Hindi muna ako pumasok ngayon dahil na rin sa mataas ang lagnat ko, umulan kasi kagabi at sumaktong wala si clark dahil siya lang naman ang laging may dalang payong saaming dalawa. Uggh! Naisip ko nanaman siya, kainis!
"Ema! Si clark nandito!" sigaw ni mama
Anong ginagawa niya dito?
"Wag niyo munang papasukin yang kumag na yan!" sigaw ko rin ang kaso nakapasok na pala siya, kainis!
"Uy! Kumusta ka na?" sabi niya saakin
"Don't talk to me!" sigaw ko
"Woah! Umiingles si Inday! Pahingeng napkin yung may wings dumugo ilong ko hahaha!" pang aasar niya saakin kaya isang malakas na sapok ang tumama sa kanya
"Ouch! Ikaw noh di ka mabiro" bigla niya namang hinawakan ang noo ko "mataas pa rin lagnat mo" sabi niya
"Kasalanan mo to" pabulong kong sabi
"Sorry na" sabi niya
"Sorry mo mukha mo gago!" sigaw ko naman sa kanya
"Sayang may regalo pa naman ako para di ka na magalit sa akin" may kinukuha siya sa wallet niya, napatingin naman ako doon, wait! Pera ba bibigay niya...Naks mapapatawad ko na talaga tong mokong ito!
"Oh heto!" pag-aabot niya
"Gago ka talaga! Mamatay ka na!" sigaw ko ulit
"Bakit?" tawang sabi niya
"Aanhin ko yang condom mo?!!!!" sunud-sunod ko namang binato sa kanya lahat ng unan ko
"Umalis ka na nga!" sigaw ko sakanya, "Umuwi ka na sa bahay niyo nang di ko makita yang pagmumukha mo!"
Tawang tawa siyang lumabas ng kwarto ko "Pagaling ka Emao!" pahabol pa niya
Nang makaalis siya sa kwarto may bigla namang nagvibrate sa ilalim ng kama ko. Wait! Nakalimutan niya yung phone niya!
Kinuha ko agad ito para ibigay sa kanya ang kaso bawal akong lumabas dahil masakit ang katawan ko, binuksan ko nalang ang phone niya ang kaso may password! Ano kaya pass neto
"12345" -error
"45678" -error
"Birthday niya kaya"
"81698" -error
"Hala! Bat ayaw, last nalang kung di pa ito ma PUK ko na talaga ito"
"91799" -open
"What! Bakit favorite number ko ang password niya? Iiiiii!! kenekeleg teley eke!!!"
Ok dahil nabuksan ko na, let's do the rumble, nagstatus muna ako sa facebook niya
"😘bakla po aketch!"
Habang minamafia ko fb ni clark bigla na lang nag pop-out yung mukha ng sangkatutak na babae, nag-init tuloy ulo ko
Hannah: Mahal pa rin kita clark, sorry kung nasampal kita kahapon
Elisse: Hi po!
Martha: I love you clark,
Ano ba to puro kalandian, bwisit na clark daming babae! Bigla rin nag pop-out ang mukha ni hazel sa screen na biglang kinainis ko
Hazel: Oo sinasagot na kita!
Bigla namang sumabog dibdib ko dahil sa nabasa ko....oo nga pala flat chested lang pala ako hahaha! Pero seryoso naiyak ako sa sinabi niya, so si clark at hazel sila na? Pinatay ko nalang ang phone niya at nilagay sa bag para bukas na bukas ibibigay ko na sakanya, nagpatuloy nalang ako sa pagpapahinga na sana maging ok na ako bukas
....
Kinabukasan nasa school na ako, konting araw na lang gagraduate na ako ng college at magtatrabaho na rin ako sa wakas
Nakita ko si clark na may kausap na babae, at syempre umiiyak yung babae, bat di pa ako nasanay noh!
Di sana ako magpapakita nang bigla niyang tinawag ang pangalan ko
"Emao!" sigaw niya, halos lahat ng tao ay napatingin saakin
Gago ba siya!
Lumapit agad siya saakin at iniwan nalang basta ang babaeng kausap niya
"Buti magaling ka na!" ngiting sabi niya
Agad ko namang pinakain sakanya yung phone niya
"Iniwan mo kahapon" malungkot na sabi ko sa kanya
"Teka! Ayos ka lang ba talaga? Baka di ka pa magaling?" tanong niya saakin
"Ayos nga lang ako! Kulit ng apog mo" iritang sabi ko sakanya tsaka ko na siya iniwan
"Ingat ka nalang!" pahabol niya
Lalo tuloy akong nainis, bakit niya ako pinapahirapan ng ganito, bakit ang bait bait niya saakin at bakit pati ako ay unti unting nahuhulog sa kanya. Nakakainis lang bakit pati ako nahuli sa patibong niya masyadong pa-fall ang puta!
Dumaan ang ilang araw ay hindi ko siya pinapansin na parang stranger lang kami, ni call or text di man ako sumsagot, kahit ilang beses niya akong kulitin ay hindi ko siya pinapansin. Hanggang sa dumating ang araw ay kusa na siyang lumayo saakin, siguro na nagsawa na saakin. Dalawang araw na lang graduation na, kung kailan magtatapos na kami doon pa kami di magkabati, nakakalungkot lang dahil sabay naming pinangarap ang ganitong pangyayari ang umapak sa entablado at sabay na sabitan ng magulang mo ng medalya sa harap ng maraming tao....Ang kaso sinira ko lahat ng iyon
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend Kong Pa-fall (One-shot)
FanfictionWhen something amazing happens, he's the first one you want to tell. He's not afraid to tell you when you are with the wrong guy. He's the first one you call when things are going wrong. - Emily ▣▣▣▣▣