Chapter 6

10 1 0
                                    

Chapter 6

(a/n: lalagyan ko na po ng POV ang mga characters para hindi masyadong magulo ;) )

Anji's POV

nakita ko kanina si Darius sa isang restaurant sa mall na pinuntahan ko kasama yung babaeng nag aya sa akin na nakalimutan ko na itsura, may kasama rin syang babae di ko na kita yung mukha kasi naka talikod sya pero halata naman na umiiyak yun, anyway wala akong pakielam doon dahil nang makita ko kanina si Darius ay sumama na ang mood ko ng sobra at nag pasya na akong umuwi nalang.

pag uwi ko sa bahay ay pagod na nahiga ako sa kama ko at bumuntong hininga ako, tapos ay dinama ko ang katahimikan ng buong kwarto ko, tumayo ako at lumabas sa terrace ng condo unit ko na nasa 7th floor, pinag masdan ko ang palubog nang araw at ang buong syudad na nilipatan ko one year ago.

habang tulala sa kawalan ang malungkot na mga mata ni Anji ay naalala nya bigla ang nakaraan na pilit nyang kinakalimutan.



*** flash back***

a year ago....

"Anji!" narinig ko pa ang boses ni Hana na tinatawag ang pangalan ko, pero dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko non ay hindi ko sya nilingon at nag patuloy parin ako sa pag labas ng gate ng school.

na iinis ako dahil lagi nalang si Darius ang pinupuri nya, lagi nalang si Darius ang unang nakaka alam pag may sinabi na maganda sa kanya ang teacher, samantalang ako ang kababata nya, hindi nya kasi alam ang nararamdaman ko kaya sya ganun, bahala sya sa buhay nya mag pahatid sya sa Darius nya kung gusto nya. Galit na naisip ko habang nag lalakad, pero napatigil ako bigla ng marealize ko na napaka isip bata ng ginawa ko kaya naman makikipag bati na lang ako sa kanya mamaya pag nag text sya sa akin.

nung oras na rin na yun nung uwian ay pumunta muna ako sa mall para mag laro sa timezone, mag papalipas muna ako ng oras para hindi mainip sa pag hihintay sa kanya, sure naman ako na hindi rin nya ako matitiis na hindi kausapin. napa ngiti ako nung maisip ko iyon.

tatlong oras na ang nag daan nang mapansin kong medyo dumidilim na, tinignan ko ang cellphone ko na naka vibrate mode pala, pag tingin ko dito ay puro missed call ng mom ko at ni kuya Vinz, tinignan ko kung may missed call din si Hana o text pero wala.

dahil doon kaya na badtrip nanaman ako.

mukang nag mamatigas din ito at baka nga nag pahatid pa ito pauwi kay Darius. nang naisip nya iyon ay nakaramdam ulit sya ng matinding inis kay Hana.

nakalimutan din ata ni Hana kung sino ang mas importante samin ng Darius na yon.

inis na umuwi ako sa amin. nang bigla akong ni yakap agad ni mama na halatang makungkot at nag aalala.

kinabahan ako bigla.

"ma, bakit ka malungkot?" nag aalalang tanong ko sa kanya.

"Rei... si Hana... isinugod sya sa ospital kani-kanina lang." malungkot na sabi sakin ni mom

lalo naman akong kinabahan sa narining.

"S-si Hana?" pag sigurado kong tanong.

"Oo... tumawag sakin ang kuya mo, isa sya sa doctor na nag opera sa kanya." malungkot na sabi ni mama sakin.

"a-ano daw nangyari?" tila natatakot na tanong ko ayoko marinig ang sagot dahil sa expression ng mukha ni mama.

ugh... sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, ayoko marinig ang sagot ni mama. sa isipin iyon ay agad kong tinakpan ng dalawa kong kamay ang magkabilang tenga ko at napa atras palayo kay mom.

nahalata naman ni mom na ayaw ko marinig ang isasagot nya pero halata parin dito na nalulungkot ito para sakin.

criiing.... criiing....

biglang may nag call sa cellphone ko tinignan ko agad iyon at umaasang si Hana ang tumatawag, pero mali ako si kuya Vinz ang nag call sinagot ko naman iyon.

"h-hello.... k-kuya, balita ko sinugod sa ospital nyo si Hana kanina? bakit daw? lumabas na ba sya? umiiyak ba kanina? paki sabi nalang maya ko sya puntahan pag kabihis ko... k-kakauwi ko lang kasi eh." tila nag pipigil umiyak na sunod-sunod na tanong ko kay kuya.

maya-maya ay nag salita na sya, at ibinalita sa akin ang bagay na nag patigil ng oras ko.

"Rei... sorry we did all we can do... but... Hana stopped breathing... her heart stopped-" pinutol ko ang iba pa dapat na sasabihin sakin ni kuya Vinz. Hinagis ko ang cellphone ko kung saan at mabilis na lumabas ng bahay.

"Rei!! saan ka pupunta gabi na!?" nag aalalang tanong ni mom sa akin.

"i'm just going to the hospital mom, si Hana kasi, pinag ti-tripan ata ako eh, dinamay pa si kuya Vinz para mag trip, sigurado ako na galit lang yun sakin kasi iniwan ko sya kanina sa school nag tatampo lang yun." sabi kay mama pilit akong ngumingiti at pinapaniwala ang sarili ko.

"Rei... sabi sakin kanina ni Vinz ay... dead on arrival daw si Hana... nabagok daw ang ulo nya dahil-" hindi ko na kaya pakinggan ang ibang sasabihin ni mama sa akin.

agad ako lumabas ng bahay at sumakay ng taxi papuntang ospital.

doon nakita ko ang parents ni Hana na umiiyak, napa tulo na rin ang luha ko nilapitan ko sila tita Risa at tito Simon ang parents ni Hana, malungkot ito at umiiyak kausap nila ang kuya ko.

"Rei..." napa tingin sila sa akin ng tawagin bigla ni kuya ang pangalan ko.

"k-kuya... asan si Hana? diba nag bibiro lang kayo sakin? diba binibiru lang ako ni Hana kasi nag tatampo lang sya sakin?!" pasigaw ko nang tanong kay kuya na hinawakan ko na sa kwelyo nya.

tahimik lang ito... at halatang naaawa sa akin ang tingin... habang umiiyak parin ang mama ni Hana at tahimik lang ang papa nya.

maya-maya pa ay may mga doctor na lumabas sa O.R tulak-tulak nila ang isang kama na may gulong may naka higa doon na pasyenteng medyo namumutla na at halatang wala itong buhay.

nang makita ko iyon ay tila nag manhid ang buo kong tawan, tila nawalan ako nang pakiramdam.

mas lumakas ang iyak ng mama ni Hana ng makita ang wala nang buhay nyang katawan.

gusto ko masuka sa mga nangyayari, gusto ko iumpog ang sarili ko sa pader... baka sakaling magising ako at panaginip lang pala ito, pero habang nilalayo nila sa akin ang katawan ni Hana ay unti-unti ko rin nararamdaman ang pag ka durog ng puso ko.

*** end of flash back***

napa kurap ako bigla dahil sa naalala ko, kasabay ng pagka matay nya ay namatay na rin ang pag ibig dito sa puso ko. sabi ko sa sarili at pumasok na sa loob ng condo unit ko.

ako lang ang naka tira dito, na lumipat sa ibang city after what happened, nung una hindi payag si mom at dad na lumipat ako mag isa pero napilit ko rin naman sila kalaunan, dahil siguro ayaw na nila akong makitang uti-uting nag babago.

sigh... napa buntong hininga nalang tuloy ako at hindi ko na namalayan na naka tulog na pala ako sa sofa sa kwarto ko.

kaya ayoko nakakakita ng mga classmate ko noon ay dahil isa sila sa mga nag papaalala sakin nang mga panahon nanjan pa sya sa tabi ko.... naisip ko pa iyon bago tuluyan makatulog.

"Anji!! Anji!!!" isang boses ng babae ang tumatawag saakin.

isang babae lang naman ang tinatawag ako sa nickname na yan... napangiti ako sa na isip kong sya ang tumatawag saakin noon, lumingon ako sa likod at nakita ko ang isang babaeng naka tayo sa gilid ng gate sa school namin noon.

"Hana?" mahinang tanong ko sa sarili hindi ako sigurado dahil malabo ito at medyo malayo, kumakaway ito sa akin.

"Anji!! bilisan mo punta ka dito!! may papakita ako sayo!!" masayang sigaw ng babae di kalayuan sa kanya.

napangiti sya at pinuntahan ito dahil sigurado na syang si Hana iyon.

ramdam ng binata ang saya nya, ang malakas na pag tibok ng puso nya.

"sabi ko na nga ba eh... ikaw lang ang makakapag pa tibok ng puso ko ulit." naka ngiting sabi nya dito nang maka lapit sya dito.

pero nang makalapit sya ay ibang babae pala ang tumawag sa kanya na syang ikinalito naman ni Anji.

(a/n: ang kuya Vinz ni Anji ay isang doctor and Vinz means Vincent zian, may story rin sya so wait lang natin matapos to ;) )

The word i couldn't say that dayWhere stories live. Discover now