Yeahey! Graduation na namin, masaya ako dahil maisusuot ko na ang kulay itim kong toga at syempre mas excited ako dahil isa rin ako sa masasabitan, abay! Summa atta ang ateng nyo. Haay! Matagal ko ring hinintay ang ganitong pangyayari.
"Ang ganda naman ng anak ko!" sigaw ni mama sa akin, mas excited pa siya sa gagraduate
"Ma! Tigilan mo nga yan, nakakahiya" bawal ko kay mama
"Alam mo anak, masaya lang ako na matutupad na rin sa wakas ang mga pangarap mo kaya ganito mama mo"
"Salamat ma!" sabi ko sa kanya tsaka ko siya niyakap
Sa lahat ng mga nangyari saakin ay heto na go with the flow nalang ng buhay ko, kung anong mangyare go nalang ako noh!
Bago tumunog ang Graduation song, pinatugtog muna ang Lupang Hinirang, Grabe feel na feel ko tuloy, kaiyak! Tumingin naman ako sandali sa pwesto ni Clark, nakapagtataka wala pa ang kumag, anong balak niya sa buhay niya?
Natapos nang kantahin ang Lupang Hinirang sinunod naman nila ang Graduation song, Heto na! Sunud-sunod nilang tinawag ang mga pangalan namin upang kunin ang aming mga diploma
Isang segway muna kay clark baka nandyan na......! Wala pa rin, nag-aalala na tuloy ako sakanya sana makahabol pa siya
"Emily Grace Sta. Ana"
Tinawag na ang pangalan ko, ang sarap sa feeling pero nakakalungkot lang hindi humabol si Clark, sayang di niya man lang maririnig ang speech ko, nakakainis talaga ang Gagong yon!
Natapos na lahat lahat hindi ko pa rin siya nakikita, naiiyak tuloy ako, kahit graduation mo lang di ka pa rin pumunta, talagang iniiwasan mo ako ano?
Nakita ko nalang ang isang batang pilit akong hinihila papuntang labas
"Bebe girl saan mo ba dadalhin ang kuya mo" tanong ko sa kanya
"Hmp! Babae ka po kaya dapat ate ang tawag ko sa inyo" sabi naman niya, kyot kyot naman!
Pero hinihila niya pa rin ako hanggang sa makita ko ang isang lalakeng nakatayo na hawak ang kanyang diploma
"Clark?" sabi ko
Nagsmile lang siya saakin, binigay niya ang isang bouquet ng roses at kasama ang diploma niya
"B-Bakit mo binibigay saakin ito?" Tanong ko sakanya
"Diba ang sabi ko pag nagraduate na tayo gusto kong ipagyabang sayo na sa wakas nagtagumpay rin ako"
Hinampas ko sakanya yung rose
"Di ka pa rin nagbabago Gago!" sigaw ko sa kanya
Nagulat naman ako sa next niyang ginawa, Joscolored! Lumuhod siya sa harap ko habang hawak ang isang maliit na box
"Will You Be My Girlfriend?"
"P-Paano si Hazel, diba kayo na?"
Napabuntong muna siya bago nag-salita "Sinadya ko talagang iwan ang phone ko sa bahay niyo para pagselosan ka, di ko naman alam na iiwasan mo pala ako ng ganoon, alam mo ba ang mga babaeng pinaiyak ko, ginawa ko iyon dahil isa lang ang gusto ko, at walang iba kundi ikaw lang yon kaya uulitin ko payag ka ba maging girlfriend ko? Tagalog na yan ah"
"Keshe nemen!"
"Umoo kana Gago!" mura
niya saakin"Eh tarantado! Pinipikot mo ata ako eh?"
"Ayaw mo?"
"Heto naman di mabiro! Sige na nga Oo sasagutin na kita! Kahit na walang ligawan na nangyari"
The End...
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend Kong Pa-fall (One-shot)
FanfictionWhen something amazing happens, he's the first one you want to tell. He's not afraid to tell you when you are with the wrong guy. He's the first one you call when things are going wrong. - Emily ▣▣▣▣▣