sORRY PO natagalan ko ang pag-update!!
_________________________________________________________________________________________________________________________________________________
I'm here with kath at heto ako ngayon pinopigilan ni kath na wag sugurin sila julia at ang kasama nyang payatot na lalaki!
" Albie! please, wag ka sumugod!" pakiusap ni kath sakin.
" Ano gusto mo gawin ko ha? hayaan si julia na sumama sa payatot na ya?" tanong ko sa kanya na medyo napalakas yata.
" Aver! kong susugod ka anong gagawin mo? susuntukin mo yung lalaki? mag-aaway kayo? di mo ba naisip ko ano ang pwedeng mangyari pag sumugod ka? mauuwi sa wala lahat ng plano natin!" sabi ni kath sakin. pero tama sya eh walang mangyayaring maganda kapag sunugod ko sila!
" Sorry kath! di na ako susugod! nabigla lang ako, sorry! kahit siguro kung ikaw ang nasa condition ko, mapapasugod ka rin! kasi ang sakit eh! ang sakit pag nakita mo ang mahal mo na may kasamang iba!" sabi ko sa kanya.
" Oo, baka nga, baka nga mapapasugod din ako pag nakita ko di daniel na may kasamang iba peron pipilitin kong controlin kasi mauuwi sa wala ang plano natin di ba?" sabi nya.
~~~
magkayakap kami ni daniel ngayon at ang saya saya ng pakiramdam ko tuwing kayakap ko sya! feeling ko safe ako pag sya kasama ko, pareho kaming ayaw maputol ang moment na to na magkayakap kaming dalawa. parang kami lang bang dalawa ang tao dito sa mundo at parang ang tagal lumipas ang oras! bigla nalng pumasok sa isip ko yung time na nag huhug kami ni albie! hindi kasi ganito nararamdaman ko eh! bigla naman ako napatingin sa isang lalaki at isang babae na parang nagtatalo silang dalawa at yung lalaki parang kilala ko sya kahit nakatalikod sya! para ngang si Albie yun eh! maya maya ay sinusuyo na ng lalaki yung babae tapos nag hug sila at umalis rin! ang sweet nila! pag nagmamahalannga naman di maiiwasan mag katampuhan!
Ano ba to hindi nya ba talagang balak kumalas sa pagyakap? sige bahala sya ako na ang kakalas! pagkakalas ko sa kanya nag ka tinginan kami! nilagay nya kamay nya sa pisngi ko at nagkatinginan kami at unting unti nya nilalapit ang muka nya! nakuu balak pa yata nito akong halikan ha! nakuu malapit na mag kadikit mga labi nmin!!! ayan na!! 1 inch na lang!!! didikit na sana mga labi namin kaya lang tinagilid ko muka ko kaya di nya ako nahalikan at nahalikan nya ang cheeks ko pagkatapos tumingin ulit ako sa kanya at magkalapit parin mga muka nami at sinabing:
" Daniel, gusto ko na mag pahinga! punta na ako sa kwarto ko ha? pagod na kasi ako eh!" paalam ko sa kanya.
" ay sige hatid na kita!" sabi nya sakin.
" ha? hindi na kaya ko naman mag isa eh!" tangi ko sa kanya.
" hindi! sasamahan kita ! baka may mangyari sayong masama eh!" sabi nya! aba concern si chong!!
"ikaw bahala!" sabi ko sa kanya, inabot nya kamay nya at tinignan ko to at tinignan ko sya.
" let's go?" tanong nya sakin kaya inabot ko to at magkaholding hands kami papunta sa kwarto ko.
~~~
hinatid ako ni albie hangang sa may pinto ng kwarto ko kaya nandito kami nag uusap pa rin.
" So ano plano natin?" tanong nya sakin.
" teka di ba pwedeng sa pumasok ka muna sa loob ng kwarto ko at doon tayo mag usap? baka kasi marinig tayo eh!" sabi ko sa kanya.
" eeh hindi na! saglit lang namn ito eh kasi may kailangan akong gawin! sabihin mo lang sakin plano natin!" sabi nya sakin.
