Chap 3.
1st Day
Mia.
Excited na ako sa first day ng klase sana may makilala ako new friends..at sana naman hindi na ako magkaroon ng maraming records dahil sa mga aksidente lang na mga nangyayari..
Section 7 ako ngayon...nagpasalamat ako kasi kasama ko yung kaibigan ko sa section 7..
Habang naglalakad ako ngayon nakita ko yung mga babae nagmamadaling pumunta sa parking lot....anung meron??
Tinanong ko yung babaeng isa na tumatakbo...at tumigil naman siya
"Ate..anung meron?? Bakit nagmamadaling pumunta kayo sa parking lot??" Sabi ko
"May new student kasi dito na isang prinsipe tsaka ang gwapo niya...nag park siya ngayon ng kotse niya sa parking lot..." sabi niya
"Ahh ganoon ba...sige salamat" sabi ko
"Walang anuman Ate kailangan ko na talaga umalis baka mamaya punong-puno na ng mga babae dun di ko na makikita yung mukha niya..." sabi niya
"Sige bilisan mo na..." sabi ko
Napaisip ako kung sinu kaya yun na parang akala mo may artista na dumating ehhh...makikiosyoso nalang ako duon...
Nung dumating ako duon ay kawawa naman yung lalake dahil hindi siya makadaan kasi sa sobrang daming nakapaikot sakanya na mga babae na nagpapa-autograph...hindi ko na nga makita yung itsura ng prinsipe...dahil nasa dulo na ako at ang tatangkad pa ng mga babae..
"Pa autograph po pleaseeeeee..." sabi ng mga babae
"Sorry..I can't give you all an autograph right now...maybe next time.." sabi niya
"Awww..." sabi ng mga babae at halata mo sa mga mukha nila ang dissapointment...tapos ay umalis na sila...
Ako nalang ang natira duon sa parking lot at nung nakita ko na ang mukha niya ay nagulat ako...pati siya ay nagulat din.
"Nag-aaral ka dito??" Sabi niya
"Oo matagal na bakit?? Umm gusto mo i-tour kita dito dahil bago ka palang dito para kahit papaano ay mabayaran kita sa magandang pagtulong mo sakin..." Sabi ko
"No, thanks....Alam ko na yung mga kasuluksulukan dito.." sabi niya
"Ahh...okay kung may kailangan ka lang tanungin mo lang ako at baka matulungan kita.." sabi ko.
"Okay...thanks..." sabi niya
Bakit kaya nage-english itong lalakeng toh?? Nagtataka ako...pero naalala ko pala mayaman siya..
"Bye..." sabi ko...
Nung umalis na siya, ang mga babae ay ang sasama ng tingin sakin, ano kaya ang problema nila sakin?? Baka naman ang mga nasa isip ng babae ay dyowa ko yung lalake...at kung yun ang nasa isip nila ay mali sila...
Biglang hinila nalang ang kamay ko at nagulat ako..yun pala si Lennie lang yun...
"Hayyyssss..anu pang tinutunganga mo dyan?? Baka may gawin sayo ang mga babae na yan alam mo naman yan...pasok na tayo sa classroom.." sabi niya
Tiningnan ko ang watch ko at ang aga pa..
"Ang aga pa kaya..bakit naman papasok na tayo duon??" sabi ko
"Baka ma-late tayo.." sabi niya..
"Napra-praning ka na ba?? Ang aga pa kaya mamaya na tayo pumasok duon akala mo naman napakalayo ng classroom natin..Stay muna duon sa puno ang ganda kaya ng view duon.." sabi ko
"Sige..pero maya-maya alis na tayo dito.." sabi niya
"Hindi ko makakalimutan yun..susme.." sabi ko
"Ang sarap ng simoy ng hangin dito..makatulog nga muna.." sabi ko at sabay pikit ng mata ko..
"HOOOOYYY HUWAG KA NG MATULOG BAKA MAMAYA HINDI KA NA MAGISING TULOG-MANTIKA KA PA NAMAN.." sabi niya..
Pero hindi ko siya pinakinggan at pumikit nalang ako...
------------------------------------------------------------------------------
"GISING NA LATE NA TAYO!!!! BELL NA PO!!!! HOOYYYYYYY.." nagulat ako sa kanya...sinigawan pa naman ako sa tenga hayyysss kahit kailan talaga si Lennie..mabibingi ako sakanya ehhh..
"Bakit mo naman ako sinigawan sa tenga pwede naman sabihan mo lang ako??" sabi ko
"EHH KASI KANINA PA KITA GINIGISING!!" sabi niya
Pero tama naman siya bell na nga..
Nagmadali nalang kami pumasok ng section 7 at sa kasamaang palad nanduon na yung teacher...at nako patay mukhang ang taray ng teacher namin ngayon..
"Why are you late..you two??" sabi ng teacher..
Nako ano kaya ang madadahilan ko nito?? Hindi ko naman pwede sabihin na nakatulog ako..tsaka halata kung nagsisinungaling ako kasi parang hindi ako mapakalali...
"Ummmm...Miss.." sabi ko
"Can you please say it fast because your waisting my time.." sabi niya
"Ummmmm.." sabi ko
Nung medyo naiinip na siya sakin, binigyan niya nalang ako ng detention slip...pati din si Lennie...
"You may take your seat..." sabi ng teacher..
Nung nakaupo na kami...bulong ng bulong si Lennie..
"Hayysss...nakakainis ka nagkaroon tuloy tayo ng detention!!! Unang araw palang natin detention na agad..." sabi niya
Sana pala hindi nalang ako natulog kanina...sabi ko sa sarili ko at napabuntong hininga nalang ako...
SECRETIDENTITY24: WAIT FOR THE NEXT UPDATES!! IF YOU LIKE IT THEN LEAVE SOME VOTES OR COMMENT..I'M APPRECIATING EVERY VOTE THAT YOU GIVE <3 <3 <3
BINABASA MO ANG
Nabuntis Ako Ng Prinsipe
Fiksi Remaja(ON-GOING) Si Mia ay kasalukayan nag-aaral sa Helltown High...She had a perfect life but one day it will be ruined because of the Prince accidentally pregnant her...What will happen to her life if she is pregnant? Read for more details...... NOTE: ...