Celina's POVNaglalakad kami ngayon sa mall habang selfie ng slefie sa bwat madadaanan namin store itong si Leila.
"Hoy, ngayon ka lang ba nakapunta sa mall hampaslupa ka? Selfie ka ng selfie d'yan nagmumukha kang jejemon!" Inirapan ko siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.
"Ang Kj mo talaga." Ibinulsa niya ang kanyang cellphone at sumabay na sa paglalakad ko.
"Ako, killjoy. E ikaw? Mukhang na-kill sa pamamagitan ng dishwashing liquid na joy. Gaga!" O ano? Laban ka?
"Alam mo.."
"Hindi ko pa alam." Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil binara ko siya.
"Tsk! Pumunta na lang tayo 'dun sa department store." Pag-aaya niya. Sumama na lang ako sakanya, para na 'rin makabili ako ng bago kong damit.
Ilang oras na akong naghahanap ng damit pero wala pa 'rin akong nakikitang maganda. Ang chachaka kasi. Pero itong si Leila ay napaka-rami ng napiling damit pero ang papangit. Pang-jejemon, pwe!
Napatingin ako sa isang color red na dress. Kapag titignan mo ito, parang simple lang. Pero kapag isinuot ko ito, magiging maganda dahil MAGANDA AKO! Ikaw na nagbabasa, chaka ka!
Kinuha ko ang dress at tinignan ang price nito. 9,999 pesos. Ang mura naman. Wala na bang mas mamahal dito? Pero wag niyong isiping kabaligtaran ang sinsabi ko. Madalas kasing binibili kong damit ay worth 20,000 pataas.
Pumunta na kami sa counter at binigay yung damit na napili ko. Nakita kong nanlaki yung mata niya 'nung tinignan niya yung price.
"Hilo ka ba? 9,999 pesos 'to. Katumbas na ng 4 na dress na pinamili ko. Ibalik mo 'yan." Ibinigay niya yung damit.
"Kung kayang isupalpal ko sayo 'yang pinamili mo." Mukhang natakot naman siya at kinuha yung damit na napili ko.
"O eto na, eto na. Babayaran ko na." Binayaran niya na yung damit.
Napagpasiyahan namin na pumunta sa Starbucks. Magaan kasi ang pakiramdam ko kapag nasa Starbucks ako. Kaso nga lang, dumadami ang mga chaka sa SB, may mga feeling richkid na mukha namang hampaslupa. Nakakaimbyerna! E mukha naman silang mga tuko.
Umorder kami ng Frappe na mocha flavor dahil simula bata pa lang ay favorite ko na'to.
Pinagmamasdan ko ang mga famewhore na picture ng picture sa small size na frappe nila. Mga jejemon! Pwe! Pinipicture-an para makahakot ng likes sa social media. Famowhore!
Ilang minuto pa kaming uminom ng frappe at napagpasiyahan na naming umalis. Palabas na kami ng may biglang bumundol sa'kin. Hindi lang binundol, natapunan rin ako ng iniinom niya. Arghhhh!
"S––sorry, hindi ko sinasadya." Sabi niya, mukhang nahihiya siya sa katangahang ginawa niya dahil nakayuko pa rin siya. Aba dapat lang!
"Ang sabihin mo, lampa ka lang!" Iniripan ko siya. Narinig ko namang may bu