Chapter 7

9 0 0
                                    


(a/n: this time it will be Hanna's POV peron si Sharon na sya ngayon kay Sharon's POV na ang ilalagay ko 😊 )

Chapter 7


Sharon's POV

papasok na ako ngayon sa school, naka upo sa passenger seat ng kotche ni ate Sara ang ate ni Sharon, habang nag di-drive sya ay tahimik naman akong naka tulala sa labas ng kotche, pano ba naman hindi ako matutulala eh parang lutang ang utak ko.
napuyat ata ako kakaisip nang tungkol sa nangyari kahapon sa mall.


*** flash back***

sa mall after namin umalis sa restaurant na pinag stalker-an ko kay Anji kahapon, mag kasama parin kami ni Darius pero medyo tumahan na ako sa pag iyak.

"here..." sabi ni Darius sabay abot ng panyo nya sa akin. natigilan naman ako at saglit na tinitigan ang panyong ibinibigay nya sa akin, sinundan ko naman tingnan ang mukha nya na ngumiti naman ng mag tama ang mga mata namin, napa iwas tuloy ako ng tingin at kinuha ko ang panyo nya, gamit iyon ay pinunasan ko ang pisngi ko na basang-basa sa luha ko.

mukang mamahalin pati panyo nya ang bango pa, sa isip-isip ko.

nang kumalma na ako ay naupo na kami muna sa may waiting area ng mga jeep at taxi na masasakyan.

hinubad ko na ang bonnet na isinuot nya sa akin at inayos ito bago ko sinoli sa kanya ulit, tahimik lang kami doon, mag katabi naka upo hindi ko alam kung bakit parang nag aabang akong mag tanong sya tungkol kanina.

"hmn... D-Darius... i think kelangan ko na balikan yung mga friends ko, baka hinahanap na nila ako eh." hindi na ako naka tiis at nag pasya nalang ako mag paalam sa kanya.
tumayo na ako sa kinauupuan ko pero hindi parin sya nag sasalita kaya nilingon ko na sya. (bakit na tahimik bigla ang isang to?) tanong ko sa isip ko, nakita ko lang syang tila malalim ang iniisip. (hala! kalimutan ba naman na may kasama sya.) sabi ko pa sa sarili at tinapik ang balikat ni Darius na naka pag palingon naman nito sa akin

"sabi ko balik na ako sa mga friends ko." naka pout kong sabi, at nag akmang lalakad na paalis doon nang bigla nya ako hawakan sa braso, agad ko naman syang nilingon na may pag tataka sa mukha.

"ah... Sharon...." tila nag dadalawang isip sya sa mga sasabihin nya. Medyo kinabahan naman ako dahil doon, (Hala!!!! baka nalaman nya na ako si Hanna!! matalino pa naman ito!!) sigaw ko sa isip ko, hindi ko ito pinahalata kay Darius.

"w-wala.... i think... next time ko nalang sasabihin sayo pag sure na ako." sabi nito sakin at saka ngumiti, binitawan na nito ang braso ko at tahimik nalang ako pumasok pabalik sa sa mall.

after noon ay hinahanap na nga ako nila Lhea at Anna, kala daw nila ay nag ka amnesia nanaman ako dahil hindi na ako bumalik.


****end of flash back****


"Sharon, bakit ang tulala mo dyan?" tanong ni ate Sara sakin na ikina bigla ko naman
napalingon ako sa kanya na nag di-drive.

"masakit lang ulo ko ng konti ate" mahinang sagot ko kay ate Sara

"huh!? bakit? may natatandaan ka na ba? bumabalik na ba alaala mo? sa ospital na ba tayo pupunta para ma-check ka nila?" sunod sunod na tanong nya sakin na ikina sakit naman ng tenga ko dahil sa lakas ng boses nya.

"ate, masakit lang po ulo ko kasi na puyat ako kagabi." sabi ko sa kanya na syang ikina pout naman nya at tahimik nalang syang nag drive. (nakaka konsensya naman ang ginagawa kong pag sisinungaling sa pamilya ni Sharon... ang bait pa naman nila sakin, na miss ko tuloy bigla sila mama at papa...) sabi ko sa isip.

Nang makarating na ako sa School ay nakita ko na nag lalakad papasok na rin  si Anji, bigla nanaman sumaya ang pakiramdam ko at nahaluan iyon ng inis dahil naalala ko ang nangyari kahapon.

dahan-dahan ko sya sinundan mag lakad at nang maka lapit na ako sa likod nya ay akmang sisipain ko na sana sya nang mapansin ko na kita pala ang anino ko at anino nya sa sahig bigla syang napa tingin dahil doon, napa ayos naman ako bigla nang tayo.

"ikaw, sisipain mo ba dapat ako sa likod?!" galit na tanong ni Anji sakin nanlilisik ang mga mata nito naka tingin sakin.

(Whaaaa!!!! kung nakaka matay lang ang tingin sigurado nauna na ako!! bad mood si Anji baka pangit ang gising!!!) takot na naisip ko

"Hoy! i'm asking you! did you just tried to kick me!?" bulyaw nito sakin na syang kina inis ko naman.

(alam nya naman na maikli rin ang pasensya ko at ayaw na ayaw kong sinisigawan!) inis na sa sabi ko sa sarili pero pinigilan ko ang sarili ko sumabog sa galit. (ako si Sharon ngayon at hindi si Hanna kaya easy lang...) pag kakalma ko sa inis.

"hindi ko ginawa ang binibintang mo, baka inaantok ka pa kaya kung ano-ano nakikita mo dyan." mahinahon kong sabi sa kanya.

"tsk! what a liar b*tch" sabi nya sakin na may halong inis sa tono.

(did he just say b*tch!!!?) sigaw ko sa isip, galit na talaga ako pero pinigil ko parin ang sarili ko.

masama ko syang tinitigan at napansin nya ata akong naka glare sa kanya kaya naman nag glare din sya.

glare~~~~* me

glare~~~~* Anji

manga ilan sigundo pa ay nag sigh sya bigla at napa iling-iling iniwas nya na ang tingin sa akin.

"bakit ba ako pumapatol sa autistic..." narinig ko pang sabi nya pero medyo mahina na ito, tumalikod na sya at nag pa tuloy sa pag lalakad.

(oy! wait curious ako sa nangyari kahapon sa kanila nung etchuserang babaeng kasama nya.) agad ko syang sinundan sa pag lalakad.

"wait!" sabi ko sa kanya pero hindi nya iyon pinansin.
"wait! sabi eh! Anji!" sigaw ko ulit sa kanya, at napahinto naman sya.

naka simangot parin na nilingon nya ako.
"pwedi ba wag mo akong matawag-tawag na Anji!" galit na utos nya sakin.

"no way!" otomatikong sabi ko sa kanya.

"what!?" tila inis na di makapaniwala si Anji sa sinabi ko.

"a-ayoko nga! maganda naman yung Anji diba? at saka wala kang magagawa kung iyon ang gusto ko itawag sayo." natatarantang dahilan ko sa kanya.

nagulat naman ako nang bigla nyang hawakan ang kwelyo ng uniporme ko.

"when i told you to not call me by that name, then stop, wag kang mag tapang-tapangan kung sa totoo lang ay duwag ka naman talaga." mahina pero halatang galit na galit na sabi sa akin ni Anji, napa tulala nalang ako ng binitawan nya na ang nagusot kong kwelyo, parang di ako maka paniwala na si Anji ang nag salita na iyon.

napansin ko nalang na nangingig na pala ang mga kamay ko (bakit ganon maka tingin si Anji? dati naman ay kahit galit sya ay hindi ganon ang mga mata nya, parang wala syang emosyon na nadadama sa puso nya.)
pinakalma ko ang nanginginig kong mga kamay at napa buntong hininga nalang.

ano kaya ang nangyari sa kanya sa loob lang nang isang taon? tanong ko sa sarili at nag lakad na papunta sa classroom namin.

habang nag lalakad ay may isang bagay akong napag desisyonan.

The word i couldn't say that dayWhere stories live. Discover now