Chapter 1-5

13 1 0
                                    

*Chapter 1*

hapon na at tapos na ang klase sa halos lahat ng paaralan sa town na iyon, lahat ng istudyante ay nag sisiuwian na.

"Anjialle!! wait!" pag tawag ni Hanna sa childhood friend nya na si Anjialle na dire-diretso pa din sa pag lakad.

"Anji!! bakit ba mainit nanaman ang ulo mo!?" inis na hinila ni Hanna ang binatilyo sa kamay upang pigilan ito sa pag lalakad.

"bakit si Darius nanaman ang una mong sinabihan tungkol sa senior high na pag eenrollan mo?!" galit na binawi nito ang kamay mula sa pag kakahawak ni Hanna dito.

"ha? sasabihin ko din naman sayo ah! na una lang sya mag salita sakin, at hindi ko sinabi sa kanya yun, narinig nya lang sa teacher nung nag uusap kami." paliwanag ni Hanna kay Anji.

natahimik naman sandali ang binatilyo ng marinig ang paliwanag ni Hanna.

"tsk, so... sa parehong school kayo mag aaral.... in the end, you'll left me behind..." tila nag mumukmok na sabi pa ni Anji.

napa ngiti naman sa narinig nya si Hanna at hinawakan si Anji sa kamay.

"!?" tila na kuryente sa pag hawak ni Hanna sa kanyang kanan kamay si Anji at hinila nya ito pabalik.

"Anji, alam mo naman na dream school ko talaga yun diba? hindi naman kita iiwan eh, sabay pa rin tayo papasok at sasakyan ng bus, at pag uwi pwedi pa rin tayo mag laro ng game sa bahay nyo, after all mag katabi lang bahay natin kaya wag ka na mag selos kay Darius kasi-"

"sino ang nag seselos? kanino? bakit naman?!" biglang pag puputol nito sa pag sasalita ni Hanna. namumula ang mukha na bulyaw ni Anji kay Hanna.

"ah... akala mo nag seselos ako kay Darius dahil may gusto ako sayo? haha! tulog ka ba!? sino naman ang mag kaka crush sayo sa ugali mong iyan, wag ka ngang umasta na parang crush ka ng bayan." di sinasadyang nasabi iyon ni Anji kay Hanna na tila natahimik.

tila naman nakunsensya sa mga nasabi nya si Anji, nag padala sya sa pag papanic nya na baka malaman ni Hanna ang totoo nyang feelings para dito.

"oy.... Hanna..." mahinang tawag nito sa dalagita.

"uis...." mahinang bigkas ni Hanna.

"ano sabi mo?" tanong ni Anji dto.

"SABI KO!! buti pa si Daruis, honest at gentleman pa!" inis na sigaw ni Hanna sa mukha ni Anji.

"ganon? edi mag sama kayo!" inis na sabi rin sa kanya ni Anji, sabay alis na nito.

naiwan mag isa sa gate ng school nila si Hanna na tahimik na pinag mamasdan ang nag lalakad papalayo na si Anji.

.................................................................

mula sa pag kakatulog ay napa balikwas ng gising si Hanna.

(panaginip?) takang tanong nya sa isip at lumingon sa paligid.

"huh? nasa hospital ba ako?" tanong nya sa sarili ng makita ang kwartong kanyang kinaroroonan.

"ow!" napa hawak sya sa ulo nya ng bigla sya nakaramdam ng matinding kirot dito.

bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok mula doon ang dalawang babae na ngayon nya lang nakita, ang isa ay medyo may idad na at ang isa naman ay medyo matanda sakanya ng tatlo o apat na taon lang.

iyon ang pag a-analyze nya sa isip nya.

"buti naman at gising ka na! pinag alala mo si mama! akala namin kanina ay malalang aksidente na ang nangyari sayo." salita ng isang babae na katabi ng ginang.

The word i couldn't say that dayWhere stories live. Discover now