiyak d na maawat, yung iba sadyang matitigas, pero nakow! yung karamihan, makaiyak eh parang naanu lang, wala naanu lang, kayo isip nyo ah. Isa ko dun actually sa sobra makaiyak, nakakita na ba kayo ng owl na sumingkit? ako yun, imagine nyo na lng, wlang picture eh. Meron pa nga, halos wala ng mata kakaiyak, diba Aviette? Marquee? hehe!

8. by the way, tine check lng ah... 12:43am, April 29, 2012. hehe! alam na kung bakit malalim ang eyebags ni jao.

Okay next, Eto nangyayari kapag ang teacher natin ay si tatay, syempre good to nuh. hehe! Alam nyo yung nasa isang topic tayo na about sa business kunwari, maiko-connect na niya maya-maya sa personal life niya, o diba galing? Kaya lahat mga siguro ng mga naging anak ni sir, alam na ang halos 3/4 sa buhay ni sir. Ang sweet nga diba? Open siya sa atin. Yun ang masarap sa pagiging anak ni tatay. Wow! higop na talaga 'to! jeje! eh, totoo naman kasi. Basta ang sarap maging Cebu under ni tatay PERIOD!

9. Ah eto maraming makakarelate sa akin. Siguro yung mga SCB dati pa hindi na, pero marami pa rin ang makakarelate. 1st day na imi-meet ang mga teachers ganito ang set-up nun eh. Then bandang 11 or 12 tinitignan ang temporary schedule, eh may sumigaw, " si Ms. Figueras na" lahat umupo, tahimik. Honest lang po talaga ko ah, hindi ito kalokohan, itsura ko that time? Basta yung feeling na naiihi ako na ewan sa sobrang kaba. Nanlalamig ako that time, kasi group 4 pa ko nun, nakatapat sa aircon. then this is it! Enter, quiet ang lahat , pinatayo. walang kaimik-imik lahat. Yung mga pinatayo, parang nanginginig voice. Well, nagbago naman yun, naramdaman ko personally, na sobrang sarap maging teacher si Ms. Figueras, walang halong kasipsipan, basta, parang malambing siya, ganun, basta I cant express my feelings. Namiss ko tuloy si Ms. Figueras, dati kasi madaan pa lang ako sa prefect office nangingimi na ko, but now, nope, relax na. hehe!

10. Minsan lang mangyari sa room, pero madalas din. Hahahahaha! ang gulo ni Jao! Si Jao sa Princess and I. hehe!

Senior Year (fourth year- Archdiocese of Cebu)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon