Celina's POV
Taas noo akong naglalakad sa hallway kasama ang hampaslupa kong besfriend. Nadadaanan namin ngayon ang mga nilalang na mukhang anus.
"Celina, ang daming nakatinging boys sa'kin. Hihihi!" Echoserang sabi ni Leila.
"Gaga! Sa'kin sila nakatingin, assumerang mukhang pigsa." Diretso kong sabi sakanya.
"Wag kang magalala. Magkamukha lang tayo. Ako ay pigsa at ikaw ay nana." Aba, kinumpara ba naman ang kagandahan ko sa nana.
"Bitch! Hindi tayo magkamukha. Ako ay magandang nana at ikaw naman ay hinog na malapit ng pumutok na pigsa. " Laban ka? Hindi niyo matatalo ang isang Celina Sanchez.
"Panalo ka na, okay? Dali-dalian mong maglakad dahil malelate na tayo. Magagalit nanaman yung kutong mukhang napisa na yun." Tinaasan ko lang siya ng kilay. At sakto, nasa harapan na kami ng room namin. Naka-isip nanaman ako ng idea kung papaano ipapahiya yung adviser namin.
Binuksan ko ang pinto at nakita kong nag-didiscuss si kuto. "As if naman na natatakot ako sa kuto. Hello?! Pwede kong tirisin ang kuto." Tumingin ako sa adviser namin. "Ay kuto!" Kunwaring nagulat ako nung nakita ko siya. Pero ang totoo, sinadya ko talaga iyon.
"Late ka nanaman, Celina." Nakapamewang na sabi niya.
"So what? Bakit, 'nung pinanganak ka ba nagreklamo ako?" Mataray kong sabi. Humagikgik ng konti aNmga kaklase ko. Sige, tumawa lang kayo mga mukhang aso. Taas noo ulit akong naglakad papunta sa aking upuan. Pero bago ako makaupo ay nagsalita nanaman yung adviser namin.
"Wala ka talagang galang, Celina." Nakapamewang niyang sabi sa'kin.
"Wala ka talagang dede, Ms. Santos." Mataray kong sabi sakanya. Narinig kong mas lumakas pa ang paghagikgikan ng mga ubing. Tumayo ako sa aking upuan at pumunta sa banyo upang mag-retouch. Medyo pinawisan kasi ako sa pang-aapi ko dun sa kutong flatchested na 'yun e.
"Kinakausap pa kita, Celina!" Galit na siya. Hahaha! Gustong-gusto ko talagang nakikita ang mga pagmumukha ng mga hampaslupa na naagagalit sa'kin.
"Ayokong nakikipagusap sa mababaho ang hininga." Sa sinabi kong 'yun ay mas dumoble pa ang lakas ng hagikgik nila-este tawa.
"Shut up class!" Sigaw niya. Haysss, buo na ang araw ko kasi nakapang-asar nanaman ako.
Lumabas na ako sa banyo at umupo sa upuan ko at humalumbaba sa lamesa. Buong klase ay naka-tingin lang ako sa labas.
*Kringggggggggg!* (Tunog ng bell yan, wag kaypng ano.)
Hay sa wakas, natapos na rin ang klase. Nasusuya na kasi ako sa mga pagmumukha ng mga Prof. namin. Nakita kong palapit na sa'kin si Leila kaya tumayo na ako at nag-ayos.
"Ang galing ng ginawa mo kanina ah." Hindi ako sumagot sa sinabi niya. "Huy! Hindi ka ba magpapasalamat sa sinabi ko?" Dahan-dahan akong tumingin sa kanya.
"Get lost, bitch! Alam mo namang hindi nagte-thank you ang isang Celina Sanchez." Anong gusto niya, lumuhod ako dito para mag-thank you sakanya. Hindi ko gagawim 'yun 'no. Hello?! Nakita ko namang umirap siya sa'kin.
"H'wag ka ngang nangii-snob, nag mumukha kampon ni satanas." Ako namang ang umirap sakanya. Mas bagay ko ang umirap dahil ako ang goddess of beauty. E siya mukha lang tuko.
"Ang hard mo talaga sa'kin 'no?" Pagrereklamo niya.
"Oo, at itong hard kong kamao ang dadapo sa mukha mo." Niwave-wave ko sa mukha niya ang kamao ko at lumayo naman siya.
"Tara na nga, punta tayo ng bar." Pumayag naman ako sa gusto niya. Dinala niya ako sa pipitsuging bar.
"Leila?! Bar ba'to? Mukhang horror house! Ang daming pangit" Ka-stress! Ang Cha-chaka pa ng mga sumasayaw na lalake sa stage. E buto't balat naman.
"Choosy ka pa! Ayun oh, may boylet na kanina pa nakatyingin sa'yo." Napatingin ako sa direkyon na tinuturo niya. Tumambad naman sakin ang isang matipunong katawan, may muscle maganda ang buhok pero PANGIT! In short, Hipon! Tumayo siya at papunta siya sa kinauupuan namin.
"Hi, beautiful." Sabi niya habang nakangiti. Ito yata yung tinatawag na Killer Smile. Yung tipong papatayin ka sa takot ng mga ngiti niya. Kilabot mga fren! Pero syempre, ayoko namang ipahiya ito sa mga pipitsuging tao kaya i will be nice to him muna. Gusto ko kasing pinapahiya yung mga tao sa magandang lugar, hindi dito!
"Hello, ugly." Naka-smile kong sabi. Hindi naman porket sinabi kong i will be nice to him e magiging mabait na ako sakanya. Ang ibig sabihin ko ay magiging mabait ang pananalita ko pero ang mga salitang sasabihin ko ay hard pa'rin.
"Maiwan ko muna kayo ah." Sabi sakin ni Leila. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Iiwan niya ako dito sa hipon na lalaking ito?! Pero hindi pa rin siya nagpatinag, umalis siya at pumunta sa kabilang dulo at umupo siya. Humada ka mamaya Leila!
Umupo naman siya sa tabi ko at tinignan ako. Mygad! Killer smile, check! Killer look, check. Im dead now! Inilapit niya ang labi niya sa leeg ko at hinalikan ito.
*Pak!!!* Malakas ko siyang sinampal. "Tangina mong hipon ka! Nakakadiri! H'wag mo nga akong hahalikan." Lumapit sakin si Leila at hinila ako palabas ng bar, pero bago pa ako makalabas ay sinigaw ko muna ang katagang kanina ko pa gustong sabihin sakanya. "Ang baho ng hininga mo, gago! Mag-toothbrush ka muna!" Kumuha ako ng 1000 sa wallet ko aty tinapon sa harap niya. "Yan! Ibili mo yan ng toothpaste at toothbrush, dugyot!" Nauna na akong naglakad kay Leila sa labas at hinintay siya. Isa pa 'yang Leila na yan e, kung hindi niya ako dinala sa pipitsugin na bar na 'yon edi malinis pa ako ngayon.
"Wala talagang kupas ang kagalingan mo, Celina." Sabi ni Leila. Hinablot ko ang buhok niya at sinabunutan ko siya ng 2 seconds. 2 seconds lang kasi nakisakay lang ako sakanya, hindi ko kasi nadala yung kotse ko.
"Araw ko naman, masakit kaya." Nag pout pa siya. Pero hindi ko na lamang pinansin 'yun at sumakay na ako sa kotse niya at sumakay na rin siya.
"Saan tayo?" Tanong niya.
"Babalik siguro tayo dun para mahalikan ako ulit nung hipon na 'yun." Tumango siya at binuksan ang pintuan ng kotse niya.
"Saan ka pupunta?" Iritado kong tanong.
"Babalik tayo 'dun diba?" Ay boba! Ingudngud ko kaya ito sa mukha ni Jose Manalo.
"Boba, malamang ihahatid mo ako sa bahay para maligo! Ang boba mo talaga." Ini-start niya na yung engine at nag drive na siya.
After 20 minutes ay nakarating na kami sa bahay ko. Umakyat ako sa kwarto ko upang maligo.
After kong maligo ay bumaba na ako. Suot ko ngayon ang favorite kong floral dress. Umaangat kasi dito ang kagandahan kong taglay. Inaya kong mag-mall si Leila at pumayag naman siya.
---------------
Masyado na bang maldita si Celina? Share your thoughts.